BLAIRE LEE-VILLANUEVA's POV
"Yes po Lola! Kasali na po ulit kami sa school anniversary!", masayang kwento ni Love habang nag di dinner kami.
Dalawang araw na rin ang lumipas mula ng pumunta kami ni Adrian sa school ng mga bata. Akalain niyo iyon? Nagsorry si Misis Santiago with matching luhod luhod pa? Iba talaga nagagawa ng pera.
Kaya hayun pinatawad namin siya sa kondisiyong ibabalik nito ang kambal sa mga magpeperform sa school anniversary at titigil na sa pambubully ang anak niya. Pumayag naman ito. Ibinalik din ni Adrian ang kalahati ng ininvest nito sa kumpanya nila.
Oo, kalahati lang. Iyon daw iyong parusa sa pagpalo nito kay Hope. May awa pa pala itong natitira sa katawan dahil para raw iyon sa future ng batang si Steven.I guess hindi naman ito gano'n kasama. Ayaw lang siguro nitong nakikitang nasasaktan ang mga taong mahal niya.
"Mommy here! Kain ka po ng marami,pumapayat kana", nakangiting sabi ni Hope sakin pagkalagay ng gulay sa plato ko.
"Heto pa po mommy", si Love sabay lagay ng chicken fillet sa plato ko.
Nasa gitna kasi nila ako.Napangiti naman ako. Ang sweet talaga ng mga batang 'to.Sana, ako nalang talaga totoong mommy nila.Teka,Sa'n nanggaling iyon?(-_-')Nagiging weird na ko this past few days.Kung anu ano nalang pumapasok na kalokohan sa utak ko.
"Thank you babies", nakangiting sabi ko sa mga ito. " Pero dapat kayo po ang kumakain ng marami, lalo na ng gulay para mabilis kayong lumaki", nakangiting sabi ko habang nilalagyan ng gulay ang mga plato nila.
Nakita ko namang ngumiwi ang mga ito. Lihim akong napangiti dahil hindi talaga mahilig sa mga gulay ang kambal pero kapag ako ang nagbigay kinakain nila dahil hindi daw nila ako mahindian.Lihim namang natatawa ang mga kasama namin dahil pilit pa din nilang kinakain ang mga gulay sa plato nila.
Hay..... ang cute talaga nila...
Kinagabihan...
"One, two three! Yehey may ladder!", masayang sigaw ni Love pagkatapos igalaw ang kulay red na bilog na siyang pamato niya sa aming nilalaro.
Nasa kuwarto na kami at kasalukuyang naglalaro ng snake and ladder sa ibabaw ng kama namin ni Adrian.Oo. Namin. May karapatan ako no?
Dito raw matutulog ang kambal at pabor ako doon dahil ako ang naka schedule ngayon para matulog sa sofa at makakaligtas ako dahil tabi tabi kami ngayon sa kama.Tama. By schedule ang pagtulog namin sa kama. Ako ngayon tapos kinabukasan siya. Minsan madaya lang siya kasi inuunahan na ako.
"Ay! Natuklaw iyong sa'kin", disappointed na sabi naman ni Hope.
"My turn", masayang sabi ko sabay dampot ng dice.
Nang akmang ihahagis ko na ang dice saka naman biglang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa doon ang bagong ligong si Adrian. Napalingon naman ako at lihim na napalunok.
Oh my!He's topless!At nakaboxer shorts lang ito.Tapos nag pupunas ito ng buhok gamit ang puting tuwalya.Ang hot niya. Napakagat labi pa ako. Ah! Bakit biglang uminit?
"Ano iyan ha? Pasali naman ako", nakangiting sabi nito at lumapit pa sa amin.
At ang sira ulo umupo pa sa likod ko! Kaya iyong tubig na pumapatak galing sa buhok nito tumutulo sa balikat ko.Naka spaghetti strap na black ako at panjamang black din. Kaya ramdam na ramdam ko ang presensiya at mabangong amoy niya mula sa likod ko.
"Tsk! Doon ka nga! Nababasa ako!", inis na sabi ko sabay tulak dito.
Lumayo ka please at baka bigla nalang kitang yakapin at halikan.Grabe ilang araw na rin akong nagtitiis sa kumag na 'to.Hindi ko alam kung nananadya ba itong akitin ako o sadiyang kaakit akit lang siya. At napansin ko rin na tila napapadalas ang pag ngiti ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]
RomansaWhat will you choose? Happiness?or Revenge? -Blaire Lee Warning SPG Content. Read at your own risk.