Chapter 36

62.8K 1.1K 25
                                    


Blaire Lee/Faith de Guzman's POV

Akmang lalabas ako ng mansion ng biglang tawagin ako ni Jasper.

"Hey Ate! Where are you going?", habol nito sa akin. "Why are you crying?", may pag aalalang tanong pa nito.

Mabilis ko namang pinunasan ang mga luha ko. "Nandito si Adrian kasama si Rica", malungkot na sagot ko.Naikuwento ko na kasi sa kanya ang nangyari. Niyakap naman niya ako.

"Kailan ka ba titigil sa pag iyak mo dahil lang sa kanya?", bulong ni Jasper.

Mabilis naman akong kumalas sa kanya. "Sorry, lagi nalang akong umiiyak kapag kasama ka", pilit na ngumiti ako.

Ngumiti naman ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Hindi ka ba naaawa sa sarili mo ate?", tanong nito.

"Ikaw nalang lagi ang umiiyak. Eh siya? Kita mo naman lagi niyang kasama si Rica. Kailan mo ba sasabihin sa sarili mo na ayaw mo na? At sawang sawa ka ng masaktan ng dahil sa kanya? Tama na ate Blaire, nasasaktan din ako bilang kaibigan mo kapag nakikita kitang ganyan", may awang sabi nito.

Ngayon ko lang nakitang nag seryoso ng ganito si Jasper. Naiirita na rin siguro siya sa kakaiyak ko."Hindi ko alam Jas, hindi ko alam kung saan magsisimula", buntong hininga ko.

"Simulan mong ipakita sa kanya na wala ka ng pakialam", nakangiting sagot nito sabay lahad ng isang kamay nito.

Tinignan ko naman iyon. "Ipakita mo sa kanila na mali sila ng sinaktan. Na hindi basta basta mapapabagsak ang isang Faith De Guzman", dagdag pa nito.

Huminga naman ako ng malalim bago inayos ang sarili ko.Buti nalang waterproof ang make up ko."Maybe it's time to accept everything", sagot ko sabay tanggap sa kamay nito.

Nginitian naman niya ako bago inalalayan pabalik ng party. Pinisil naman niya ang kamay ko ng makita namin sina Adrian at Rica na magkasama pa rin sa table. Agad namang lumapit sa amin sina Allisa at Amilliana.

"Hoy Jasper! Ano iyan? Bakit mo hinahawakan si ate Blaire?", salubong sa amin ni Allisa at inagaw pa ang kamay ko. "Ate Blaire! Huwag kang magpapabola sa lalaking iyan at babaero iyan", baling naman nito sa akin.

"Were just friends Alli", natatawang sagot ko.

"Huwag kang magselos Allisa! Ikaw pa rin naman ang first love ko", nakangising sagot naman ni Jasper at inakbayan pa si Allisa.

"Tigil tigilan mo 'ko sa kabaliwan mo Jasper at alam ko kung sino ang gusto mo at nasa Milan ngayon", irap naman ni Allisa dito. Natatawa naman ako sa mga ito. Hindi ko alam na ganito pala sila ka close.

"Bhebs ayaw mo ba talagang makishare sa upuan namin?", tanong naman ni Amilliana sakin. "Namimis ka na kasi ng kambal at kanina ka pa nila tinatanong", dagdag pa nito.

Tinignan ko naman si Jasper na tinanguan naman ako. "Pupuntahan ko muna sina daddy at siguradong kanina pa ako hinahanap noon", paalam nito bago umalis. Sumunod naman ako kina Allisa at Amilliana.

"Mommy!, masayang salubong ng kambal.

Niyakap ko naman ang mga ito. "Hi po", nakangiting bati ko kina mommy Carmela at daddy Andrew.Tumayo pa ang ginang at niyakap ako at nginitian naman ako ni daddy Andrew.

"It's nice to see you again iha, you look gorgeous", nakangiting puri ng matandang lalaki sa akin.

"Your dress suits you iha", nakangiting sabi naman ni Mommy Carmela.

"Thank you po", nakangiting sagot ko sa kanila bago binalingan ang kambal."Kayong dalawa kumusta? Namiss ko ang kakulitan niyo", masayang sabi ko sa mga ito at mahinang kinurot ko pa ang mga pisnge nila.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon