Chapter 24

66.1K 1.2K 6
                                    

Faith de Guzman/Blaire Lee-Villanueva's POV

"Sa company mo nalang ako magpapahatid kay kuya Michi", nakangiting sabi ko kay Adrian ng pababa na kami ng hagdanan.

Nakangiting tumango naman ito. "Just call me kapag papunta kana, so I can wait you outside", sagot nito bago hinawakan ang isang kamay ko.

Lalong lumawak ang pagkakangiti ko dahil sa ginawa nito. "Okay sir", biro ko pa sa kanya.Tumawa naman ito bago binuksan ang pinto.

"After you wife", nakangiting sabi nito at iminuwestra pa ang isang kamay niya bago bahagyang yumukod.

"Ikaw talaga!", natatawang sabi ko bago naglakad palabas kasunod siya. Dumiretso kami sa may garahe kung saan may dalawa pang sasakyan.

Bali tatlo iyon at ginamit nila Nanay Lorna at mga kambal ang isa. May kasama pang dalawang kasambahay ang mga ito at iyong driver kaya kapag umalis si Adrian ay ako nalang ang matitira at iyong dalawang guwardiya na nasa gate.

"I need to leave now, kailangan mas mauna ako sa mga stock holders to impress them", nakangiting paalam nito sa akin bago binuksan ang pinto ng kulay pula nitong Ferrari.

"Sus, sa hitsura mo palang ay maiimpress muna ang mga iyon", nakangiting sabi ko. Bakit ba kasi dumodoble ang kaguwapuhan niya kapag nakasuit siya?

Napaatras pa ako ng bigla nitong inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Muntik pang magtama ang mga labi namin! "Bakit ano bang hitsura ko?', nakangising tanong nito.

Hindi ko naman napigilan ang mag blush dahil sa distansiya namin. Bahagya ko siyang itinulak dahil tila sasabog ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. "Ewan ko sa'yo! Sige na umalis kana at baka malate ka pa sa meeting niyo"

"Okay", sagot nito bago ako mabilis na hinalikan sa mga labi.

"Adrian!", namumulang sigaw ko!

Tumawa lang ito bago sumakay sa sasakyan. "See you later wife", ngiting ngiting sabi nito. Inirapan ko lang siya.

"Oo na! Mag-ingat ka sa biyahe. Text me when you get there", bilin ko.

"Yes ma'm!", matigas na sabi nito at sumaludo pa ang loko. Natatawa nalang ako sa kakulitan nito.

Nagpaalam na ito at tuluyan ng umalis. Napabuntong hininga naman ako bago bumalik sa loob ng mansion. Dumiretso ako sa loob ng kuwarto namin at kinuha ang malaking paper bag na itinago ko sa ilalim ng kama. Dinampot ko rin ang shoulder bag ko at bumaba na ulit.

Sakto namang paglabas ko ay nagtext si kuya na nasa labas na raw ng gate. Mabilis akong naglakad papuntang gate na hindi naman ganoon kalayo.

"We will go to Chiyo's Company, nandoon na siya at hinihintay na tayo. He also want to know the truth", salubong sa akin ni kuya bago niya ako pinagbuksan ng pinto.

"Okay", sagot ko bago pumasok sa sasakyan. Wala namang kaso sa akin kung malaman din ni kuya Chiyo ang lahat. Malaki ang tiwala ko sa kanilang dalawa ni kuya Michi. Kung may mga taong hinding hindi ako bibitawan kahit madilim ang aking nakaraan ay silang dalawa iyon. At si Daddy Alfonso alam kaya niya? Ano kaya ang naging reaction niya?

"What is that?", tanong ni kuya Michi ng mapansin nito ang kandong kong paper bag.

"Mga lumang gamit ni Faith, I mean Farra. Ito ang dahilan kung paano ko naalala ang lahat", sagot ko.

"May mga pictures dito na puwedi mong magamit sa pag iimbestiga"

"Okay, I will send some copies to my people", seryosong sagot ni kuya Michi na nasa kalsada ang atensiyon.

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon