Chapter 3

95.3K 1.6K 31
                                    

Adrian Villanueva's POV

"What the hell is happening?!", galit na sigaw ko pagkapasok ng mansion.

Sabay sabay pang napalingon ang mga dinatnan ko sa sala. Nagkakagulo rin sa labas ng mansion namin dahil sa dami ng mga babaeng nagsisiksikan para lang makapagpasa ng kanilang résumé. Hindi na sila napigilan ng mga guwardiya ng pwersahang pumasok ang mga ito.

"I have the same question Adrian", seryosong sagot naman ng isang matandang lalaki.Si Mr. Andrew Villanueva. His father.

"Ano ba iyan kuya, anong gulo ito? Akala ko ba Nanny ang kailangan mo? Bakit naging Mommy?", frustrated na tanong naman ni Amilliana.

Lahat ng mga babae sa labas ay mga empleyado ng iba't ibang agency kung saan siya nag sent ng form at mga requirements na gusto niya sa magiging Nanny ng kambal. Isang buwan na ang nakakalipas mula ng umuwi kami rito sa Pilipinas. At sa loob ng isang buwan ay nakakaapat na kaming Nanny dahil inaayawan ng mga anak niya.

"I don't know either! I'm really sure na Nanny iyon at hindi Mommy!", frustrated na sagot ko bago ako pabagsak na umupo sa sofa.

"Anong gagawin mo niyan kuya? Nagkakagulo na ang lahat ng mga babae para lang sila ang gawin mong Mommy ng mga anak mo", naiiling na sabi naman ng katabi nitong magandang dalaga. Si Allisa Villanueva, my youngest sister.

Napabuntong hininga nalang ako."I'm still thinking about it, baka magpa press conference nalang ako at nang matapos na ito. I already canceled the job", sagot ko "I swear! Papatayin ko talaga kung sino gumawa nito!"gigil na dagdag pa nito.

"Siguro sign na ito anak para maghanap ka na ng babaeng makakasama mo at papakasalan", sabad naman ni Daddy.

Napanganga naman ako sa narinig at parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Dad. Ako? Magpapakasal?! No way!! Never sumagi sa isip niya ang salitang kasal.Oo marami siyang flings and fuck buddy pero hinding hindi siya magpapakasal dahil ipinangako niya sa sarili niya na siya lang ang babaeng mamahalin niya hanggang mamatay siya.

"What?!!! Seriously dad?! No way!", mariing tanggi nito.

"Tapos ano? Hahayaan mo nalang ang mga anak mo na lumaking walang ina? Kung sa iyo ay ayos lang isipin mo rin ang mga bata Adrian! Kailangan nila ng isang ina lalo na at lagi kang wala rito sa bahay!", halos bulyaw na ni Dad sa akin.

Natahimik naman ako dahil tama ang sinabi ng daddy niya. Alam naman niya iyon pero paano? Paano siya hahanap ng babaeng papakasalan siya at pakikisamahan? Ayoko ng babaeng clingy at bungangera. At isa lang ang gusto kong iharap sa altar pero imposible na iyon.

"Maybe your dad is right anak", sabad naman ng Mommy Carmela niya. "Ayokong lumaki ang mga apo ko na kulang sa kalinga ng isang ina. Alam mo iyan Adrian lalo na at ng nagdesisiyon kang umalis sa poder namin noong dose anyos ka palang. Alam mo kung gaano kahirap kaya please lang huwag mong ipadanas sa mga apo ko ang dinanas mo. Alam mong mahal kita kahit hindi kita tunay na anak", tila naiiyak pang sabi ni Mommy.

Natahimik naman ako. Isa iyon sa dahilan kung bakit ako lumayo dahil nalaman kong anak ako ni Daddy sa unang girlfriend nito na namatay ng isinilang ako. Ngunit kahit ganoon ay hindi ipinaramdam sa akin ni Mommy Carmela na hindi niya ako anak kaya kahit lumayo ako ay lagi niya akong dinadalaw.

"Siguro nga kuya tama sila mom and dad", sabad ni Amilliana. "Find a girl na karapatdapat na maging ina ng kambal. Iyong tatanggapin sila na parang tunay na anak. Iyong babaeng magugustuhan ng mga anak mo. Kahit sila nalang ang mahalin niya kuya ayos na dahil alam naman naming na hindi mo kakalimutan ina nila"

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon