Problems after Problems
Blaire De Guzman-Villanueva
Nanginginig ang mga kamay ko habang palihim na sinusulyapan sila. Naghahalo ang sakit at galit na nararamdaman ko.
Love. Hate. Trust. Hindi ko na alam kung nasaan ako riyan. Gusto ko silang lapitan at komprontahin kaso natatakot ako.
Natatakot ako na baka mas piliin ni Adrian si Rica kaysa sa akin. Natatakot ako na baka sabihin niyang mas mahal niya si Rica kaysa sa akin.
"Hey! You ok?", may pag aalalang tanong ni kuya Michi sa'kin na nakabalik na pala galing banyo.
Tiningala ko naman ito at nginitian.
"Let's go kuya! Gusto ko ng umuwi at napagod ako ngayong araw", pilit kong pinasigla ang boses ko at saka tumayo.Kahit nagtataka naman ay tumango na si kuya. Hiningi nito ang bill at nag bigay ng bayad saka niya ako inalalayan palabas ng restaurant.
Pasimpleng sinulyapan ko naman sina Adrian bago kami makalabas at lalo lang nadurog ang puso ko ng makita kong hinalikan siya ni Rica sa mga labi.
Shit! I'm going to cry! Mabilis akong tumakbo palayo. Narinig ko pang tinawag ako ni kuya Michi pero agad akong sumakay sa taxi na napara ko.
Sinabi ko sa driver kung saan ako ihahatid.Tumunog naman ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si kuya Michi. I cancel his call at ini off ko ang cellphone ko.
Ayoko munang mag isip! Ayoko munang kumausap na kahit sino. Ang gusto ko lang ay makita ang Nanay ko! Bumaba ako sa taxi ng makarating kami sa sinabi kong lugar. Naglakad ako papunta sa isang museleo ng patay at binuksan iyon.
Agad akong umupo sa harapan ng puntod ni Nanay at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ito ang pangalawang beses na pumunta ako rito dahil iniiwasan kong may makakit sa akin at baka makilala ako.
"Nanay, please give me enough strength to fight all this problems. Kailangan ko po ng supporta niyo at ng pagmamahal. Sana, sana nandito ka para yakapin ako Nay. Sana nandito ka para sabihing kakayanin ko ito! Nay, miss na miss na kita", umiiyak na sabi ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Una nawala ang mga magulang ko. Pangalawa, sariling mga malalapit sa mga magulang ko ay nagtraydor at nang agaw ng lahat sa amin. Mula pera hanggang sa pagiging De Guzman ko! Tapos pati ang company na importante sa mga magulang ko inaagaw sa'kin! And worst! Pati ang nag iisang lalaking minahal ko aagawin din nila!
Masama ba ako at ganito nalang karami ang mga problemang napupunta sa akin? Ganito na ba kalala ang paghihiganti ko at nakakarma na ako ngayon? Ngunit kinukuha ko lang ang hustisiya na para sa akin at para kay Nanay!
Oo, ginamit ko ang pagiging Mrs. Adrian Villanueva para takutin lahat ng mga share holders ng DGM at BM para ibenta nila ang mga shares nila sa akin ng palihim. I used him. I used Adrian pero nagbago lahat ng iyon ng mahalin ko sila. Nagbago lahat ang pangarap ko at mga plano.
Gusto kong ipagpatuloy ang pagiging ina ng kambal at pagiging asawa ni Adrian.
Pero ngayon....
Parang iba na ang mangyayare...
Maaagaw nanaman ang mahalagang tao sa buhay ko at dahil iyon sa parehong tao!Napalingon pa ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Amilliana.
"Sabi ko na nga ba at nandito kalang", may pag aalalang sabi nito.
Nagulat pa ako pagkakita sa kanya. "H-how did you find me?", naguguluhang tanong ko.
Bumuntong hininga naman ito bago umupo at niyakap ako. "Your brother Michi told me everything. Aksidente ko kasing nakita iyong mga papeles na binigay niya sa iyo. Alam ko na noong nalaman niya", sagot nito.
BINABASA MO ANG
Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]
RomanceWhat will you choose? Happiness?or Revenge? -Blaire Lee Warning SPG Content. Read at your own risk.