ADRIAN JAMES VILLANUEVA's POV
Isang linggo.Isang linggo na ang nakakalipas ng lumipat dito sa mansion si Blaire. Isang linggo na rin kaming nagsasama at isang linggo na rin akong nagtitiis sa kakulitan niya. Naiiling nalang ako bago naglakad palabas ng kuwarto namin. Tulad ng dati wala na ito sa higaan.
Naalala ko tuloy noong unang gabi naming matulog na magkasama.
°°Flashback°°
"No!!!!", matigas na sabi nito sa akin matapos kong sabihin na matutulog kami sa iisang kama.
"Kung ayaw mo doon ka sa sofa", sagot ko sabay turo sa mahabang sofa.
Inirapan lang ako nito."Bossy kana nga! Ungentleman kapa!", inis na sagot nito. "Ikaw diyan sa sofa!", dagdag nito sabay takbo papuntang kama.
Childish talaga. Agad akong lumapit at humiga sa tabi niya."Ano ba?! Sa sofa ka!", inis na sabi nito habang tinutulak ako.Hindi ko naman siya pinansin at patuloy lang niya akong tinutulak.
"Shit!", inis na sabi ko ng bigla akong nahulog sa kama dahil sinipa niya ako! "What's your problem?!", galit na tanong ko habang hinihimas ang nasaktang balakang ko.
Hindi niya man lang ako pinansin at humiga na ito bago nagtalukbong ng kumot. Napangisi ako ng may maisip akong idea. Humiga ako sa tabi niya at niyakap siya. Mabilis nitong tinanggal ang kumot at tinulak ako sabay tayo.
"Anong ginagawa mo?!", gulat na tanong nito at tinuro pa ako.
Nakangisi ako habang nakatingin sa kanya."Niyayakap ang ASAWA KO?", nakangising sagot ko.
Idiniin ko talaga ang salitang Asawa ko. Nakita ko naman siyang napalunok. Tinapik ko naman ang space sa tabi ko.
"Come here Wife, higa kana rito para mayakap....mahalikan...at makagawa na tayo ng ba-",
"Bwisit ka!!! Ang bastos mo Adrian!", sigaw nito at tinakpan pa ang dalawang teinga nito. "Sa sofa nalang ako!", gigil na sabi nito sabay bitbit ng isang unan at padabog na humiga ito sa sofa.
Umupo naman ako sa kama at tinignan siya. Magkatapat lang kasi ang sofa at kama. May tv set din sa may sulok.
"Good night wife...dream of me at sana wet-", napatigil ako ng biglang tumamang throw pillow sa mukha ko.
"Manyak!!!", namumula na ang mukha nito sa sobrang inis.
Tumawa lang ako at humiga. Naririnig ko siyang inis na bumubulong pero hindi ko nalang siya pinansin.
°°End of flashback°°
Present Time
Bumaba na ako at dumiretso sa dining area namin. Dinatnan kong nag aalmusal na silang lahat."Good morning", bati ko sa kanila bago hinalikan ang kambal.
"Morning dad", sabay pang sagot ng mga anak ko.Umupo naman ako sa tabi ni Hope. Teka, nasa'n si Blaire? Wala rin si Amilliana.Parang nabasa naman ni Mommy ang iniisip ko.
"Umalis ng maaga ang asawa't kapatid mo iho, may importanteng meeting pa yatang pupuntahan", si mommy.
Tumango lang ako at nagsimula ng kumain."Allisa kailan ang lipad mo papuntang London?", tanong ni daddy sa bunsong kapatid namin.Palagi kasing nagtatravel si Allisa dahil sa trabaho. Pinakamatagal na ang isang buwan na pagtira niya rito tapos aalis na naman. 2 months naman ang pinaka maaga kapag bumalik siya.
"Next week dad", sagot ni Allisa. "Two weeks lang po ako do'n,uwi na ako after the fashion show".
"Good. Sabay kana sa amin ng mommy mo at pupunta rin kami doon para sa isang business trip", si daddy ulit. Tumango lang si Allisa.
BINABASA MO ANG
Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]
RomansWhat will you choose? Happiness?or Revenge? -Blaire Lee Warning SPG Content. Read at your own risk.