Blaire Lee/Faith De Guzman-Villanueva's POV
"Mommy! Sasabay ka po ba sa amin?", tanong sa akin ni Love habang isinusukbit ko ang bag nito sa likod.
Dalawang linggo na ang lumipas mula ng ikasal kami ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari sa amin. We always make out ngunit hanggang doon lang dahil laging pinuputol ni Adrian iyon. Minsan nga gusto ko na magreklamo kaso nakakahiya naman na tila ako pa iyong sabik na sabik sa kanya.
"I'm sorry baby, pero susunduin ako ni Uncle Michi niyo dahil may importanteng meeting kami", sagot ko sa mga ito at hinawakan ko na ang tig isang kamay nila at inalalayan palabas ng kuwarto.
Nakita ko namang nasa dining room na ang lahat at nag aalmusal. Bumati naman ako bago humalik kay Adrian. Nag vibrate naman ang cellphone ko at mabilis kong kinuha iyon. Si kuya Michi pala nasa labas na raw siya.
"Mauna na po ako", paalam ko partikular na kina mama Carmela at daddy Andrew.
Tinanguan naman ako ni bestfriend Amilliana. Wala si Allisa dahil sa project nito sa France. Humalik naman ako sa kambal at lumapit kay Adrian.
"Mauna na ako ha? Kita nalang tayo mamayang dinner. Masusundo mo ba ang kambal?", tanong ko.
Hangga't maaari mas gusto naming kami ang maghatid at magsundo sa kambal. Ayaw na kasi naming mangyari ang dati na nabubully ang kambal dahil walang mga magulang ang nagpupunta sa school nila.
"I can't baby. Buong araw ang schedule ko ngayong araw", sagot naman ni Adrian sa akin at niyakap pa ako sa beywang.
"Ako ng bahala sa kambal, wala naman na akong schedule mamayang hapon", nakangiting prisinta naman ni Amilliana.
"Thanks bhebs", nakangiting sabi ko. "Una na ako", baling ko ulit kay Adrian at mabilis itong hinalikan sa labi.
"I love you", bulong nito.
"I love you too", sagot ko naman dito at hinalikan ko ulit ang kambal bago tuluyang nagpaalam.
Mabilis akong lumabas ng bahay at nakita kong nakaparada sa may gilid ng kalsada ang pulang lamborghini ni kuya Michi. Agad akong pumasok doon at nakita kong nakangiti ito.
"Good morning kuya!", nakangiting bati ko rito.Inistart naman nito ang kotse.
"Ready?", nakangising tanong nito sa akin.
"Of course kuya! Ang tagal kong hinintay ang araw na ito! Let's the game begin?", nakangiting sagot ko.
Tumango naman ito at pinaandar na ang sasakyan nito.
"So, magpapakita kana ba sa kanila?", tanong ni kuya Michi sakin habang nasa biyahe kami.
" Hindi pa kuya. Kaya bago sila dumating kailangan ko nang makaalis sa BM. Magpapakita lang ako sa kanila kapag nakakuha na ako ng almost 40-50% stocks sa company nila. Sa ngayon, iyon muna ang uunahin ko", paliwanag ko rito.
Tumango tango naman si kuya.
"Don't you worry, madali na iyan. 20% nalang at ikaw na ang magiging bagong CEO ng BM at DGM construction Company", nakangiting sagot ni kuya.
"Thanks kuya. Utang ko sa'yo ang lahat. Sa inyo nina kuya Chiyo at daddy Alfonso", sincere na sabi ko rito.
Hinawakan naman nito ang isang kamay ko at nakangiting tinignan ako.
"You're my family. Ikaw ang nag-iisang prinsesa namin kaya lahat gagawin namin para sa'yo. Kahit isa kapang De Guzman, para sa amin ikaw ang baby girl ng mga Lee", nakangiting sabi nito.
BINABASA MO ANG
Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]
RomanceWhat will you choose? Happiness?or Revenge? -Blaire Lee Warning SPG Content. Read at your own risk.