Chapter 17

70.8K 1.3K 7
                                    

Blaire Lee- Villaueva's POV

"Are you sure na nandito iyon?", tanong ko kay Love habang naghahalungkat kami ng mga gamit na nasa storage room.

Hinahanap kasi namin iyong bag niya kung nasaan iyong natago niya raw na nag iisang picture ng Mommy nila. Na curious din ako kung anong hitsura ng ina nila dahil sabi ni Amilliana ay medyo kahawig ko raw si Faith. Dalawang beses pa lang daw nila ito nakita noong buntis daw ito sa kambal at noong namatay ito.

Hindi raw ito nakasama ni Adrian noong maiburol dahil pina cremate raw ito agad ng Tita at pinsan ni Faith. Hindi rin ibinigay sa kanya ang mga abo at dinala raw iyon ng mag-ina sa England kung saan sila nakatira.

Naawa ako kay Adrian ng malaman ko iyon. Kaya siguro hindi nito mabitawan si Faith dahil hindi nito nakasama ang kasintahan noong mamatay ito. Ang selfish naman ng Tita ni Faith dahil hindi nila inisip ang nararamdaman ni Adrian.

"Yes po Mommy! Lola told me po na nandito nga raw po iyong old bag ko", sagot naman ni Love bago binuksan ang isang cabinet. "Found it!", masayang bulalas pa nito ng makita ang kulay pink nitong back pack.

Kinuha niya iyon bago umupo sa sahig at binulatlat ang laman. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa may tapat niya.

"Wow! Ang dami mo namang mga pictures", humahangang sabi ko habang iniisa isa ang mga larawan na inilalagay nito sa sahig.

"I hide all these pictures dahil sinunog po ni Daddy lahat ng photo albums namin. Isa nga lang po iyong nakuha kong picture ni Mommy Faith po", sagot nito bago binuhos lahat ng laman ng bag.

Pictures at mga stickers ang laman noon. Iniisa isa naman ni Love ang mga pictures hanggang makuha nito ang isang larawan na sunog ang kalahati.

"Heto po ang Mommy namin ni Hope!", excited na sabi nito bago iniabot ang sunog na larawan.

Kinuha ko naman iyon at nakita ko ang isang babae na nakangiti habang nakaakbay si Adrian dito. May nakita rin akong isang babae na sa tingin ko ay nasa edad 40 to 50 years old na katabi ng mga ito.

"Bilisan mo! Sumakay ka kung ayaw mong sumabog ang ulo mo!""Buti nga! Nge nge nge nge nge!"

"Huwag na huwag niyong papakainin ang pulubing iyan!"

"Tita! Huwag po!"

"Diyan ka sa kulungan ng aso!"

"Tita tama na po!"

"Iwanan niyo iyan diyan!"

"Bilisan mo at baka magising pa iyan!"

"Tara na! Iwan niyo na iyan!"

"Ah!", daing ko ng bigla nalang kumirot ang ulo ko. Napatukod pa ako ng isang kamay ng lalong lumala iyon. Tila binibiyak ito!

"Mommy! Are you okay?", nag aalalang tanong ni Love at lumapit pa sa akin bago hinawakan ang isang kamay ko.

Tila nanginginig din ang boses nito dahil sa nakikita. Ramdam ko rin ang takot sa boses nito.

Napayuko na ako sa sobrang sakit. Hindi ko na rin naririnig ang sinasabi ni Love. Nakita ko nalang itong umiiyak na tumakbo palabas ng kuwarto para siguro humingi ng tulong.

"Faith, tandaan mo lagi ha? Kahit hindi ka nakikita ni Papa mahal na mahal kita"

"Pa...Pa", bulong ko bago tuluyang dumilim ang paningin ko.

Adrian James Villanueva's POV

"Is she alright Doc?", may pag-aalalang tanong ko.

Tila nanlambot ako ng makita kong nakahandusay sa sahig si Blaire kanina. Bumalik sa ala ala ko iyong time na nginitian ako ni Faith bago siya nawalan ng buhay.

Bumalik din iyong sakit na tila pinipiga ang puso ko habang naiisip ko na baka hindi na siya magising. Na baka kinabukasan ay hindi ko na siya makasama pa.

"Yes, may history po ba ang pasyente ng aksidente dati at naapektuhan ang ulo niya?", the doctor ask.

"Yes Doc", sagot naman ni Michi kapatid ni Blaire. "When she's seven years old nabangga po siya ng sasakyan at nawala ang ibang ala-ala niya"

Napakunot noo ako. May amnesia si Blaire? Bakit wala itong nababanggit sa akin? Kahit si Amilliana ay never iyon na kuwento sa akin.

"I think something or someone trigger her forgotten memory. But she is okay now kailangan lang niyang inumin iyong mga gamot na irereseta ko at huwag niyang pilitin ang sarili niya na mag-isip ng nakaraan. Dahil minsan iyon ang nakakapag trigger sa sakit ng ulo niya", paliwanag ng Doctor bago iniabot sa akin ang isang reseta. "Just get this to the pharmacy at babalik nalang ako mamaya para mamonitor siya"

"Thank you Doc", sagot ko. Tumango lang ito bago nagpaalam.

"Ako na ang kukuha ng mga gamot niya", si Michi bago tumayo. Iniabot ko naman sa kanya ang reseta. "Tatawagan ko na rin si Daddy para makadiretso siya rito after work"

"Hindi ko alam na may amnesia pala siya", hindi ko napigilang sabi.

Napakunot noo naman si Michi at binigyan ako ng nagtatakang tingin. "You are secretly married for almost a year pero hindi niya naikuwento man lang sa iyo?", may paghihinalang tanong nito.

Umiling naman ako. "Maybe ayaw niya lang pilitin ang sarili niyang alalahanin ang nakaraan niya. At ang mahalaga naman ay ang ngayon", dagdag ko at tinitigan ko pa ito sa mga mata.

Ayokong maghinala ito dahil sabi nga ni Blaire ang kuya Michi niya ay mas makilatis pa kaysa sa ama nilang abogado. I need to be careful.

Tumango tango naman ito bago nagpaalam na lalabas lang sandali. Humugot ako ng malalim ng hininga ng makaalis siya.

Shit! Muntik ko pang pinahamak ang sarili ko pati si Blaire. Naiiling na naglakad ako palapit sa kama nito at umupo sa may gilid.

Tinitigan ko ito at may mga features talaga sila ni Faith na magkahawig. Hinaplos ko ang buhok niya bago siya hinalikan sa noo. Kahit na hindi pa kami ganoon katagal na nagsasama sigurado ako unti unti na siyang nakakapasok sa puso ko.

"Sino ka ba talaga Blaire Lee? Bakit tila may malalim kang sikreto na ikakagulat ng lahat kapag nabunyag", bulong ko sa sarili bago hinaplos ang maganda nitong mukha.

"Bakit ang dali mong nakapasok sa puso ng mga anak ko? Bakit aliw na aliw sila sa iyo at itinuring ka nila na isang tunay na Ina sa maikling panahon lang?At bakit tila nababaliw na rin ako ng dahil sa iyo?"

Hinawakan ko naman ang isang kamay nitong walang dextrose at hinalikan iyon. Hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko ngunit hinding hindi ko naman pipigilan ang puso ko na mahulog sa kanya.

"Please lang huwag na huwag mo na ulit akong pag-aalalahanin", bulong ko bago pinunasan ang luha na hindi ko napigilan dahil sa sobrang pag aalala.

Hindi ko akalaing tutulo pa ang mga luha ko para sa ibang babae bukod sa ina ng mga anak ko. Naging manhid na ang puso ko dahil sa pagkawala ni Faith ngunit tila unti unti na itong nagkakaroon ulit ng pakiramdam dahil kay Blaire.

Sabi ko si Faith lang pero bakit takot na takot ako ngayon na mawala siya buhay ko?

Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon