Blaire Lee-Villanueva's POV
"Anong meron at ininvite mo akong kumain sa labas?", tanong ko kay Adrian habang naglalakad kami sa isang mall.
Isang linggo na rin ang nakakalipas mula ng sinumpong ako. At sabi ng doctor ay huwag ko raw pilitin ang sarili ko na alalahanin ang lahat dahil iyon ang magtitrigger nang tila pagbiyak ng ulo ko sa sobrang sakit.
So hindi ko nalang muna siya masiyadong iniisip kahit pa nga nakakabahala ang mga ala-alang iyon. Wala pa akong pinagsabihan na kahit sino tungkol doon kahit pa si daddy Alfonso
Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad katabi si Adrian. Sinundo kasi niya ako sa trabaho at sa labas daw kami mag didinner. Nagulat pa nga ako ng malaman kong kaming dalawa lang.
Lagi kasi naming kasama ang kambal everytime na nag aaya itong kumain sa labas. Ngunit ngayon bakit dalawa lang kami?
Ano kayang trip nito at inaya akong magdate?
Wait!
Date?!
Date ito tama?! Kasi kaming dalawa lang tapos kakain kami sa labas.
Teka, Date nga ba ito?
"Hey.", agaw pansin sa akin ni Adrian.
Nagising naman ako sa pag iisip ko. Nasa loob na pala kami ng isang restaurant at ipinanghihila na pala niya ako ng upuan. Bakit ba ako nawawala lagi sa sarili?
"Thanks", nakangiting sabi ko bago umupo.
Ngumiti rin ito bago umupo sa upuang nasa tapat ko. Lumapit naman ang isang waiter at inabutan kami ng tig isang menu.
"Anong meron at bigla ka nalang nanlibre?", tanong ko ng makaalis na ang waiter pagkatapos naming masabi ang mga orders namin.
"Wala naman. I just want to thank you dahil tinulungan mo kaming maayos iyong un expected na problema namin about the stupid post in the social media", simpleng sagot naman nito sa akin.
Ah.....
Iyon lang pala. Akala ko naman date na ito.
Tsk! Ano bang iniisip ko?
(-__-")
"Ano ka ba? You don't have to thank me. Amilliana is my bestfriend. Tapos mababait pa ang mga parents niyo so nakakahiya naman kung tumanggi ako. I'm happy with my decision.", nakangiting sagot ko. "Plus! Nagkatrabaho na ako at nagka extra income pa dahil sa pagiging asawa mo", dagdag na biro ko.
Lumawak naman ang pagkakangiti nito bago sumandal sa upuan. Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya. Guwapo talaga ito at macho. Super lakas din ng dating.
Palihim ko ring sinusulyapan ang mga babaeng tinitignan ito at pinagmamasdan. Ang guwapo kasi ng mokong.
"Ang guwapo ko no?", nakangiting sabi nito sa akin habang nakatitig. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha ko.
Napaatras pa nga ako at napasandal sa upuan dahil biglang nagwala ang puso ko dahil sa sobrang lapit ng mukha nito. Naalala ko tuloy noong nag kiss kami.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito."You're blushing", nakangising puna nito bago lumayo at umupo ng maayos.
"Of course not!", agad na depensa ko at umiwas pa ako ng tingin.
Shit! Ang init ng mga pisngi ko. Lintik na halik kasi na iyan! Bakit hindi ko makalimutan?!
"Ok", nakangising sagot nito sa akin.
"Ano ba?! Hindi nga ako nagbablush!", depensa ko dito.
"Hey! I'm not saying anything", natatawang sagot nito. "Ok nga lang sinabi ko di ba?", nakangising dagdag pa niya na lalong nagpa inis sa akin.
BINABASA MO ANG
Now Hiring:MOMMY?![COMPLETED]
RomansWhat will you choose? Happiness?or Revenge? -Blaire Lee Warning SPG Content. Read at your own risk.