Kabanata 1.
"Ang lalim naman ng iniisip mo, mother. Di ko mareach.." Napatingin ako kay Francis na nakangiwing nakatingin sa akin. Umiling ako!
Pinanliitan niya ako ng mata."Let me guess, Mother. Si Lovey dovey mo na naman ang iniisip mo noh?" Mapang asar na sabi nito.
Hindi ako nagsalita. I just rolled my eyes! Lovey dovey? San niya na naman kaya nakuha yun! 'tong baklang to talaga!
"Bakit na naman ba? What's the problem again? May babae na naman? Third party?"
Pinandilatan ko siya. What the heck! Third party? Seriously?
"Hindi ko alam kung maiinis ako sa mga pinagsasabi mong bakla ka!" Sabi ko before i sipped on my strawberry shake.
Napatawa lang ito."Mother naman kasi. Move on na aba! Kay tagal na nang pag ibig mo na iyan, hija. Jusko! Nai-stress ang beauty ko sa walang hanggang pag ibig mo!" Hinawakan pa nito ang ulo at inikot ikot na para bang may masamang elemento ang sumanib sa kanya.
"Stop it!" Inis na sabi ko."I'm trying to forget him okay? Pero wala pa ring nangyayari! Lumayo na ako't lahat, wala pa rin. You know that!"
Napapalatak ito. This gay is getting on my nerves...
"Look!" Hindi ko alam kung dapat ba akong mag explain sa kanya for what ive been thingking.."He is my bestfriend. He doesnt know about my feelings. At ayokong umamin dahil baka masira lang yung friendship namin." I hestirically explained.
Natatawa itong tinignan ako. Sumubo ito nang chocolate cake bago bumaling ng nakakaloko sa akin.
"Kaya nga dapat ay kalimutan mo na siya!" Umiling ito at sumubo ulit ng cake. "Your beautiful, Tin. Don't waste your pretty face in that damn bestfriend of yours. Ang dami kayang papable na naglalike sa'yo."
Umiling ako. Naglalike? Parang facebook lang ang peg.
Nagbuntong hininga ako. Sana nga ganun lang kadali ang kalimutan ang tang inang Jon na yun. Ginawa ko na ang lahat! Pero wala pa rin. Ayoko namang iwasan siya dahil baka makahalata siya. Hay! Ang hirap mainlove!
"Bakit hindi ka umamin? Malay mo gusto ka rin niya." Napatigil ako sa sinabi ni Francis.
Yeah! Madali lang naman sana ang problema ko! Pero naduduwag ako. Maybe because i feel na he's treating me like his younger sister only. Ilang beses kong sinubukan pero lagi akong nawawalan ng lakas ng loob. Highschool pa lang kami, gusto ko nang umamin. Pero di ko magawa. I don't want to lose our friendship because of this damn feeling of mine.
"Oh! Speaking of the devil.." Napatingin ako kay Francis. Nakasmirk itong nakatingin sa likod ko kaya automatic akong napalingon din sa tinitignan nito.
And there i saw Jondrei Ian Alvares who smilingly walking with his hand placed on the waist to that petite girl beside him. Awtomatikong nanliit ang mga mata ko at nakaramdam ng inis ang kaloob looban ko. My goodness to this playboy! Sarap jumbagin.
"Jealous girl..."
Isa pa tong baklang to! Nabwibwisit na nga ako dito tapos mang aasar pa!
Tinignan ko ang kasamang babae ni Jon. Maputi, petite, sexy at mahaba ang buhok. Ang damit niyang sobrang iksi ay nagpapamukha sa kanyang may nasasabi din ito sa buhay. Tsk! Sang lupalop na naman kaya nang mundo niya ito nakita!
They talking and laughing. Mukhang nag eenjoy sila sa company ng isa't isa.. tsk! If i know! They just a fucking sexmate! For god sake!
I rolled my eyes when i saw Jon's hand moving up and down at the back of that girl! Makahaplos ang lolo niyo! Wagas! Manyak to the highest level.
"Tumitirik ang mata!" Dinig kong sabi ni Francis..
Lilingunin ko na sana siya para irapan nang magtama ang mga mata namin ni Jon. Nakita ko ang paglawak nang ngisi nito nang makita ako. May ibinulong ito sa kasamang babae kaya napalingon din ito sa pwesto namin ni Francis. At bago pa ako makagalaw ay nakita ko na silang naglalakad papunta sa pwesto namin.
"Didnt know that your here, Tin.." Jon said and kissed me on my temple. Sinimangutan ko siya na ikinatawa lang nito. Bumaling siya kay Francis. "Hey France, how are you?"
Ngumiti si bakla ng matamis."I'm very fine. Nakita na kasi kita." Sabay tawa nito nang malandi. Tumawa rin si Jon at sinabayan ang kalokohan ni Francis.
I rolled my eyes again. Nakakailang roll na ako ng mata dito. Tsk!
"By the way, this is Cattleya, my girlfriend." Pagpapakilala nito sa babaeng kasama nito. Naglahad ito ng kamay sa akin. Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niyang nakalahad.
"Cristine Lawrence." Sabay ngiti ko."And that's my friend, Francis Castro." Turo ko kay Francis na nakakaloko ang tingin sa akin.
Umupo silang dalawa sa mesa namin ni Francis. Andun na naman ang masamang aura ko nung inalalayan pa talaga ni Jon si Cattleya para makaupo ito nang maayos. Tumabi sa akin si Francis para magkatabi si Jon at Cattleya. Sa harap ko si Jon na nakangisi.
"Ikaw yung sikat na model right?" Sa kalagitnaan ng pagkain nila ay nagsalita si Cattleya. Nakangiti ito sa akin.
Awkward akong ngumiti. She knows me pala.
"I bought cosmopolitan magazine and your the cover." Ngumiti ulit ito.."Your gorgeous on that pose. And seeing you in personal makes myself believe that your perfect."
Hindi ko alam kung matutuwa ako sa pinagsasabi nang babaeng to! Its a complimet kaya matuwa kang bruha ka!
"Naku! Talagang perfect ang beauty niyan! Unique na unique." Biglang sumabat ang echos kong kaibigan."Kaya nga ang daming lalaki ang naghahabol dyan.." tinitigan ko si Francis! Masyadong madaldal.
"I heard that!" Sabi ni Cattleya. Pareho kaming napatingin ni Francis dito."Even the actor Zymone Enriquez says that he really likes you. Is he courting you already?" Tanong nito.
Tinignan ko si Jon na ngayon ay seryosong nakatingin na din sa akin. Para bang naghihintay din ng sagot ko. I can't read what's on his mind.
"We're good friends." Tango ko.
Sumilay ang ngiti sa mapupulang labi ni Cattleya."Showbiz ka ding sumagot ha." Ngisi nito.
Kumunot ang noo ko! Nahagip ulit ng mga mata ko si Jon na nakatingin pa rin sa akin.
"I don't like that guy for you, Tin." Seryoso at madiing sabi nito.
Tumawa si Cattleya."Your being protective to your bestfriend, honey."
Natahimik ako nang nagtawanan silang dalawa. Honey? Yuck! Ang panget ng tawagan nila! BITTERNESS ALERT!
"Well.." tumingin sa akin si Jon nang nakangisi."That guy is a playboy. Mahirap na baka masaktan lang tong bestfriend ko. Hindi pa naman ako marunng mag advice.." sabay tawa nito.
Nagtawanan ulit si Jon at Cattleya. May kasama pa iyong malanding harutan na nakadgdag lang sa inis ko.
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Francis. Tinignan ko siya. Pinandilatan niya ako! I compose myself. Hindi ko alam kung anong reaksyon ng mukha ko kanina pero base sa paniniko ni Francis sa akin ay alam kong nagiging transparent na naman ako. That's not healthy for me. I'm trying my best here to act a normal one infront of him. Ayokong makahalata siya. I promised to myself na susuportahan ko siya sa kahit sinong babaeng magugustuhan niya. Kaya kahit pa masakit para sa akin. Kahit nakakaselos. I still make my word. And i hope, i can make it till my feelings were gone...
BINABASA MO ANG
Why can't it be?
RomanceCristine Keah Lawrence is madly and deeply inlove to his bestfriend Jondrei Ian Alvarez. but she didnt even bother to tell him because she's afraid of ruining their friendship. but how long does it takes? how long does she need to pretend that s...