Kabanata 12.

306 12 1
                                    

Kabanata 12.


Agad akong nagpaalam kina Francis, Toni at Zymone. Mom is in my condo. Alam kong hindi pa yun pumapasok dahil wala namas siyang spare key ng condo ko. Kaya naman kailangan kong umuwi.

"Ihahatid na kita." Ani Zymone ng tumayo na ako.

Gusto ko pa sanang tumanggi pero naisip ko na hassle naman kapag nagtaxi pa ako.

Tumango ako sa kanya.

Tumayo ito at sabay kaming naglakad palabas ng bistro. Napatampal ako ng aking noo ng makita kong pinagtinginan kami ng mga tao. My god! Bakit ko ba nakalimutan na artista nga pala tong kasama ko. Baka maissue na naman kami nito. At ang loko hindi man lang nagdisguise.

Agad akong sumakay sa kanyang sasakyan ng pagbuksan niya ako ng pinto. Inayos ko ang aking seatbelt at binalingan si Zymone na kapapasok lang sa driver seat.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe patungong BGC kung saan ang aking condo. Hindi ako nagsasalita dahil iniisip ko kung ano ang nangyari at bakit napadalaw si Mommy sa aking condo. Ni minsan ay hindi pa ito nakapunta duon. Kaya naman nagtataka ako kung bakit ito naroon.

"You look tense. Are you okay?" Tanong ni Zymone ng malapit na kami sa aking condo.

Tinignan ko siya. I smiled at him."I'm fine..."

Hindi na ito nagsalita at itinigil na lang ang sasakyan sa harap ng aking condo. Agad kong kinalas ang aking seatbelt at nilingon ulit si Zymone para magpasalamat.

"Thank you for the rides.." Ngumiti ako.

Tumango ito at ngumiti. Pero nawala ang ngiti nito at napatingin sa likod ko. Kumunot ang noo ko at nilingon ang kanyang tinitignan.

Halos mahulog ang panga ko ng makita ko si Mommy, Tita Yza, Vianca at Jon na nakatayo sa may entrance ng condo ko. They are all looking at me or sa amin ni Zymone.

Nanatili ang tingin ko kay Mommy na lumalapit na sa akin.

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko habang lumalapit ito habang seryosong nakatingin sa sasakyan. Parang inaaninag nito kung sino ang nasa loob ng sasakyan at kung sino ang naghatid sa akin.

"Mom..."

"You're with someone?" Nagtaas ito ng kilay."Is that Zymone Enriquez?"

"Ahm.."

Sasagot pa sana ako ng marinig ko ang pagsara ng pintuan ng sasakyan hudyat na lumabas si Zymone.

Napalingon ako kay Zymone na ngayon ay lumapit sa akin. Ngumiti ito kay Mommy na nakataas pa rin ang kilay.

"Good afternoon po..." magalang na bati nito sa Mommy ko.

Hindi nagsalita si Mommy at tinignan lang nito si Zymone. Parang kinikilatis nito ang kasama ko.

Nagkatinginan kami ni Zymone. Senenyasan ko siyang magpaalam na pero ngumiti lang ito sa akin. Panlalakihan ko na sana ito ng mga mata ng bumaling sa akin si Mommy.

"Magkasama kayong dalawa kanina when I called?"

"Opo." Tumango ako."Kasama namin sina Francis at Toni." Dagdag ko pa.

My mom knows Francis as my friend. Okay lang naman dito ang pakikipagkaibigan ko sa kay Francis pero hindi din naman ito close sa mga ito. My parents are intimidating.

"Ano nga po palang ginagawa niyo dito?" Tanong ko kay Mommy at nilingon ang mga kasama nito.

Nag uusap ang mag ina habang si Jon ay mariing nakatitig sa pwesto namin. Nang magtama ang mga mata naming dalawa ay agad itong nagbawi ng tingin at inakbayan si Vianca na kausap pa rin ni Tita.

Why can't it be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon