Kabanata 4.

220 10 0
                                    

Kabanata 4.









Hindi ko alam kung pauunlakan ko ang anyaya nina Francis at Toni na mag bar hoping. Ayaw kong pumunta dahil pagod ako pero hindi ko naman sila matanggihan. Tsaka they will take no for an answer.


Marami nang tao nang makapasok kami sa bar. Agad sinabayan ni Toni ang beat ng kantang pumapailanlang sa loòb ng bar. Napailing ako! They're a party people.

"Hey, Keah." May sumalubong sa aking isang lalaki.

Ngumisi ako."Melvin." Niyakap ko siya.


"Wow! Buti naman at naisipan mong magrelax! Your always busy." Sabay tawa nito.


Tumawa ako."That's life, Melvin. Gusto kong yumaman." Pagbibiro ko.

"Sus!" Tinapik niya ako."Ang yaman yaman mo na nga eh!"


Nagtawanan kaming dalawa. We're close to each other. He's my best bud. Tulad ko, model din ito. Ito ang madalas kong kasama pag may photoshoot ako. Kaya nga nagtaka ako kung bakit si Zymone ang kinuha nila imbes na itong si Melvin.


Nakipagbatian ako sa mga kakilala kong nanduon din. I am not always partying. Pero kapag may nagyaya o nagcecelebrate ay pinapaunlakan ko naman.


Umupo kami sa sofa na nasa gitna. Agad na umorder si Toni ng mga alak. May balak yata siyang magpakalasing dahil sa dami ng inorder niya. I dont mind though. Umiinom ako pero hindi sobra.


"Ang dami mong inorder ah. May problema ka ba?" Tanong ko sabay baling sa dancefloor na punong puno nang nagsasayaw.



"May paparating pa tayong kasama." Sagot nito at ngumisi.


Nagkibit balikat na lang ako. I'm sure that his friend naman ang dadating.

"Let's enjoy this night." Sabay bigay nito sa akin ng isang shot ng margarita.


Kinuha ko iyon at nibuttoms up. Napapikit ako sa pait nun. Naramdaman ko ang pagdaloy ng init sa sikmura ko. Kumuha ako ng lemon at sinipsip iyon.


Nakakailang shot na ako nang margarita nang may lumapit sa akin si Melvin para magsayaw. Tumatawa akong tinanggap ang kanyang kamay.


Nakisiksik kami sa dancefloor. Tumatawa habang nagsasayaw. Ramdam ko ang kamay nitong nakahawak sa baywang ko. Tumawa ako. Itinaas ko ang aking mga kamay at pumikit. Pareho naming sinasabayan ang kanta. We don't care kung natutulak na kami o ano.



Nang makaramdam kami nang pagod ni Melvin ay bumalik na kami sa aming pwesto. Nagtatawanan pa kaming dalawa nang mahagip ko nang mata ang pwesto namin. Nanduon sa pwesto namin si Zymone together with four boys na hindi familiar sa akin. Nagtatawanan silang lahat na nanduon.


Lumapad ang ngiti ni Zymone nang makita ako. Nagpasalamat ako kay Melvin. Tumango lang ito bago nagtungo din sa pwesto nila.

Umupo ako sa tabi ni Francis na ngising ngisi habang kausap yung isang lalaki. Siniko ko siya. Tumingin ito sa akin at pinandilatan ako. Umiling ako at nilagok ang isang shot.


"Pagod ka nang sumayaw?" Tanong ni Toni.


Napatingin sa akin sina Zymone at yung apat na lalaki. They all gorgeous. Di ko maipagkakaila iyon. Pero mukha din silang mayayabang.


"This is Cristine Lawrence.." pagpapakilala sa akin ni Toni."Kilala niyo naman siguro siya." Ngisi nito.

Nginitian ko yung apat na lalaki. Isa isa silang nagpakilala sa akin. Tinanggap ko iyon...


Why can't it be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon