Kabanata 14.

402 21 9
                                    

Kabanata 14.


The preparations of Vianca and Jon's wedding became fast. Araw- araw silang nagpaplano para duon. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit gusto lagi ni Mommy na kasama ako.  Hindi naman ako makaangal dahil alam kong magagalit na naman sa akin si Mommy. 

"You will be the made of honor, of course." Ani Mommy sa akin habang kumakain kami sa isang Italian Restaurant.

Napatingin ako kay Mommy. Ngiting ngiti siya at mukhang excited na excited talaga. Sunod na tinignan ko ay si Jon. Nakatingin siya sa akin ng mataman at para bang tinitignan niya ang reaksiyon ko. 

Nag iwas lang ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain. They are all like that. Sila ang nagdedesisyon lahat. Hindi man lang nila ako tanungin kong okay lang sa akin. 

But i can't refuse though. Bukod sa magagalit sa akin si Mommy eh ayaw ko ding magtanong si Jon kung bakit ko tinanggihan ang gusto nila.

I don't want to explain my side. Pagod na akong sumagot sa mga tanong nilang alam kong  kasinungalingan lang din ang maisasagot ko. Tama ng tahimik na lang ako. Yeah, Keah! That's what you should always do. Ang maging tahimik at hindi na lamang magkomento sa mga gusto nila.

Araw-araw akong tinatawagan ni Mommy para lang ipaalam na malapit ng matapos ang preparations nila. Na sobrang  excited na silang lahat at kailangan ay nanduon ako sa espesyal na araw na iyon. Gusto ko na sanang sigawan si Mommy na tumigil na siya dahil nasasaktan ako pero hindi ko magawa. Lagi naman akong walang magawa eh.

"Anyway hija, may dinner ngayon dito sa bahay together with Jon's family. Dapat kumpleto tayo kaya umuwi ka ngayon." anito.

Matagal ako bago nakasagot. Pupunta ba ako? Kailangan bang anduon ako? Hindi ba pwedeng sila na lang ang magsalo-salo?

''Wala ka namang shoots sa ngayon di'ba?'' she ask me. ''You said your on leave.''

Napamura ako sa aking isip. Bakit kailangan pang anduon ako? Bakit hindi nalang sila sila ang magdinner tutal sila lang naman din ang masaya sa mga nangyayari? Bakit lagi na lang akong damay?

''Sige po, Mommy. I'll be there.'' I said.

Tumunganga muna ako pagkatapos ng tawag ni Mommy. Napapabuntong hiningang hinilot ko ang aking ulo dahil sa pananakit nito. Parang wala ding saysay ang hiningi kong leave kina Toni. Mas nai-stress pa yata ako kesa nung mga araw na nagdagsaan ang photoshoots ko. Mas mabuti pa yatang hindi na lang ako nagleave para hindi ako ginugulo ni Mommy.

I sighed again. Wala na akong magagawa. Just go with the flow, Keah. Go with the flow even if your hurting.

Buong araw lamang akong nakahiga sa kama. Mamayang alas singko pa ako pupunta kina Mommy. Mabuti na lang din at hindi ako kinulit ni Mommy pagkatapos nang tawag niya. Makakapagpahinga na ako ng maayos. Na kahit naglalayag ang utak ko sa kasal nina Jon at Vianca at least hindi ko sila nakikitang naglalambingn tuwing magkakasama kami nina Mommy. Bawat araw ay pinaghahandaan ko ang pagkikita namin. Lagi kong pinagsasabihan ang puso ko na 'wag masaktan pag may nakita akong hindi kaaya-ayang kaganapan sa harapan ko. At mukhang ngayong araw ay kailangan ko na namang maghanda.

Naubos ang oras na nakahiga lamang ako, nag iisip sa maaaring mangyari mamaya. Pinaalalahanan ko na ang aking sarili na wala akong magiging kakampi sa bahay na iyon kaya tatahimik na lang ako. Siguradong sesermunan na naman nila ako tungkol sa walang kwentang pagmomodelo ko. Papalabasin ko na lang ang walang kwentang sermon nila sa akin sa kabilang tenga ko. Mas mabuti na ang ganun. Paulit ulit na lang ang sermon nila sa akin na halos memorize ko na ang mga lumalabas sa bibig nila. Kailan kaya sila mapapagod sa panenermon sa akin kasi nakakapagod ng pakinggan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why can't it be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon