Kabanata 11.
Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi. Kung paano ako nakarating dito sa aking condo. Basta ang alam ko lang ay tahimik akong umiiyak sa aking kama. Patuloy na lumuluha ang aking mga mata habang nakahiga ako. Ang mga mata ko ay nasa kisame.
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o ano. Basta ang alam ko lang ay nasasaktan ang puso ko ng sobra sobra. Na tahimik itong lumuluha at nakikidalamhati sa aking pagluha.
Tinignan ko ang tumutunog kong cellphone. Kanina pa itong tunog ng tunmg pero hindi ko man lang iyon magawang sagutin. Wala akong lakas sa ngayon. Pakiramdam ko ay hinang hina ako. Wala akong ganang kumain at gusto ko lang umiyak ng umiyak.
Suminghot ako at ibinalik ang aking tingin sa kisame. Patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha habang iniisip ang lahat.
Nagpropose na si Jon kagabi. At mukhang alam nilang lahat ang tungkol duon. Alam ng pamilya ko na magpropropose na si Jon kay Vianca. At ngayon ko lang din napagtanto ang mga ikinilos ni Gabrielle sa gabing iyon. Yung mga tingin niyang naaawa para sa akin, yung mga ngiti niyang malungkot. Lahat ng yun ay para sa akin dahil alam niyang masasaktan ako. Kung alam ko lang na magpropropose si Jon ay sana hindi na lang ako dumalo. Id rather face the madness of my mother, than to listen and witness the man i love proposing to someone. Dahil mas kakayanin ko pang tanggapin ang lahat ng masasakit na sasabihin ni Mommy kesa ang marinig mula sa taong mahal ko na nagpropropose siya sa iba. Its hurts like hell.
"Ilang araw kang di sumasagot sa tawag ko ah. I'm worried, Cristine." Ani Francis sa kabilang linya.
Tatlong araw akong nagburyo sa aking condo. Namamaga ang aking mata sa pag iyak. Ilang araw din akong naglaklak ng alak. Because of the reason that i cant handle the pain anymore. Tatlong gabi na hindi ako makatulog. Umiiyak at laging tulala. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng mahal sa buhay.
"I'm fine Francis. Dont worry." Sagot ko habang hinihilot ang aking sintido.
My heads hurt because of hang over. Kapiling ko na naman ang alak kagabi kaya masakit na masakit ang ulo ko.
I heard Francis sighed. Parang alam na nito kung bakit hindi na naman ako nagparamdam. Kung bakit hindi na naman ako sumasagot sa mga tawag nila.
I am broken and alone. Dati rati, okay lang na mag isa ako. Nung mga panahong kinailangan kong umalis sa aming bahay at tumira sa aking condo ng mag isa, hindi ako kailanman nakaramdam ng pag iisa dahil nandyan si Jon na matatakbuhan ko sa tuwing malungkot ako. But everything is changed now. Because there is someone who need him the most now. Hindi na ako pwedeng lumapit sa kanya. Hindi na ako pwedeng kumuha ng lakas sa kanya. Because there is someone who owns him. At kahit kailan ay hindi magiging ako iyon.
"Ang daming photoshoots ang dumarating. Pero hindi ka naman namin macontact."
"Sorry." Pumikit ako ng mariin para maibsan ang sakit ng ulo ko."I just want to rest right now. Pero bukas pupunta ako."
Francis sighed again."Okay. Magpahinga ka dahil paniguradong mapapagod ka dahil sa tambak ng iniwan mong trabaho." Anito.
"Okay." Tumango ako at ibinaba na ang tawag,
Pumikit ulit ako at sumandal sa headboard ng aking kama. Kinapa ko ang aking dibdib. Nasasaktan pa rin ito. Lalo pa kung naiisip kong masaya silang nagplaplano tungkol sa kasal nilang dalawa.
Pero dapat ay hindi ako maging ganito. I am a brave girl. Kakayanin ko ulit ang mabuhay sa sakit. Yung ako lang mag isa at hindi kasali duon ang iba.
Kaya naman kinabukasan ay nag ayos ako ng aking sarili at nagpunta sa studio nina Toni. I have a photoshoot from this latest magasine nina Madam Vina. Dapat ay nung last week pa iyon pero dahil hindi ako nagparamdam kaya hindi natuloy.
BINABASA MO ANG
Why can't it be?
RomanceCristine Keah Lawrence is madly and deeply inlove to his bestfriend Jondrei Ian Alvarez. but she didnt even bother to tell him because she's afraid of ruining their friendship. but how long does it takes? how long does she need to pretend that s...