Kabanata 5.
Pinilit kong ayusin ang sarili ko. Pinatay ko ang tawag na hindi man lang nagpapaalam kay Vianca. Magkasama silang dalawa ni Jon..
I started again the engine. Kahit nanginginig pa ang mga kamay ko ay nakaya ko pa ring magdrive pauwi sa aking condo. Gusto ko sanang lumabas at mag isip sa kung saan pero naisip ko na masyado pang mainit ang pangalan ko sa publiko. I don't know what to do anymore!
Pagkadating ko sa aking condo ay nagulat ako sa dami ng reporters na nag aabang sa labas. May nakita akong mga guwardiya na pumipigil sa mga nagkakagulong reporters. Nang mamataan nila ang kotse ko ay agad silang nagtakbuhan papunta sa akin. Wala akong nagawa kundi itigil iyon. Tumakbo ang mga guwardya at tinulungan akong makawala sa kumosyon na iyon.
Lumabas ako ng aking sasakyan. Inalalayan ako ng mga guards papasok sa aking condo. Panay flash ang camera ang sumalubong sa akin..
"Ms. Cristine, ikaw ba ang third party sa pagitan nina Zymone at Paola?"
"Ano ba ang totoo niyong relasyon ni Zymone Enriquez?"
"Totoo bang inakit mo si Zymone?"
"Kumakapit ka ba kay Zymone para mas sumikat pa lalo?"
Yan ang mga tanong na bumungad sa akin. Wala akong sinagot maski isa.. Nagpatuloy lang ako sa pagpasok. I don't want to waste my time for this..puro mga walang katuturan ang mga tanong nila. I'm mad at Zymone right now..bakit wala man lang siyang ginagawa para dito? Though, alam ko naman na may kasalanan din ako, dahil nagpadala ako sa alak.
Nang sa wakas ay nakapasok ako sa elevator ay nakahinga ako nang malalim. I know this is the concequences.. kaya nga ayokong dumidikit sa Zymone na iyon. But the question on my mind that keeps bugging me is kung sino ang nagvideo ng halikan naming iyon? Was it the plan of Zymone? I don't know!
Pagkadating ko sa mismong palapag ng aking unit ay agad akong lumabas sa elevator at mabilis akong naglakad papunta sa unit ko. Mabilis at malakas ang pintig ng aking puso pagkapasok ko sa aking unit. Dumiretso ako agad sa sofa at binuksan ang flat screen tv. Bumungad sa akin ang balita tungkol sa isang sikat na actor. Ipinakita duon si Zymone na nakawayferrers habang mabilis na naglalakad papasok sa kanyang sasakyan. Kinukuyog ito ng mga reporters na kabilat kanang nagtatanong at panay ang flash ng camera. Sumunod na ipinakita ay ang pagkuyog sa akin kanina ng mga reporters. Napabuntong hininga ako!
Sunod sunod na tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon sa aking bag at tinignan. Kaliwat kanan ang dumadating sa aking mensahe nang mga kaibigan ko, mga kasama ko sa modeling, kay Francis at Toni, kay Madam Hazel at kay Zymone na naglalaman ng malaking 'Sorry'..
Pinatay ko ang tv at sumandal sa sofa. Ayoko nang magbukas ng facebook dahil alam ko naman na marami ang nagbabashed sa akin duon. Ayoko nang madagdagan ang mga pang iinsulto at masasakit na salita nila sa akin. Tama na ang lahat ng mga narinig ko sa pamilya ko! I'm tired of it! Really really tired of it!
Lumipas ang araw na iyon na nanduon lang ako sa aking condo. Hindi gumagalaw at hindi man lang pinapansin ang cellphone kong tunog nang tunog. Natulog lang ako. Wala pa akong naiisip na posibleng gawin sa problemang ito. Lilipas din siguro ito. I'm sure Zymone will do something about this..
Tatlong araw ang lumipas simula nung mangyari ang gulong iyon. Tatlong araw akong nagkulong sa aking unit. Walang pinagbubuksan na kahit na sinong bisitang kumakatok sa aking pintuan. Kahapon ay nawala ang kontrobersyal na mga balita. Natanggap ko ang text ni Madam Hazel na gumagawa siya nang paraan para mawala ang mga issue. I thanked her for that! Alam kong hindi niya ako pababayaan dahil ang kompanya niya ang humahawak sa akin. Ang lahat ng bashed sa akin sa internet ay nawala din kahapon. Lahat ng issue ay nawala.. that's because Zymone made an interview last day.
BINABASA MO ANG
Why can't it be?
Roman d'amourCristine Keah Lawrence is madly and deeply inlove to his bestfriend Jondrei Ian Alvarez. but she didnt even bother to tell him because she's afraid of ruining their friendship. but how long does it takes? how long does she need to pretend that s...