Kabanata 6.
Sinundan ko silang dalawa nang tingin. Si Vianca na nakahawak sa kamay ni Jon at si Jon na kinikiliti si Vianca.
Napabuntong hininga ako...
"Sorry for the trouble.."
Napatingin ako kay Zymone nang magsalita ito.
Tumango ako."Uhm...thanks sa ginawa mo. And sorry din.." naiilang na sabi ko.
He chuckled. Nag iwas ako ng tingin. Zymone have his deep brown eyes. Na kung titignan ka ay maiilang kang talaga.
"I have fault too..hindi ko alam kung anong ginawa ko! Kaya thank you kasi you took all risk para mawala ang issue.." Di makatinging sabi ko.."Alam kong naapektuhan iyong career mo." Tango ko pa.
I heard him sighed."Its my fault. Sorry!" Napatingin ako sa kanya. I know na hindi ako kumportable na kausap siya. Ayaw ko sa kanya sa totoo lang. Nayayabangan ako sa mga kilos niya. I'm being judgemental here! But hearing those words to him right now makes me guilty.
"You know what?" He grin at me.."Everytime we saw each other..lagi kong nakikita ang pag irap mo sa akin.."
Natahimik ako. Alam kong alam niyang ayaw ko sa kanya. Nakikita niya yun sa mga kilos ko. Nararamdaman niya yun sa mga tingin ko. Pero hindi ko alam na ganito siyang kaprangka.
"I know you hate me." Tango nito. "And i don't know why?"
"I don't hate you." Sagot ko. Tumingin siya sa akin."Oo, merong time na naiinis ako sa'yo. Pero that doesnt mean na ayaw ko sayo. I just dont want to involve from you." Paliwanag ko."You see? Your a famous actor. Maraming fans ang umaasang kayo ni Paola.."
"Yeah." Ngumiti ito.."Sorry again for the issue.."
Hindi ako tumango o sumagot sa sinabi nito dahil naagaw na nang atensyon ko sina Jon at Vianca na nagtatawanan sa loob ng aking kitchen. Kitang kita ko mula dito ang sweet na sweet nilang pagkukulitan. Pinupunasan ni Jon ang pawis ni Vianca habang nagluluto ito ng kung ano.
My heart began to fall again. Humapdi ang aking mga mata sa aking nakikita. Damn! I'm jealous! I am fucking jealous.
"You like him?"
Napaiwas ako ng tingin nang muling magsalita si Zymone. Inayos ko ang aking ekspresyon bago tumingin sa kanya.
"Who?" Kinunot ko ang aking noo.
"You know who." He said nonchallantly.
Umiling ako. "Bakit mo naman nasabi?" Kunwaring tawa ko pa.
Tumitig ito sa akin. Nag iwas ako ng tingin."I saw it in your eyes."
Umiling ulit ako. Pigil ang aking emosyong tumingin sa kanya."Kung ano man ang nakikita mo sa mga mata ko ay nagkakamali-"
"I saw it that your hurting.. when you saw them happy? I saw hurt in your eyes."
Natigagal ako. I was caught off guard. Hindi ko alam kung totoong nakikita niya sa mga mata ko ang sakit habang tinitignan ko sila Jon at Vianca. Ganun na ba ako kadaling mabasa?
"I'm sorry. Hindi dapat ako nakikialam-"
"He's my bestfriend.." pagpapatigil ko sa kanya. Mapait akong ngumiti habang sinusulyapan sina Jon na nagkukulitan pa rin. Tsaka ako tumingin kay Zymone."..and she's my cousin."
Natahimik kaming dalawa. Walang nagsalita maski isa sa amin pagkatapos kong sinabi iyon. Ayokong malaman niya iyon, pero hindi ko na rin naman maitatago sa kanya ang katotohanan.
Ang daling aminin sa iba na may gusto ako sa kaibigan ko. Pero bakit sa kanya mismo ay ang hirap gawin? Am i this really a coward? Natatakot akong sumugal. Dahil alam ko kung hanggang saan lang ako. Na hanggang saan lang ako pupwedeng lumugar. Mananatili akong kaibigan niya habang buhay..
Ilang beses ko nang tinanong sa sarili ko kung bakit hindi kami pwede? Na bakit hindi niya ako makita bilang babae? Na kaibigan lang talaga? Ilang beses kong pinagdudahan ang mga kilos niya. Na baka gusto niya rin ako. Na baka natatakot lang din siyang sumugal. Pero sa tuwing nakikita ko siya sa piling ng ibang babae, nagbabago ang lahat! Nawawalan ako ng pag asa.
Gusto kong sampalin ang sarili ko at sabihing tama na! Pero ayaw tumigil ng puso ko. Kahit sabihin ng utak kong tama na, mas nananaig pa rin ang puso ko na nagsasabing konting tiis pa.
Hanggang kailan ako aasa? Hanggang kailan ko siya mamahalin ng palihim? Hanggang kailan ko siyang papangarapin? Hanggang sa maubos na ako at kusa na lang sumuko? O hanggang makalimot ang puso ko at magbukas ito para sa ibang mas deserving? Ang hirap. Kung nagawa ko sana siyang kalimutan noon, sana ay hindi na ako nahihirapan ngayo. Na sana ay tanggap ko na. Tanggap ko na, na may ibang babae siyang mamahalin. Na sana ay tanggap ko na, na hanggang kaibigan lang talaga ako.
Ang dali lang naman lumimot diba? Pero bakit yung pagmamahal ko sa kanya ay hindi ko makalimutan? Anong klaseng pagmamahal na ba ang meron ako para sa kaibigan ko?
Nasa hapag kaming apat. Katabi ko si Zymone na kaharap si Vianca at sa tabi naman nito si Jon. Tinignan ko ang niluto ni Vianca. Chicken sweet and sour.
Nagsimula kaming kumain ng tahimik. No! Scratch that! Kami lang pala ni Zymone ang tahimik. Yung dalawa ay nakukulitan pa rin.
"Pwede ka nang mag asawa." Dinig kong sabi ni Jon. He's pertaining to Vianca, im sure. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Hindi ko sila tinignan. Nakatitig ako sa aking plato na kokonti lang ang laman. Dinig kong tumawa si Vianca.
"Magpapatayo na ba ako ng dream house natin? What do you want? Yung bang malaki at malawak na kitchen?" Pabiro pang tanong ni Jon.."Palagi akong mabubusog sa luto mo, kung sakali.."
Nag iwas ako ng tingin. Literal na namang nasaktan ang puso ko duon. Pero pinilit kong wag yung indahin.
"Yung mga biro mo talaga.." dinig kong bulong ni Vianca na bahagya pang natawa.
Uminom ako ng tubig. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita kong nakatingin sa akin Zymone. Siguro ay tinitignan niya kung anong reaksyon ko.
Inayos ko ang aking sarili at tumingin sa dalawang nasa harap namin. Pareho silang nakangiti. Nagkibit balikat ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Nakita ko yung billboard niyong dalawa sa Edsa." Basag ni Vianca sa katahimikan. Nakatingin ito sa amin ni Zymone.
Tinignan ko si Zymone."I thought madedelay ang paglabas nun dahil sa issue?" Tanong ko.
Yes! That's what i thought. Dahil sa issue ay nadelay lahat ang labas ng mga ginawa ko. Kahit yung isang commercial na ginawa ko ay delayed.
"They're changed their mind, maybe." Kibit balikat ni Zymond."Or baka narealized nilang mas bagay tayo kesa kay Pao?" Tawa nito.
Ngumiwi ako. I know he's just joking..
"Wow.." Napatingin kami kay Jon. Nakatingin ito kay Zymone."Taas ng confidence mo, bro ha.."
Ngumiwi si Zymone. Tinignan ko si Jon at pinandilatan. Nginusuhan niya ako at inirapan bago nagpatuloy sa pagkain..
Everytime he's like that? Hindi ko maiwasang umasa.. And i dont like that! So please, Jon! Stop making me assumed..because it's hurt!
BINABASA MO ANG
Why can't it be?
RomanceCristine Keah Lawrence is madly and deeply inlove to his bestfriend Jondrei Ian Alvarez. but she didnt even bother to tell him because she's afraid of ruining their friendship. but how long does it takes? how long does she need to pretend that s...