Kabanata 9.

218 11 2
                                    

Kabanata 9.

Ilang araw akong nanatili sa aking condo pagkatapos ng pagdalaw ko kay Gabrielle sa kanilang bahay. Ilang photoshoot na din ang hindi ko sinipot. Kung dati ay araw araw akong walang pahinga ay ngayon ay ilang araw na akong nakahiga lang dito sa aking kama. Iniisip ang lahat. Pakiramdam ko ay talagang inabuso ko ang aking katawan sa pagtatrabaho dahil sa ramdam na ramdam ko na ang pagod. Emotionally and physically tired.

Idinahilan kong may sakit ako kaya hindi ako nakadalo sa mga photoshoots ko pero ang totoo, binibigyan ko ang aking sarili na makapagpahinga. Tama si Gabrielle, nang dahil sa paglimot ko kay Jon ay naapektuhan na nun ang buong pagkatao ko. Kaya naman nag isip isip ako. Inisip ko iyon ng ilang araw.

Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga. I feel like im weak. Hinang hina ako na pakiramdam ko ay nawala lahat ng buto ko. Mukhang mas naging mahina pa ako ngayon kesa nuong mga panahong inaabuso ko pa ang sarili ko sa pagtatrabaho.

Tumuloy ako sa kusina at nagtingin duon ng makakain. Hindi ako marunong magluto kaya puro processed food ang kinakain ko. Minsan ay nagpapadeliver na lang din ako ng kung ano ano.

Nasa kasagsagan ako ng pagkain ng tumunog ang aking cellphone. Nakita ko ang numero ni Mommy kaya agad kong sinagot ang tawag.

"Hello Mommy.."

"Keah bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko this past few days?" Anitong nagtatanong."Where are you? Nasa photoshoot ka na naman ba?"

"Nasa condo ako, Mommy. Nagpapahinga." Sagot ko.

I heard her sigh."That's good! Mabuti naman at naisipan mong magpahinga. You've been working 24 hours in a day. Are you a human, Keah?" Nahimigan ko ang paglamlam ng boses nito."Anyway, Jon will be there. Ihahatid niya ang nabili kong gown para sayo."

Nanlaki ang mga mata ko. God! Bakit si Jon pa?

"Kasama niya ba si Vianca?" Tanomg ko."Sana pinahatid niyo na lang sa iba.."

"You know your bestfriend, Keah. Makulit pa yan sa makulit.." natatawang ani Mommy.

Ngumiti ako. Jon welcome in our house. Gustong gusto siya ni Mommy at Daddy. Dahil kahit may pagkaloko ito ay responsable ito pagdating sa trabaho. Yun ang gusto ng pamilya ko kay Jon.

Ilang minuto ay may kumatok sa pintuan ko. Tamad akong naglakad patungo duon at tamad ding binuksan iyon.

"Hi Tita Keah.."

Nagliwanag ang aking mukha ng masilayan ko ang magandang ngiti ni Jamaica.

"Jamaica baby,." Ngumiti ako ng matamis at niyakap siya ng mahigpit.

Jamaica is Jon's niece. Gustong gusto ko ang batang ito dahil ang bibo. Gusto niya rin ako kaya close kami.

Pinapasok ko sila sa loob, nang nakapasok sila ay tsaka ko lang napansing wala si Vianca.

"Where's Vianca?" Tanong ko kay Jon na inilalapag ang isang mahabang kahon sa aking sofa.

"She's busy." Sagot nito at nagkibit balikat.

"Tita Keah, i saw your billboard at the EDSA" ani Jamaica sa akin ng nakangiti.

"Really?" Ngumisi ako.

"You're so pretty, Tita. I want to be like you.." anito at hinalikan ako sa pisngi.

Tumawa ako. Parang nawala ang lahat ng pagod ko ng masilayan ko ang kanyang magandang ngiti.

"Kadarating palang nila, ikaw na agad ang hinahanap." Ani Jon na nakaupo sa sofa katabi ng box na paniguradong gown ang laman,

Mas lalo akong napangiti ng niyakap ako ng bata. Nagsimula kaming magkwentuhan at magtawanan dalawa. Hindi nga namin pinapansin si Jon na pulos tingin lang sa amin.

Why can't it be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon