Kabanata 13.

460 16 7
                                    

Kabanata 13.

Nagtawanan silang lahat sa birong iyon ni Jon. Pero ako hindi. Literal akong nasaktan duon. Kahit pa sabihing biro niya lamang iyon ay nasaktan pa rin ako.

He didnt appreciate me at all. Kung ang mga taong nakapaligid sa akin ay sinasabing maganda ako, na mukha akong perpekto. Pero si Jon ay hindi makita iyon sa akin.

How i wish na makita niya rin ako bilang isang babae. Na sana mahalin niya rin ako hindi bilang isang kaibigan. Pero mukhang hindi na talaga mangyayari iyon.

Tahimik na lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi nila. Hindi na din ako nag angat ng tingin at itinuon ko na lang ang mga mata ko sa mga magazine na nasa harap ko. 

Naririnig ko ang mga komento nina Mommy at Tita Yza sa mga gowns na tinitignan nila. Panay naman ang puri ni Jon kay Vianca. Na bagay nito iyon dahil simple, na bagay sa nito iyon dahil maganda ito. Lots of compliments from him.

Mahina akong suminghot. Nagkunwari akong tinitignan ang mga magazine pero wala naman duon ang atensyon ko.

Baliw na talaga ako. Bearing the pain makes me hurt more. Kasi sa tuwing itinatago mong nasasaktan ka ay mas lalo lang lumalala ang sakit. Na hindi mo mailabas ang dalahin mo dahil ayaw mo iyong makita ng iba. Kaya sinasarili mo na lang.

Hindi ko namalayang natapos na sila sa pag uusap. Nagulat na lang ako ng magsitayuan na silang lahat.

"Kapag may idadagdag kang designs, just call me Miss Vianca." Ani Jackie kay Vianca.

Tumango si Vianca at nagpasalamat dito. Ganun din ang ginawa ni Jon, Mommy at Tita Yza.

Nilingon ako ni Jack at nagbeso kaming dalawa.

"Balik ka dito pag di ka na ulit busy. Na sobrang imposible dahil masyado kang busy." Anito at tumawa.

Ngumiti ako sa kanya at binalingan sina Mommy na papalabas na ng botique.

"I'll try Jack. Masyadong hectic ang scheds ko eh." Sagot ko sa kaibigan.

Umirap ito sa akin."Sus! Daig pa ang artista." Anito at niyakap ulit ako.

Tumawa lang kami ni Zymone kay Jackie. Marami pa itong sinabi bago kami pinakawalan.

Paglabas namin ni Zymone ay nakita kong naghihintay sina Mommy. Lumapit kami sa kanila.

"My, may pupuntahan pa po kayo?" Tanong ko ng makalapit ako.

Binalingan niya si Zymone na nasa likod ko bago ito tumingin sa akin.

"We dicided to have dinner." Bumaling ulit ito kay Zymone."Zymone hijo, you can come to us."

Bumaling ako kay Zymone. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Okay lang po ba, ma'am? Baka po nakakaabala na ako." Ani Zymone kay Mommy.

"Its okay. Tutal magkaibigan naman kayo ni Keah." Ani Mommy.

Nagkatinginan ulit kami ni Zymone bago ito ngumiti kay Mommy.

Kay Zymone ulit ako nakisabay. Sa unahan namin ay ang sasakyan ni Jon kung saan nanduon nakasakay sina Mommy.

"Wala ka bang pupuntahan? Shoots?" Tanong ko kay Zymone habang nasa biyahe kami.

"Nothing." Saglit itong tumingin sa akin."Next week pa ang start ng new project ko."

Tumango ako."With Paola again?"

"Yeah."

Nag usap pa kami about his career and Paola. Dati rati, when i started modeling, dun ako nakakilala ng mga bigating tao. Yung mga sikat sa industriya. My first modeling is on France. Dahil dun ako nagsimula. Marami akong nakilala. When i moved here in Philippines, duon ko nasimulan ang makisalamuha sa mga sikat na artista. Kagaya ni Zymone.

Why can't it be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon