Warning: violence
Maya
Napatingin ako sa orasan na nasa dingding. Maga-alas dose na ng gabi pero nakatayo pa rin ako dito sa harap ng bintana ng bahay ni Tungsten. Hindi kasi ako makatulog.
Kanina pa ako nandidito at nakatingin lang sa madilim na labas. Nakatulog na din si Janine sa kabilang kwarto kaya hindi ako gumagawa ng ingay dahil baka magising siya.
Hindi ko talaga maisip kong bakit kailangan pa akong pabantayan ni Tungsten. Akala niya ba magpapakamatay ulit ako? Wala na akong rason para gawin yon, dahil natapos na.
Hindi ko masasabing masaya ako sa naging desisyon ko pero hindi ko din masasabing hindi. Hindi ko alam kong anong nararamdaman ko. Blanko lamang pero may kaginhawaan sa dibdib. Hindi din ako nakakaramdam ng pagsisisi sa ginawa ko dahil alam kong yon ang makakabuti. Masama man sa tingin ng iba, pero para sakin yon ang makakabuti.
Inabot ko ang salaming bintana at bahagyang binuksan. Agad pumasok ang sariwang hangin kaya napahaplos ako sa mga braso dahil sa lamig. Sinandal ko ang katawan ko sa sementong dingding habang patuloy pa rin sa pagtingin sa madilim na paligid.
Pero hindi din nagtagal dahil bigla akong napaayos ng tayo dahil biglang humangin ng malakas kaya nabuksan ng marahas ang bintana. Tumama ang salaming bintana sa dingding kaya agad itong nabasag. Ang mga kurtina ay nagwala at nilipad ng hangin. Napaatras ako at naitaas ang kamay para protektahan ang sarili mula sa nabasag na salamin.
Gulat na naibaba ko ang kamay at tiningnan ang bintana. Wala na ang malakas na hangin. Basag na lahat ng salamin nito at ang mga bubog ay nagkalat na sa sahig.
Anong nangyari? Nagkaroon ba ng buhawi?
Dahan-dahan akong lumapit palapit sa bintana at tiningnan ang madilim na paligid. Tahimik pa rin at kalmado ang labas na parang walang nangyari. Nagtatakang napatitig ako sa kawalan. Iniisip kong totoo ba ang nangyari at aakalain ko lang na guni-guni pero nang mapasadahan ko ng tingin ang nagkalat na bubog sa sahig ay doon ko nakumpermang totoo nga ang nangyari.
Muli akong umatras at maglalakad na sana palabas para gisingin si Janine pero hindi ko na nagawa dahil sa nakitang tao sa likod ko—o tamang sabihing bampirang nakatingin sakin.
Nandito siya.
Nasa madilim siyang parte ng kwarto. Nakasuot pa rin ito ng itim na jacket at nakataklob ang hood sa mukha pero kahit ganun ramdam ko pa rin ang mariin niyang tingin sakin.
Unti-unti akong napaatras dahil sa sumiging takot. Atras lang ako ng atras na hindi ko na naisip ang mga bubog sa sahig kaya napaaray ako nang may bumaon na matulis na bagay sa paa ko. Nang ibaba ko ang tingin ay nakita ko ang pag-alpas ng dugo ko mula sa sugat na gawa ng pagkakabaon ng bubog ng salaming bintana.
Akma kong tatanggalin ang bubog pero napatigil ako dahil nakita ko na lang ang sapatos ng bampira sa harapan ko. Dahan-dahang naitaas ko ang ulo at napahigit na lang ng hininga dahil sa takot.
Akala ko iinumin na naman niya ang dugo gaya ng palagi niyang ginagawa pero mali. Nakatingin pa rin sa’kin ang mariin niyang tingin. Kahit madilim ay ramdam ko ang panlilisik ng mga mata niya.
Nagsimulang manginig ang katawan ko nang makita kong itinaas niya ang kamay niya. Nahigit ko ang hininga at napahawak sa kamay niya ng bigla na lang niya akong sinandal sa dingding at sinakal. Lumutang ang katawan ko sa ere sa lakas niya.
"You killed my child. Why did you killed him?" Mahinang tanong niya. Ang boses niya ay malamig at mariin kaya mas nakaramdam ako ng takot.
Hindi ako sumagot at pinilit pa rin kumawala sa hawak niya. Mas naging desperado pa ako ng maramdaman kong humihigpit ang hawak niya.

BINABASA MO ANG
His Obsession
VampirosA not-so-typical vampire love story. Maya Villamor is an ordinary woman whose only concern is how to survive a hard life. Tahimik ang buhay niya at ang tahimik na pagsinta niya sa anak ng kanilang Mayor ang siyang bumubuhay sa tahimik niyang mundo. ...