CHAPTER 6

46.8K 721 88
                                    

"Bakit kaya wala akong kaibigan?"

Isinubsob ko ang mukha ko sa kama, kasabay ng pag tanong nun sa sarili ko.

I love being alone, but being alone like this was the times that I could realize that I'm so petty that I don't have any people around.

Kahit isa ay wala akong naging kaibigan, and that sucks.

Inubos ko ang oras ko sa pagtratrabaho, at nakalimutan na may buhay din pala sa labas ng responsibilidad ko. I spent my life serving someone, and that's why Cloud's word hits me.

Kaya gusto kong bumalik sa trabaho ngayon, dahil hindi ako sanay na mag isa.

Paano pa ako makakahanap ng kaibigan nito, kung ang tanging lugar lang na alam ko ay bar at bahay ko.

Imbis na matulog, ay lumipad ng lumipad ang utak ko sa kung saan.

"Nakakawa ka, Lewis." Pag kausap ko sa sarili ko. "Inuna mo ang iba, bago ang sarili mo kaya ngayon nag iisa ka."

Parang timang sina sagot sagot ko ang sarili ko, sa mga tanong na sa akin rin galing.

Gumulong pa ako sa kama, hanggang sa nahulog pa ako doon.

"Aray..." I hummed.

Bumagsak ako sa kama, pero hindi sakit sa katawan ang ininda ko kundi ang paang natanaw ko sa likod ng pinto ng closet ko.

The fuck?

Bumalot ang hindi ko maipaliwanag na ekspresyon ang mukha ko, naka harap ang paa nito sa posisyon ko na alam kong nakatingin sa akin.

Sino yun?!

Agad na tumayo ako sa pagkaka salampak ko at walang takot na dumiretso sa closet na yun kasabay ng marahas na pag hawak sa knob ng pinto.

Nagsalubong ang mga mata ko, dahil naka lock yun. Mas lalong tumaas ang balahibo ko sa pwedeng bumungad sa akin sa likod ng sarili kong closet.

Hindi ko ito sinasara...

Kinuha ko ang susi sa katabing lamesa dito sa kwarto, at marahas na binuksan yun.

My blood dropped into my feet when I reached the floor of my closet, as I traveled my eyes around the place. Every inch of this area was scanned by my eyes, and the dropped down feeling.

Wala akong nakita sa paligid ng kinatatayuan, at puro mga damit ko lang ang nakapalibot dito.

Minumulto na ba ako?!

Okay lang naman sa akin mag isa, dahil kaya ko naman. Pero pucha, bakit may kung ano ano akong nakikita dito sa bahay ko?!

Bumalik ako sa kama at inayos ang upo, hanggang sa nagtama ang mga mata ko at ang gitara na nasa dulo ko kwarto.

Iniling ko ang ulo ko, at tinitigan ang electric guitar na na siyang binili ko para sana kay Clioz. Mapait na tawa na lang ang lumabas sa bibig ko dahil doon.

Buong buhay ko ay ang kapatid ko ang siyang iniisip ko, pero ngayon ay masama ang loob niya sa akin dahil sa pag tabig ko sa asawa niya.

Hindi ko naman talaga sinasadya yun, pero may kung ako sa akin na nagsasabing kasalanan ko ang nangyari kay Alova.

Muli kong inalala ang mukha ng dalawang taong yun nang makita nila ang pagbagsak ni Alova. Both of their eyes was genuinely worried about what happened to her, I'm wondering if that was true or an act.

Tumayo ako at inilapat sa kamay ko ang gitara tska umupo sa dulo ng kama ko.

This electric guitar was violet, and I paid to be customized for my brother but he didn't even bother to look at this.

Under Series #4: Defended by her love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon