WARNING: This chapter contains brutal acts that may not be suitable for all readers; if you know the content of this chapter, please skip this part. Please consider your own comfort before proceeding. (READ AT YOUR RISK.)
—-----------
"Mag papakamatay ka ba?!"
Isang malakas na sigaw ang nagpabalik sa akin sa tuliro, kasabay ng pagmulat ko sa mga mata ko mula sa pagpikit nito.
My breath hitched as I saw the massive truck approaching me, stopping inches away.
Isang mabigat na buga ng hangin ang nabitawan ko, at isang hakbang lang ang nagawa ko paatras dahil doon.
Sunod sunod ang sigaw ng driver ng truck na 'yun, pero wala ni isang salita n'ya ang pumasok sa isip ko.
Ang bigat ng dibdib ko, dahil sa mga pumasok sa utak ko.
Naiyuko ko na lang ang ulo ko, habang hindi alam ang gagawin ko. Naramdaman ko pa ang paghawak sa balikat ko ng mga tao, pero agad na tinanggal ang kamay nila sa katawan ko.
Hindi ko alam kung saan pupunta ang mga paa ko, pero mabilis na tumakbo palayo sa lugar na 'yun. Narinig ko pang tinatawag ako ng mga tao, pero 'di ko na sila tinapunan ng pansin.
Nawawala na ako sa sarili ko, parang hangin na lang sa utak ko ang mga sinasabi sa akin ng tao. Wala na akong maintindihan sa nangyayari sa paligid ko.
Paikot ikot ang mga mata ko, ang layo na ng narating ko, hindi ko alam kung nasaan ako, pero paniguradong malayo na ako sa mansyon kung saan ako namamalagi.
Ang lalim ng bawat paghinga ko, nanakit na naman ang katawan ko dahil sigurado akong hindi pa 'to magaling dahil sa insidenteng nangyari sa kain.
Isang buwan palang simula nang tanggalin nila sa katawan ang mga anghel na 'yun, kaya ko na gumalaw pero hindi pa ganon kalakas ang katawan ko. It will take time for my body to heal, yet I can already move like this.
Sobrang gaan ng katawan ko, pero napaka bigat ng dibdib ko dahil sa sunod sunod na problema sa utak ko.
Patuloy lang ang paglalakad ko habang hawak hawak ang ulo ko, ang ingay ng paligid ko ang sakit sa ulo. Everything was blured around me, as if I was the only person who's going insane around all of this people.
Nasabunutan ko na lang ang sarili kong mga buhok, at marahas na hinatok 'yun hanggang sa may nakita ako.
Isang motor ang nasipat ng mga mata ko sa hindi kalayuan, kakababa lang ng may ari nun 'tska pinatong lang sa ibabaw ng motor ang helmet.
Wala sa sariling lumapit ako doon, at kinuha ang helmet na 'yun.
"Hoy! Magnanakaw–"
"You can take my earrring, it...it was worth more than this motorcycle." Nauutal na sambit ko pa, kasabay ng pagtanggal ng hikaw sa tenga ko.
It was the onlyjewerly that I can lose, because it was my money who brought that thing and I can ford to lose that. Kung may tanging bagay sa katawna ko ngayon na hindi ko mabibitawan ay ang kwintas, at singsing na meron ako na s'yang binigay ng asaw ako sa akin.
Hindi ko na innintay ang sagot nito, at agad na pinaharurot ang motor dahil andito parin naman ang susi.
Wala ng pumigil sa kain, dahil mukhang alam n'ya rin ang halaga ng binigay ko sa kanya.
Ang bilis ng pagpapatakbo ko sa motor, hindi alam kung saan ako pupunta. Tumatagos sa hoodie na suot ko ang lamig ng hangin sa kalsada, ni isang sasakyan sa paligid ay walang humarang sa dinaraan ko.
BINABASA MO ANG
Under Series #4: Defended by her love.
Mistério / SuspenseLewuiela Via La Borra is a woman who is raised to be strong and dependent to protect her twin brother. She was forced to fight at a young age, and trained to be a woman that can protect people around her when no one did the same for her. Namuhay si...