"Ako ba pinagloloko mo, Yuan?!"
Mariing tanong ko sa kanya, na halos umusok na ang kalamnan ko dahil sa nakita ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa lalaking 'to.
Agad namang lumapit 'to sa kinalalagyan ko, at hinawakan ang parehong ko braso.
"Tangina mo! Nakakatangina ka!" Sunod sunod na mura ko dito, at pagpupumiglas sa hawak n'ya.
Kita ko ang pag sasalubong ng mga kilay nito habang hawak hawak ako, hindi rin mapinta ang mukha n'ya habang nakatingin sa akin.
"Gingagago mo ba ako–"
"Wag mo naman ako murahin, Mahal..." Naiiyak na sambit nito.
What the? S'ya pa may ganang umiyak?!
"Yuan, para kang timang!"
"Ano bang ginawa ko? Why...why are raising your voice at me?" Humigpit pa lalo ang hawak nito sa balikat ko, at biglang dinampa ang katawan n'ya sa akin. "Sorry...sorry for not giving you that baby, promise galingan ko pa...hindi na tayo matutulog– Aray!"
Napahinto 'to ng bigla kong pukpukin ang ulo ng nakita kong plastic bottle sa tabi ng posisyon ko.
"Why?" Tuluyang tumulo na ang luha sa mga mata, kasabay ng paghawak ng dalawa n'yang kamay sa ulo dahil sa pagpukpok ko.
Bumaba ako sa maleta n'ya at kinuha ko ang karton na andon.
"Hindi ka ba marunong magbasa?!" I hissed." Basahin mo to 'tong nakalagay dito!"
Halos idikdik ko na ang bagay na 'yun sa mukha n'ya, pinunasan pa nito ang luha bago kinuha yun sa mga kamay ko.
"C...covid...antigen test kit..." Mabagal na pagbasa nito.
"Anong nakalagay?!" Parang nanay na pagpapagalit ko sa anak.
Nagsalubong pa ang mga kilay nito bago muling binasa, "C...covid antigen– Omg!"
Biglang bumaling ang tingin nito sa akin, kasabay ng pagtakip n'ya sa bunganga.
"S-sorry..." Pag iyak nito sa akin.
Isang malalim na buga ng hangin ang binitawan ko dahil doon.
Nakakainis!
"Bakit ka may dala n'yan?" Nasapo ko na lang ang batok ko dahil doon.
Muling lumapit 'to sa akin, at inabot ang mga kamay ko sabay ng muling pagtulo ng mga luha sa mata n'ya.
"Sorry...k-kahapon kasi sa kasal, masyadong maraming tao...I just bring some for random testing..." Parang batang pagpapaliwanag nito. "Hindi...hindi ko nabasa sorry...nataranta kasi ako..."
Mariin kong pinikit ang mga mata ko dahil doon, at muling bumunga ng hangin kasabay ng pagpunas sa mga mata nito.
Marahas kong pinunasan ang mga luha sa mata nito, dahil sa ginawa n'ya.
Nabwibwisit ako pero may kung ano namang dumampa sa dibdib ko dahil doon.
"B-bwisit ka...naiinis ako sayo!" Hindi ko na rin napigilan ang luha sa mga mata ko dahil don.
"Sorry, babawi ako promise!" Muling paghatak nito sa akin para yakapin. "Sorry, I didn't mean too..." Sunod sunod na sambit nito.
Honagod n'ya rin ang likuran ko, at ang buhok ko dahil doon. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mahigpit na niyakap siya habang umiiyak.
It was just a fall alarm...may chance pa...there was still a chance–
"Wait for me here." He hissed as he walked towards the bathroom of this hotel, after letting go of me.
BINABASA MO ANG
Under Series #4: Defended by her love.
रहस्य / थ्रिलरLewuiela Via La Borra is a woman who is raised to be strong and dependent to protect her twin brother. She was forced to fight at a young age, and trained to be a woman that can protect people around her when no one did the same for her. Namuhay si...