CHAPTER 16

44.2K 732 355
                                    

"I would not fucking drink again..."

Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nun, huli na talaga yun! Hindi hindi na muulit yun!

Cross my heart, hindi na talaga ako iinom!

Hindi ko nakinakaya ang alak, o masyadong marami lang akong nainom kagabi?

Ano ba ang ginawa ko kagabi? Pinauwi ako ng maaga ni Yuan, pumunta ako kanila Clioz, tapos dumiretso ako sa Bar.

Pagkamot na lang sa gilid ng noo ko ang nagawa dahil doon, ayun lang kasi ang naalala ko at wala nang iba.

Alam kong hindi ako lasing umuwi, kasi nakapag maneho pa ako...pero bakit wala akong maalala? Wala naman akong ginawang kalokohan diba...

Tahimik naman ang nagising, sa kama ko rin naman ako nagising kaya sigurado wala akong ginawa! Oo, hays nag ooverthink pa e hindi ako ganon ka weak sa alak.

Masyado ko nang pinagdududahan ang sarili ko, hindi na ako teenagaer para makagawa ng kalokohan dahil lang lasing. Sus, para lang yun sa mga mahihinang nilalang.

"Ang sakit ng pulsuan ko ah..." I whispered to myself as I continuously twisted my wrist.

Nahilot ko na lang din ang ulo ko dahil pakiramdam ko ay mas lalong sumakit iyun dahil sa pag iisip ko, sigurado naman akong wala. Ako pa? Hays.

Babalik na lang ang mga alaala ko para kagabi, kung gugustuhin niya.

Dahan dahan akong umupo sa kama at hinayaan ang sarili kong makapag adjust sa paligid ko, bago tuluyang tumayo at tumungo sa banyo.

Ang gaan ng katawan ko, at pakiramdam ko ay ang linis linis ko kahit babad ako sa alak kagabi. Siguro nakapag linis pa ako ng katawan bago matulog.

I'm so hygienic that I don't let the alcohol take over me to sleep without washing myself. So proud of me. 

Nag-toothbrush lang ako, at inayos ang buhok ko na kalat na kalat na ang pagkakatali bago bumaba sa may kusina para uminon ng tubig.

Wala naman ng bago nang makita ko si Yuan na nasa harapan ng kalan, at nagluluto para sa almusal. Ewan ko ba sa lalaking ito, ang daming inaasikaso sa kompanya niya pero may oras pa sa ganito.

His presence felt like a warm embrace, radiating comfort and calm. Napakaguwapo niya—his sharp jawline, those gentle eyes that seemed to sparkle every time he looked up. Kahit may mantsa ng mantika ang mga kamay niya, bawat kilos nito ay magaan at mainga– huh? What did I think about him?!

"Good morning," he smiled as he saw me walking near him.

"Ako na ang mag huhugas diyan mamaya ah, you're the one preparing our breakfast again." Tanging sagot ko sa kanya, kasabay ng pag kuha ng tubig.

"Yeah, sure if yo want to." Malambot na ngiti nito sa akin, habang naglalatag ng pagkain sa lamesa.

Nakuha naman ang atensyon ko nang makita ko ang pulsuan nito sa kamay na ginagamit niya para haluin ang niluluto.

"Anong nangyari sa kamay mo?" Nakataas na kilay na tanong ko sa kanya,habang umiinom ng tubig.

Napaka linaw kasi ng kulay pulang marka sa pulsuan nito, na animo'y hinapit ng mahigpit dahilan para maging ganon ang kulay nun.

Sandali paitong natahimik, bago sinagot ang tanong ko.

"Hmm? Masyado ko lang nahigpitan yung relo na suot ko kahapon." He smiled, as he pulled down his sleeves to cover that.

My brows furrowed because of that.

Wala na akong sinabi at mariin na tinitigan ko lang ang kamay nito. Nagkataon lang ba, o parehong masakit ang pulsuan naming dalawa? Bakit tuwing may masakit ako sa katawan, ay nagkakaroon din siya ng kung anong sakit sa parehong parteng katawan niya?

Under Series #4: Defended by her love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon