Rowan's P.O.V
Nandito pa rin ako sa sasakyan sa tapat ng bahay namin, pero parang ayaw ko bumaba dahil sa mga narinig ko kaninang tanghali. Magagawa ba talaga yon ni mom? Iba na si Cora ang lakas na ng influence niya kay mom, magiging masama pa ngayon ang nanay ko dahil sa kaniya!
Kamusta na kaya si Shine? I took my phone from my pocket and text Shine "Kamusta kana?" Parang masiyadong concern na ako kay Shine, pero i think its okay lang kasi nga sa mga narinig ko kanina dapat naman talaga akong mabahala. Alam kong nasa byahe pa si Shine dahil malayo pa ang lugar niya.
Bababa na sana ako sa kotse ng nakita ko si Cora and Mom na nasa pinto, tila'y nag papa-alam na si Cora kay mom, nakita ko rin ang pulang kotse na sinakyan ni cora sa harap ng pinto namin sabay alis at kaway naman ni mommy sa sasakyang palayo ng palayo sa kaniya.
"Grabe ka na cora, pati si mommy idadamay mo pa" mahina kong bulong sa aking sarili.
Bumaba na ako ng sasakyan at nag tungo sa harap ng nakasaradong pinto, nag dadalawang isip ako kung kakatok ba ako rito dahil alam kong makikita ko si mommy at hindi pa ako handang makita siya sa personal. Nakaka lungkot lang kasi para kay Cora gagawa si mommy ng masama.
Ilang minuto pa ay nag desisyon na akong pumasok "Hello po sir rowan" bungad na bati sakin ng na ka ngiting si yaya kath. Tumango at ngumiti lang ako pabalik na tugon kay yaya.
"Ya si mom?"
"Nag akyat na po uli sa room niya, hindi na rin daw po siya ka-kain kasi na busog na daw po siya sa dalang pasalubong ni Ms. Cora" mahinahong sagot ni yaya kath.
"Ah sige yaya kath hindi na rin muna ako kakain wala akong gana eh, yung ihahain at niluto niyo nalang ay kayo muna ang kumain nila kuya lando at yaya melda" ngiti kong saad.
"Sige po, tawagin niyo nalang po kaming dalawa ni melda if may kailangan po kayo" magalang na saad ni yaya kath
Nakakatuwa si yaya kath kasi mas concern pa siya sakin kaysa sa sarili kong nanay. Umakyat na ako sa aking kuwarto at nag pahinga. Nakatulala ako sa kisame habang na ka higa at nag iisip ng malalim, sunod-sunod kasi ang mga nangyayari ngayon tungkol kay Shine sa papeles at kay mom. Sumasakit na ang ulo ko hindi ko na alam ang gagawin, gusto ko nalang mag pahinga.
Pi-pikit pa lang ako ng tumunog ang phone sa tabi ko.
KLING!
Agad ko itong kinuha at bungad sa akin ang reply ni Shine. "Okay lang" gumaan ang pakiramdam ko, alam kong nasa mabuting sitwasyon na si Shine, malayo at mas ligtas siya don kaysa rito sa manila.
Tumingin pa ako sa cellphone notifications ko, nakita ko rin ang sobrang daming text sa akin ng mga employee ko dahil sa isang meeting na na-miss ko ngayon hapon, mukang mag babago na daw ang isip ni Mr. Agustin na kunin ang company ko for endorsement, well i dont care.
Sa ngayon ang iniisip ko lang ay si Shine. W-wait masiyado naman akong concern kay Shine. What's happening to me? Second day pa lang sakin ni Shine, hindi puwede tong nasa isip ko hindi ko pa nga kilala ng sobra si Shine eh, lalo na't ang suspicious ng mga kilos niya simula kahapon.
Tumingin ako sa oras, medyo malalim na rin ang gabi, i need to rest, pagod na pagod na ako. Bumibigat na ang aking mga mata at tuluyang na ka tulog ako sa aking kama.
***
TUT! TUT! TUT! TUT!
"Argh! Umaga na naman" angal ko sabay kuha ng aking phone para patayin ang alarm.
Umupo muna ako sa aking kama at tumingin sa salaming na sa harap ko. "Good morning handsome" sabay ngiti. Kinuha ko ang phone ko para i check kung may text si Shine, masiyado pang maaga alam kong tulog at tumutulo pa ang laway ni Shine ngayon. "Good morning" walang alinlangan kong text kay shine.
I got ready, and I took a shower to go to my building as usual. Today is Saturday August 31 and i remember something..
"Meow!" Narinig kong may kalampag sa pinto ko and i know its snow my cat, nanghihingi siguro to ng pagkain sa poging amo niya. Binuksan ko ang pinto at agad naman itong lumambing sa akin "My baby!" I said it with a small voice, sabay kuha at halik rito. "Wo-work muna si daddy ha, behave ka lang wag muna dumayo sa kabilang bahay ha, binuntis mo na yung pusa don e"
"Meow"
RING! RING! RING!
Joseph is calling at alam ko na ang sasabihin niya.
I answered the call and ask Joseph "Are you ready?"
"Yesss!" Masiglang sagot ni Joseph sa kabilang linya, today is Joseph birthday at napag usapan naming sa building ko nalang mag celebrate. "Happy birthday!" Bati ko sa kaniya.
"Aww ang sweet naman parang naninibago ako sayo Rowan ah!"
"Tss, ngayon lang to"
"Be early rowan your building is ready for me! Hoo!!" Masayang sigaw nito sa tawag. I hung up and I took my things. Bumaba na ako and i see my mom drinking tea, she look at me alam kong hindi parin iimik sa akin si mommy at ganon na rin ako, ayoko muna siyang kausapin.
Sumakay na ako sa kotse at nag tungo sa building, alam kong super excited si Joseph kasi pina-ayos narin namin ang building and office don, wala munang mag ta-trabaho ngayon kasi birthday ng bestfriend ko and it's Joseph! Tumingin ako sa passenger seat where my gift for him are there, its a new watch kasi nakikita ko yung relo niya ay medyo may kalumaan na.
Malapit na ako sa building at nakita ko si joseph na nasa harap ng building ko nag iintay sa akin, binuksan ko ang bintana "You're 3 minutes late!" Sigaw sakin ni Joseph. "Sorry naman" i reply.
Pinarada at bumaba na ako sa sasakyan, sabay na kaming pumasok sa loob, bungad agad sa amin ang bati ng employees at mga balloons sa building ko. Tuwang tuwa si Joseph na ani moy bata. Sayang wala rito si Shine, ano na kayang ginagawa niya?
"Sayang noh, wala si shine dito napa agap ang day off eh" bulong sakin ni Joseph.
"So anong pinaparating mo?" Taas kilay kong tanong.
"Wala, eto naman"
Umupo muna ako sa sulok habang pinag mamasdan si Joseph na pa talon-talon pa kasabay ang mga employees ko na tuwang tuwa rin sa party ni Joseph. Napa buntong hininga na lang ako sabay kuha ng phone ko and as i expected wala paring reply si Shine, hays.
Lumapit sa akin si Zed isa kong employee sabay abot sa akin ng wine, "Here's your wine sir rowan" ngiting pag aabot niya sakin.
"Wow sir ha" sabay kuha ng wine na inaabot niya.
I know Zed for so long, and ka close ko rin siya dito sa building ko, in short he's also my freind and Joseph's friend kaso nga lang hindi siya nakakasama sa amin ni Joseph kasi palagi siyang busy.
"Where's shine?" He ask after he take a sip on his wine.
"Uh si shine... I don't know, hindi siya ata papasok ngayon" pagsisinungaling ko. I know kasi na mag tataka siya kapag sinabi kong pinag day off ko siya ngayon, eh babago palang siya sa akin.
"Sayang, it's Joseph party pa naman" he said it and then he placed his wine on the table in front of us.
"Y-yeah" sabi ko sabay inom. Ipapatong ko na sana ang wine sa mesa ng madulas ito sa aking kamay, nabasag at nalaglag to na ikina-gitla naming dalawa ni Zed.
Jospeh look at us, sabay punta sa akin "Are you okay?" He ask me. Kinabahan ako and i feel somethings wrong!
"S-si Shine!"
BINABASA MO ANG
My Love's Secret
Romance"The love you've never expected" The last sentence Rowan Valiente spoke. Umiikot ang kwento tungkol sa isang spy na babae Aella Dizon gumamit siya ng ibang pangalan at ayon ay "Shine Sandoval" she have a mission to get information from Rowan Valient...