Chapter 14

7 2 0
                                    

Shine/Aella's P.O.V

Nag simula na akong mag bihis ng mas maayos na damit para kitain si boss sa aming kuta. Kinakabahan ako kasi konti lang ang information na nalaman ko kay Rowan, sana maintindihan yon ni boss kasi dadalawang araw pa lang naman ako noong kasama ko si rowan.

Habang nag lalakad at nag pa-practice na ako ng aking mga sasabihin, tungkol sa papeles, sa dating nobyo ni Rowan na si Cora at tungkol sa pobhia nito sa dugo.

Pumunta na ako sa terminal ng jeep para sumakay at maghintay pa ng ibang pasaherong sasakay, iniintay pa kasi nila manong na mapuno tong napaka habang jeep niya.

Maya-maya pa ay napuno na yung jeep ni manong, nandito ako sa dulo sa may pintuan ng jeep. Ang init dahil hindi ako matamaan ng hangin galing sa labas yung buhok pa ni ate ang humahampas sa mukha ko imbis na hangin. Pag talaga ako nainis hihilahin ko to!

Tanaw ko ang labas dahil sa may pintuan ako nakatingin, wala paring pinag bago tong lugar ko ganon parin parang population lang ata nabago dito eh, anrami na kasing batang hamog na nag lalaro sa labas.

Natatanaw ko na ang bar na kuta ni boss, kaya nag para na rin ako sa jeep "manong para" mahinahon kong sigaw, tuloy-tuloy pa rin ang pag takbo ni manong hindi ata ako narinig bwisit naman oh! "Manong para!!" Sigaw ko sa jeep. Tinabunan ako ng tingin ng mga pasahero sa jeep, nakakahiya naman, ano ba itong nangyayari sa akin ngayon. Huminto na ang jeep at bumaba na ako, nilakad ko na rin ang bar dahil lumagpas ako, ang bingi kasi ni manong eh.

Pumasok na ako sa bar, bungad sa akin ang mga iba pang nag tatrabaho kay boss na kay aga alak ang ginagawang tubig, matitibay ang atay eh noh.

Bumaba na ako sa basement ng bar, nakita ko rin na narito na si Troy, nakangiti sa akin habang pababa palang ako ng hagdan.

"Si boss?" Pabungad na tanong ko sa kaniya. Sabay turo naman ni Troy kay boss na naka upo.

"B-boss hi" naka ngiting bati ko.

"Upo" tipid na tugon ni boss.

"Boss bakit po?" Nanlalamig ang aking mga kamay, halatang kinakabahan ang aking boses.

"Troy akyat muna"

"A-akala ko boss kailangan kong pag masdan si ella?" Pangangatwiran nito.

"Hindi ngayon Troy! Akyat na!" Sigaw ni boss.

Walang nagawa si Troy kundi umakyat uli sa taas at iwan kaming dalawa ni boss sa basement.

"So ano?" Boss.

"Boss s-sorry kokonti lang kasi yung mga information na nakuha ko kay Rowan eh, second day palang kasi pinag day off na agad ako" paliwanag ko.

"Problema ko bang napapalapit kana kay Rowan? May pa first kiss pa ah" saad ni boss habang nag sisindi ng yosi na nasa bibig niya.

Pati ba naman yon sinabi ni Troy! Nakaka inis yari ka sakin mamaya!

"Kung sisisihin mo si Troy, wag kasi ako ang nag utos na masidan ka at alam kong mapapalapit ka rin kay rowan"

"P-pero boss mali ang iniisip mo, aksidente lang talaga yon! Promise!"

"Kilala kita at kilala ko rin si Rowan, pero ngayon hindi ko alam kung nag sisinungaling ka sakin o hindi" saad niya sabay ihip ng yosi.

"Im telling the truth boss! May mga information rin akong nakuha kay rowan kagaya ng phobia niya sa dugo, tapos yung papeles na muntik ko nang makuha kaso nakuha niya uli sakin kasi na-ospital ako, tsaka pala boss yung ex girlfriend ni rowan"

"Ex girlfriend?" Pagtataka ni boss.

"Yes boss! Si Corazon Baler or Cora" pagmamalaki ko sa kaniya.

"Corazon!?" Napatayo si boss ng malaman ang information na iyon galing sa akin.

Napangiti naman ako dahil alam kong maganda ang balitang nasabi ko kay boss napatayo pa nga oh, bakit kaya? Kilala niya ba si Cora? Something's fishy here now and na cucurious ako about kay Corazon Baler.

"Puwede ka nang umalis" halata sa boses ni boss ang gulat sa nalaman niya, bakit kaya? Ano kayang meron sa babaeng pinag-aawayan rin nila Rochelle Valiente at Rowan Valiente?

Umakyat na ako paitaas at bungad sakin si Troy "Ano balita?" Tanong nito sakin.

"Wag mo akong kausapin Troy"

"H-huh? Bakit?" Tumamlay ang boses niya.

"Pati ba naman yung kiss sinabi mo kay boss!? Troy naman eh" padabog kong tugon sa kaniya.

"Eh tarabaho ko yon, wala akong magagawa" pangangatwiran pa niya.

"Wala na, wala na akong magagawa nasabi mo na, nalaman na ni boss" matamlay na pagkaka-sabi ko sa kaniya.

"S-sorry" halata sa mata ni troy na malungkot at nag sisisi siya sa mga sinabi niya kay boss tungkol sa amin ni Rowan.

"Hayaan mo na" tipid na sagot ko sa kaniya sabay labas sa bar, na ba-bad trip ako ngayon ewan ko ba bakit ang malas ko ngayong araw. Nag lalakad ako ng biglang may tumunog galing sa bulsa ko.

RING! RING! RING!

Huh? Bakit naman tumatawag tong si Rowan? Sa pag tataka ko ay sinagot ko ang tawag.

"Hello? Hello Shine? Hello?" Nag aalalang boses ang na sa kabilang linya, nag aalalang boses ni rowan.

"Hello Rowan?" Sagot ko habang nag lalakad sa tabing kalsada.

"Are you alright? Uh.. Right now, okay ka lang ba ngayon? Ha?" Nag aalalang tanong ni rowan habang nag eecho ang boses nito sa call.

"Teka bakit ba? Tsaka na sa cr ka ba? Nag eecho boses mo eh"

"That's not important now Shine! T-tsaka wala lang, gusto ko lang malaman kung maayos ka ngayon, ayun lang"

"Yeah im fine right now, why?" Napapano ba tong si rowan, akala mo naman kung mapapano ako eh, kaya ko sarili ko noh don't underestimate me. Wala na kaming masabi sa isa't isa kaya pinatay ko na ang tawag, napapano ba itong lalaking to.

Sumakay na uli ako ng jeep at bumaba sa usual na babaan ko, ginabi na ako ng uwi, bago ako pumuntang apartment dumaan muna ako sa karinderya para bumili ng pagkain, umay na kasi ako sa 7/11 eh.

Pagka bili ay umuwi narin ako sa apartment ko at kumain. "Bango naman talaga!" Puri ko sa pag kain sabay subo.

Gusto ko nang bumalik sa manila, mukang napamahal na ako sa mission ko ah, sa mission lang ha bawal sa minimission. Natatawa nalang ako habang sumusubo ng pagkain. Hays! Nakakamiss yung ingay noon dito, kaso hindi na mababalik.

"I miss you ate!" Sabay subo ng last na kanin.

My Love's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon