Chapter 19

9 2 0
                                    

Shine/Aella's P.O.V

Many weeks ago ng mangyari yung second at third kiss namin ni Rowan, yes ilang weeks na yon and sobrang close na rin namin ni rowan at joseph pero mali ang iniisip niyo ha hindi ko pa boyfriend si Rowan, im not that kind of girl na easy to get!

At kung sa tingin niyo nalilimutan ko na ang mission ko, its a no! Palapit ng palapit kay rowan parami ng parami ang informations na nakukuha ko sa kaniya. Tuwang tuwa nga si boss sa kada information na sinasabi ko sa kaniya eh.

Nandito ako ngayon sa labas ng building ni Rowan, nag dadalawang isip kung papasok ba dahil kukulitin lang naman ako ni Joseph kapag nakita na naman niya ako, nakakapagod rin kaya tsaka nakaka rindi, sobra!

Pumasok na ako sa building dala ang mga papeles na naka ipit sa braso ko. Kung iniisip niyo naman si Troy ay nag kikita at nag uusap pa rin kami kahit may nangyari weeks ago, ganon parin siya makulit at parang bata parang hindi naman iyon mag babago eh.

Sumakay na ako ng elevator kasabay pa ang ibang employees, medyo rumarami na ang sakay at sumisikip na dito sa loob nandito pa naman ako sa likod, sandali hindi ko mapindot yung 11th floor! Inaabot ng kamay ko yung button sa elevator pero hindi ko maabot dahil anraming naka harang, argh! Kakainis naman!

"Ako na miss" malagong na boses ang narinig ko sa lalaking nasa harap ko.

"T-thankyou Zed"

I know Zed na rin kasi ikinwento siya sa akin ni Joseph so of course sasabihin ko rin siya kay boss. Simula pa pala nung trahedyang nangyari ay mag kaka-ibigan na itong tatlo nila Rowan, Joseph at Zed. Sila ang tumulong kay Rowan para maka lakad uli at mawala ang pagiging lumpo niya, kaya pala malaki rin ang utang na loob ni Rowan sa kanila.

TING!

Nandito na ako sa 11th floor, pareho kaming lumabas ni Zed kasi may iaabot daw siyang papeles kay Rowan, mag katabi rin lang kasi office naming dalawa.

"Good morning shine!" Bati sa akin ni Joseph na nag kakape sa sulok.

Nginitian ko lang siya kasi wala lang ayaw ko lang umimik.

Almost one month at kalahati na ako dito sa company ni Rowan at ako palang ang first assistant niya na tumagal ng isang buwan, im so proud!

Umupo na ako sa office ko at tumingin sa taas ng computer, nandito ang picture namin ng ate ko "Ate wait ka lang, hahanap tayo ng hustisya" bulong ko sa litrato. Pinangako kasi ni boss na kapag nagawa ko ng maayos ang mission ko ay tutulungan niya ako sa hustisya ng ate ko.

Nag simula na akong mag trabaho, monday ngayon kaya maraming aasikasuhin and yes napamahal na rin ako sa trabaho ko rito, siyempre may sweldo at saka hindi ako pinahihirapan ng manager dito, sino pa ba edi yung makulit na si Joseph!

Habang gumagawa ako ay nakinig ko ang katok sa pintuan "Shine?" Malambing na boses ni Rowan ang tumawag sa akin. Sabay bukas at langitngit ng pintuan.

"Bakit?" Seryosong tanong ko.

"Agang aga nag susungit ka na naman diyan eh" Rowan.

"Osige, bakit po Mr. Rowan Valiente?" Pang aasar ko sa kaniya.

Napangiti na lamang siya sabay sabi ng "Tara coffee sa baba?" Ngising pag-aaya niya.

Kakaakyat ko lang bababa na naman? Nakakapagod kaya mag lakad kahit naka elavator. "Ayoko" tipid kong sagot.

"Why?" Nakita ko rin ang pag simangot ng mukha ni rowan, tss kahit mag pa cute ka pa diyan hindi mo ako madadala sa ganan mo.

Patuloy pa rin ako sa paggawa dito aa computer at hindi pa rin naharap sa kaniya, hanggang sa maramdam ko ang mainit niyang kamay sa aking kaliwang balikat.

"Please?" Sabay bulong niya sa akin.

Hindi ako makakilos, tumigil rin ang daliri ko sa pag ta-type dito sa key board, kakainis naman tong lalaking to alam ko na ang kasunod niyang sasabihin "Bawal umangal" sabay naming sinabi.

Natawa na lang si Rowan sa pagkakasabay namin "Kilala mo nako huh"

Ngumiti na lang ako sa kaniya at saka tumayo "Oo na, tara na sa baba" sumama na rin ako pampa-wala ng antok para mas matapos ko ng maaga tong work ko.

Sumakay kaming dalawa aa elevator papuntang ground floor and walang pinagbago ang amoy ni Rowan, naka dikit na ba yung amoy sa balat niya? Ambango bango eh kulang na lang ay sumobsub ako sa katawan niya para mas maamoy ko, pero no never!

TING!

Lumabas na kami ng elevator at sabay bati at pasok naman ng mga employees niya. Maraming nag sabi na simula nung nakilala ako ni Rowan ay bumawas ang kasungitan nito at bumait pa nga daw, siyempre ako na'to eh!

"Tara sa labas" aya pa niya sa akin.

"Huh? Akala ko dito lang sa ground floor? Saan naman tayo pupunta?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Basta, sumama ka na lang" sabay kindat sa akin.

"Adik" Asar ko sa kaniya.

No choice naman ako kaya sumakay n ako ng sasakyan, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng lalaking 'to pero may tiwala naman ako dito eh. He's driving at nandito ako sa passenger seat niya pero this time hindi na bukas ang bintana kasi na adik na naman ako sa amoy niya este nasanay.

Nakatulala ako sa bintana hanggang maya-maya'y tumigil na ang sasakyan. "We're here" sabay tanggal ni Rowan ng seat belt niya. I took off my seat belt at lumabas na rin ako ng sasakyan.

Familliar itong coffee shop na ito ah? Wait lang... Ah oo dito kami unang nag kita ni Rowan! Buti naalala pa niya to.

Pumasok na kaming dalawa, bungad sa amin ang ngiti at bati ni ate. Pumunta na rin kaming dalawa sa order area para pumili.

"Ano gusto mo... Ms. Ewan ko?"

Napangiti ako sa aking narinig, hanggang ngayon pala hindi pa niya iyon nalilimutan, unang tawag namin sa isa't isa noong panahon na mayabang at nakakainis pa itong lalaking kasama ko ngayon, well hanggang ngayon naman nakaka inis pa rin.

"Caramel macchiato Mr. Ewan ko" Sagot ko sa kaniya.

Napapangiti si ateng nag lilista sa amin halatang kinikilig, ano bang nakakakilig don? Si ate ang landi!

He ordered the same para daw maiba naman yung kape niya at para daw makasabay siya sa akin, nakaka touch naman sarap higitin sa ilong ang haba-haba kasi!

Umupo kami sabay titig niya sa akin, nakakailang naman anong gagawin ko dito ngayon, hayy!

"Matutunaw na ako oh, tama na" angal ko sa kaniya.

"You're so beautiful" puri niya.

"Che!" Aella pakipot kapa!

"I like you"

Nanlaki ang mata at napatingin ako sa kaniya, akala niya hindi ko siya narinig binulong niya lang kasi "H-huh?"

"I like you-r clip" sabay turo niya sa ribbon clip ko.

"Ikaw ha" nakangiting biro ko sa kaniya at saka naman siya ngumiti at napakamot sa ulo.

My Love's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon