Shine/Aella's P.O.V
Nagmamasid pa rin kami sa kotse, bumaba na kasi yung dalawa dito sa bahay ni Rowan.
"Matagal pa po ba?" Tanong ni kuyang driver.
"Ay sorry kuya" sabay abot ko ng bayad at bumaba sa tapat ng bahay.
Higit-higit ko pa rin si Troy dito sa likod ulit ng puno sa harap ng bahay nila para hindi kami makita.
"Literal na spy tayo ah" natatawang saad ni Troy.
"Tsk, troy tahimik muna please" naiinis kong tono.
Pumasok na ang dalawa kaya may chance na kaming pumunta malapitan sa bahay, sumilip kami sa bintana sa salas at nakita ang dalawang katulong na naglilinis at si Rowan habang nagkukulitan ni Cora. Napaka kapal talaga ng babaeng yan malapit ko na yang kutusan!
Nag hiwalay kami ng landas ni troy at umikot sa malaking bahay ni Rowan. Dahil hindi pa nga rin tapos ang mission ko at wala pa ring hustisya ang ate ko, baka sakaling may makuha akong information. Teka bakit ko ba hindi sinasabi kay boss na may amnesia si rowan? Mamaya na lang.
Nandito ako sa may bandang kusina pero hindi ko makita ang tinitingnan ko ang taas kasi ng bintana, Nakakainis naman!
Wala akong choice kaya lumipat naman ako sa may garden nila sakto at walang tao, si Troy kaya nasaan na? Kaya niya naman sarili niya eh.
Feel ko ang swerte ko ngayon kasi nakabukas ang pinto sa may garden papasok sa loob ng bahay kaya dali-dali at patago akong pumasok. Ang balak ko ay pumunta sa kuwarto ni Rowan kasi alam kong don din natutulog si Cora. Sandali... Kung don natutulog si Cora baka- No! Hindi pwede!
Bwisit talaga kumukulo na rin ang dugo ko sa babaeng yon, argh!
Umakyat ako sa taas at natanaw kong papalapit rin ang isang katulong na may dalang mop, kaya tumayo muna ako sa loob ng cabinet na nakita ko. May butas ang cabinet na tinataguan ko kaya kita ko ang labas. Nakita ko na rin na dumaan na sa harap ko si yaya kath.
Aakmang bubuksan ko na sana ng makitang dumaan naman papuntang kwarto si Cora. Anong gagawin naman dito ni Cora sa taas?
Tuluyan na siyang nawala sa aking paningin kaya lumabas na ako sa loob, sakto naman ang pagsara ng pinto sa kuwarto ng mommy ni Rowan. Siguro'y mag uusap na naman sila? Aella ano bang tinutunganga mo diyan, pumunta ka na sa kuwarto ni Rowan!
Nakapasok na ako sa kuwarto at naamoy ang sariwa at natural na amoy dito, ang bango talaga nakakamiss! Naalala ko tuloy yung nangyari... Hays.
Tumitingin-tingin ako sa mga cabinet ng maya maya'y may narinig akong sigaw boses ng isang babae. Siguro si Cora lang iyon ang kikay naman kasi niya nakakainis lang. Hinayaan ko ang narinig ko at patuloy na nag hanap sa mga sulok sa loob ng kuwarto ni Rowan.
Sa paghahalungkat ay nakita ko uli ang papeles ng building ni Rowan at napaisip kay boss. Bakit nga ba gustong pa imbistigahan ni boss si Rowan? Gusto niya bang kunin ang yaman ng lalaking to? Sabay turo sa picture na nakapaskil sa pader. Siguro naman ay malalaman ko rin ang lahat kapag natapos ko na ang misyon ko, sana.
Sinilid ko sa aking likuran ang papeles at nag masid para lumabas, sa paglalakad ko ng dahan-dahan ay nadaan ko muli ang family picture na luma ng pamilya ni Rowan.
Teka lang... Yung suot dito ni Rowan at parang nakita ko na somewhere ah? Parang yung na sa...
Natigilan ako sa pag-iisip ng may maramdamang mabigat na bagay sa bumagsak sa aking ulo. Umiikot ang aking paningin kaya agad naman akong natumba, pinipilit kong idilat ang aking mga mata para makita kung ano ang nangyari. H-hindi pala ako nabagsakan ng isang bagay may b-babaeng humampas sa ulo ko...
Kagaya ng nangyari kagabi bumigat ang aking mga at dilim na lang ang aking nakita.
***
"Ano bang mapapala natin sa babaeng yan!? Para lang naman yang basura eh pakalat-kalat sa paligid" sigaw ng isang babae na tila'y galit na galit.
"Hayaan mo na" tinig ng isang malalim na boses.
Nasan ako? Nahihilo pa rin ako at hindi makalagaw, argh! Kumikirot ang aking ulo! At ang blurry pa rin ng aking paningin.
Minulat ko ang aking mga mata at tumingin tingin sa paligid ang dilim dito at lampara lang ang nag sisilbing liwanag sa loob ng luma at maalikabok na silid.
Napansin ko ring puro luma na at kahoy ang kisame kung nasaan ako ngayon, nasan ako? Hindi ako makagalaw! Nakatali ang kamay at paa ko. Nakita ko rin ang pulang lobo sa taas, nandito rin kaya si Troy?
"Tulong! Troy nasan ka!?" Napipiyok kong sigaw.
"Gising na pala ang babaitang to" nakikinig ko ang magaan na yapak niya papunta sa'kin.
"Sino ka!? Who the fuck are you! Anong gagawin niyo sakin ha!?" Sigaw ko sa kaniya.
"Masiyado ka kasing pakielamera shine" sabay hawak niya sa pisngi ko at hinirap sa kaniyang mukha.
"C-cora! Napaka demoyo mo!" Nanghihina na ako pero nagawa ko pa ring dumura sa mukha niya.
"Fuck! Shit! Kadiri ka naman arghh! Nakakainis! My face!" Reklamo niya habang nakataas ang kamay sa sobrang pandidiri.
Umalis na sa harap ko ang demoyong si cora kaya sinubukan kong mag pumilagpas at tanggalin ang tali sa aking kamay. Sumasakit na rin kasi sa sobrang higpit at randam ko rin ang pagtulo ng dugo sa aking pisngi mula sa aking ulo.
Patuloy kong sinusubukang tanggalin ang tali sa aking kamay, sumasakit na rin ang aking pulso sa sobrang higpit ng pagkakatali.
"Hindi ka makakaalis diyan" malamig at malalim na boses na naman ang narinig ko sa kaniya. Rinig ko naman ang mabibigat na yapak niya papunta sa akin. Tumingin ako sa taas para tingnan kung sino iyon at nanlaki ang kata ng makilala at makita ko ang lalaking na sa harap ko.
"Pasensiya ka na shine, wala akong magagawa kapag si cora na ang nag utos" kitang kita ko ang seryoso niyang mukha at naiinis ako sa galit.
Umupo siya at hinawakan ang aking pisngi sabay sampal ng malakas sa akin. Napangibit ako sa sobrang sakit kasabay pa ng kirot mula sa aking ulo.
Sa pagsampal ay rinig ko rin ang malakas na tawa ni Cora sa likod ng lalaking na sa harap ko.
"Napaka hayop mo T-troy!" Sigaw ko.
BINABASA MO ANG
My Love's Secret
Romansa"The love you've never expected" The last sentence Rowan Valiente spoke. Umiikot ang kwento tungkol sa isang spy na babae Aella Dizon gumamit siya ng ibang pangalan at ayon ay "Shine Sandoval" she have a mission to get information from Rowan Valient...