Chapter 09

8 2 0
                                    

Shine/Aella P.O.V

Nakakainis kailangan ko pa ba talaga tong gawin? wala naman to sa trabaho ko ah, pero mas okay naman tong dress kesa naman na ka pang hospital di'ba.

Namimili ako nang unang susuotin, eto nalang kayang pangalawa? mamaya na tong unang pinili niya. Sinuot ko na ang dress na pangalwa niyang pinili, katulong ko pa ang sales lady.

"Maganda po ba?" Taas kilay kong tanong ko sa sales lady.

"Opo" nakangiting sagot nito. Siyempre sasabihin niyong maganda kahit hindi naman para maka benta kayo, galawan niyo e.

"Pero parang masiyadong mahaba naman miss" aniko.

"Opo, pero kaya pa po naman yang i repair ilapit nalang po sa manager kung gusto niyo po ang dress na iyan" saad niya.

"Eh hindi naman ako ang pipili, yung perfect kong boss na nasa labas" naiinis kong saad.

"Ah si sir rowan, sadya po talaga yang ganan masungit pero mabait naman" nakangiti nitong sagot.

"Mabait? Sa tingin ko hindi" pangangatwiran ko.

Napatawa na lamang ang sales lady at lumabas na ako para ipakita ang suot kong dress kay rowan.

Napa buntong hininga na lamang ako nang di nagustuhan ni rowan tong suot ko, masiyado nga namang mahaba pero sana yung pangalawa okay na.

Naiinis akong bumalik sa sukatan at hinubad ito sa tulong nang isang sales lady. "Mabait ba talaga si rowan?" Tanong ko sa sales lady habang hinuhubad sa akin ang dress.

"Opo, strict lang talaga" sagot nito.

"Eh teka, pano niyo pala nakilala si rowan, dahil ba palagi na siyang pumupunta rito dahil sa nobyo nito dati?" Panlilinaw ko.

"Opo, isa na po yan sa dahilan kung bakit kilala na siya rito, at isa pa.."

"Isa pa? Ano ate? Pabitin ka naman e" may pag ungot sa aking tono.

Natatawa na ang sales lady, tuluyan naring hubad ang dress na aking suot, kinuha nito ang unang pinili ni Rowan sabay sabing "Siya rin po ang may ari ng mall na ito"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng sales lady, dahil ang mall na ito ay isa isa largest mall in the world ilan pa kayang gusali ang napatayo niya?

"Weh? Talaga po ba?" Di parin ako makapaniwala.

Natatawa na ang sales lady pinasuot narin niya sakin ang dress, "Opo" saad nito.

Suot ko na ang dress na unang pinili ni rowan, maganda at sakto lamang saakin. "Bagay po sa inyo" papuri ng sales lady.

Lumabas na ako sa fitting room at nakita ko si rowan na natulala saakin nang ilang sigundo, nag taka rin ako dahil nag talikod ito sakin sabay bigkas na bagay daw ito sakin. Napapano yon?

Lumapit ako kay rowan na nakatalikod sakin "Hoy, anong nangyayari sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.

Nakita ko rin ang dalwang sales lady sa tabi na nag bubulungan, mga marites.

"Humarap ka nga" aniko kay rowan.

"Pwede bang mag hintay ka, wait lang just give me a second" tugon nito.

Humarap siya sakin ng may dugo sa ilong, g*go napano to? Nataranta si rowan nang makita ang dugo sa kaniyang mga daliri na parang bata. Nag panic naman ang dalawang sales lady at dali daling kumuha ng tubig at tissue. Napapano sila eh dugo lang naman yon sa ilong ah?

Tumabi ako sa isang tabi habang ang dalawang sales lady ay inaasikaso si Rowan na animoy nanghihina.

"Napano ba si rowan?" tanong ko sa isang sales lady.

"Sorry miss, pero takot siya sa dugo" tugon sakin nang sales lady.

What? anlaki laking tao takot sa dugo? Hindi ko alam na may kinakatakutan rin pala to'ng lalaking to.

Ilang minuto lamang ay umayos na ang pakiramdam ni rowan sa tingin ko. Umalis na rin ang dalawang sales lady nag papahinga si rowan sa isang sofa.

"Sorry" saad ni rowan na may panghihina sa kaniyang boses.

"Hindi ko alam na may kinakatakutan ka pala"

"Hindi ko binabanggit sayo" Rowan.

Lalapit ako kay Rowan nang madulas ako sa tiles at matapid naman sa isang sofa na maliit, sakto ang tumba ko kay rowan, bumagsak ang katawan ko sa katawan niya at naramdaman ko ang malambot niyang labi na dumapo rin sa aking mga labi.

Ambilis nang pangyayari, hanggang andito pa rin ako nakahiga sa katawan ni rowan, at mag kadapo parin ang aming mga labi, inalis ko kaagad ang dapo nito saking labi at nakita ang dalawang sales lady na na ka tayo sa likuran namin.

"M-mali po ang iniisip nyo" nabubulol na saad ko sa dalwang sales lady.

Lumingon ako kay rowan at nakita itong naka ngiti sa akin, nang ga-g*go ba to parang nagustuhan pa talaga niya! Nakita kong tumingin si rowan sa dalawang sales lady at agad naman itong umalis.

Tumayo si rowan sa harap ko at papalapit ng papalapit sa akin, hindi ako makagalaw na parang napako ako sa aking kinatatayuan dahil ba sa nangyari? no! Aella kumilos ka!

Napapikit ako nang maramdaman ko ang mga kamay ni rowan na dumapo saking kanang pisngi "wag" salitang lumabas saking bibig.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Rowan "your lips are like a marshmallow its soft and sweet" naramdaman ko pa ang isa niyang kamay na dumapo rin sa kaliwa kong pisngi, ayokong dumilat ayokong makita si rowan na malapit sa akin.

Aakmang hahalikan niya ako nang marinig naming dalawa si Joseph "ehem ehem" saad nito.

"J-joseph" nabubulol kong saad sabay tulak ko kay rowan.

"Wala akong nakita" natatawang saad ni joseph.

"Mali iniisip mo" pamimilit ko.

"Second day palang yan ha" natatawang sambit ni joseph

"Joseph enough" seryosong bigkas ni Rowan. "Bakit ka andito?" Pahabol pang tanong ni rowan.

"Wala, tapos na yung meeting namin ni Mr. Agustin wala rin naman akong magawa sa office wala kayo don e, tas pumunta ako sa hospital wala narin daw kayo eh i know this place is one of your favorite, kaya dito nako pumunta tas tinanong ko kayo then nung nakita ko naman kayo may nangyayari na pala" natatawang paliwanag nito.

Shit! Baka kung anong isipin ni joseph eh second day ko pa nga lang.

"Anrami mong sinabi, paalis narin naman kami" Rowan.

"Kamusta ka pala, inatake ka na naman daw ng pobhia mo? Bakit ba dumugo ilong mo? Dahil ba sa ganda ngayon ni Shine? Look she's so beautiful right now" ngising saad ni joseph.

"I know" tugon ni Rowan na akin namang ikinagulat.

"Tumigil nga kayo, naiilang na ko dito tara na nga" aniko.

Umuna na ako sa dalawa papuntang kotse habang namumula ang aking mukha, sumasakit narin ang mga paa ko dahil sa heels nato nahalikan ko ang magandang labi ni Rowan, dapat ba akong mag pasalamat? N-no!

Sasakay na ako nang sasakyan pero naka lock ang mga pintuan nito, ayoko sa passenger seat sumakay ayoko muna makatabi si rowan. Nasan naba yung dalawa kanina pa silang andon sa loob ngalay na ngalay na ako dito.

Maya-maya'y natanaw ko na sila sa pintuan ng mall "san ba kayong lupalop napadpad at napaka tagal niyo?" Naiinis kong angal.

"Rowan bought new sandals for you" kinikilig na sagot ni joseph "Siya pumili nan" pahabol pa nito.

"Joseph!" naiinis na saad ni rowan.

Nakangiti si joseph sa tabi at tinanggap ko naman ang bigay sakin ni rowan, ang ganda nang sandals hindi na sa-sakit ang paa ko nito.

"Thankyou" nakangiting pasasalamat ko.

"Ayunnnn! eto na ba ang tinatawag na spark of love?" Pang aasar ni joseph.

My Love's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon