Chapter 13

9 2 0
                                    

Shine/Aella's P.O.V

Nakatulog na pala ako rito sa sofa kagabi, hawak ko parin ang punit na litrato siguro'y sa pag tataka ko ay nakatulog na ako.

Napasarap at ang haba ng tulog ko ah, kinuha ko ang phone ko sabay tingin sa oras its 8:48 AM aakmang papatayin ko ng makita ko ang text sa akin ni Rowan. "Good morning" ay wow ha! Mukang bumait bait na ang the beast, anong sasabihin ko dito? Mag go-good morning rin ba ako? Ay dapat cold nga pala noh.

"Morning" walang alinlangan kong
sinend kay Rowan.

Tumayo na ako at ang nag stretch-stretch ng katawan sabay sigaw ng "Good morning Quezon Province!" Yes im here now on Quezon Province and the air here is sooo fresh! Kaya ko dito mamuhay hanggang ma-tegi eh, kaso ang hirap lang mag hanap ng trabaho rito hays! Andito rin pala ang kuta ni boss, si boss na di lumalabas, hindi ko alam kung may tinataguan ba siya o tinatamad lang eh.

Nag tungo na ako sa kusina at nag hanap ng makakain, at dahil nga sa sobrang wala ko dito sa apartment ko alikabok lang ang natanaw ko sa cabinet ko, hay nako buhay! Wala akong magagawa kundi lumabas at bumili sa 7/11 na malapit dito sa tinutuluyan ko.

Nag ayos ako ng damit ko, nag suklay at sipilyo para umalis at bumili ng makakain sa labas. Kukuhain ko na ang payong ko ng makita ko ang lumang calendar with full of hearts sa mga date nito. I suddenly miss my sister its year 2007 at puro puso ang date sa calendar na ito, naalala ko yung masayang araw na mag kasama pa kami rito, yung asaran at kantahan, but sadly she passed away and this date on November's are date of our day staying together. Hay nako Aella umagang umaga naiiyak ka naman diyan!

Kinuha ko na ang payong ko at lumabas, mainit sa labas kaya tinaas at binuksan ko ang payong ko, pag bukas ko ay nag laglagan ang mga alikabok sa mukha at ulo ko.

"Pwe! Ano ba naman to, ang malas malas ko ngayon ah!" Sigaw ko habang tinatanggal ang mga alikabok sa ulo't balikat ko.

Bad mood na ako habang nag lalakad iniwan ko narin yung payong kasi na bad trip lang ako, maganit na kasi makalawang na kaya hindi na mabuksan ng maayos, sinusubukan talaga ako ngayon eh.

Habang nag lalakad ay may na aaninag akong lalaking naka itim na hoodie, sumbrelo at mask. Kinakabahan ako! Natatanaw ko narin ang 7/11 kaya nag dali dali ako, nakita kong tumatakbo papa lapit sa akin ang lalaki kaya na pa takbo narin ako at napasigaw ng "Tulong!"
Sa pag sigaw ko ay kasunod na sumigaw yung lalaking sumusunod sa akin "Hoy Aella! Ako to si Troy!"

T-troy? Huh? Napa hinto ako sa pag takbo at tumingin sa aking likuran. "Ahhhh si Troy! Tinakot mo naman ako bwisit ka!" Naiinis kong sabi sabay roll eyes sa kaniya.

Lumalapit siya sa akin habang tinatanggal ang sumbrelo at mask niya, w-wow walang pinag bago si Troy ha in fairness poging pogi parin! "Gwapo parin ah!" Puri ko sa kaniya sabay hampas sa braso.

"Aray! Ambigat bigat naman ng kamay mo palo ka parin ng palo!" Angal nito sakin habang hinahaplos ang braso niya.

Talagang hindi ko ipag-kakailang pogi rin itong si Troy look at him matangkad, matangos ilong, brown eyes, mistiso at ang kinis kinis pa! And Troy is a spy rin hindi ko alam kung anong mission niya ngayon at bakit siya nandito. Teka bakit nga ba to nandito?

"Bakit na nandito?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.

"Ah kasi ano.." sabay kamot sa kaniyang ulo.

"Ano?" Taas kilay ko paring tanong sa kaniya.

"May mission kasi ako, si boss kasi eh alam mo naman yon" hindi siya makatingin sa mga mata ko na kala mo'y nahihiyang bata.

"Eh anong mission yon, huh?" Pagtataka kong tanong sa kaniya na ikinalaki ng kaniyang mga mata.

"Eh ano kasi, ano ba yan sasabihin ko na nga! Ganito kasi yan the time na binigyan kang mission ni boss at pina alis ka na niya ako naman yung pinatawag, nag tataka nga ako eh kasi ang alam ko isa-isa lang mag pa mission si boss pero that time nag dalawa siya, eh ako naman walang magagawa kaya nag punta ako sa kaniya at tinanong kung anong kailangan niya sakin then suddenly he gave me this camera na kwintas-kwintas ko ngayon sabi niya sundan daw kita palagi at bigyan siya ng information about you everyday, at tingnan ko raw kung napapa lapit ka na don sa Rowan na yon eh hindi ko naman alam ang mission mo kaya sumunod nalang ako kay boss, that time na na-ospital ka nandon ako sa labas and nakita ko si Rowan in fairness rin ha gwapo nga talaga pero mas gwapo parin ako, nakita niya ko pero na ka pag-tago parin ako siyempre spy to eh, so ayun lang"

"Ah... Andami mo namang sinabi, ambilis mo pa mag salita hindi ko naintindihan p-puwede paulit?

"Ano ba yan Aella!" Sigaw niya sakin

"Hindi, joke lang.. so ikaw pala yung sinasabi ni boss na mata niya? So nakita mo lahat ng kilos ko simula pa noong unang una? Ha? Ha?" Tanong ko sa kaniya ng pa-tiad dahil sa tangkad nito.

"Oo, hehe" ngising sagot nito sakin.

"Hays! Nakakahiya Troy nakaka inis ka naman eh!" Sabay hapas na naman sa braso niya.

"Aray naman, tama na!" Sigaw niya na halatang nasasaktan sa mga palo ko.

Pag ka palo ko kay Troy ay sabay tunog naman ng aking tiyan, ang haba ng usapan namin lalo akong nagutom! Nakaka inis talaga tong araw na to.

"Gutom kana? Ako rin" mahinahon at ngiting pagkasabi ni Troy na ani mo'y batang nanghihingi ng pagkain.

"Oo, sabay na tayo sa 7/11 bili tayo" sabay higit ko kay Troy sa kaniyang kamay, ang lambot lambot ng kamay ni Troy naalala ko ang kamay ni Rowan, kamay ni rowan!? N-no!

Pumasok na kami sa 7/11 bungad sa amin ang bati ni ateng nag ma-mop ng sahig. Pumili na kami at binayaran sa cashier, sabay narin kaming kumain sa loob ng store.

Kumakain kami ng mga binili naming pagkain habang si Troy naman ay sarap na sarap sa binili niyang sandwich, pinag masdan ko siya at naalala ang pamangkin kong napaka kulit at ang cute, parang si Troy adult version lang siya eh, tapos parehas pa silang medyo curly hair, hay! Nakakagigil.

"Mag kikita kayo ni boss?" Tanong niya sakin habang may laman pa ang kaniyang bibig.

"Lunukin mo nga muna yang kinakain mo, para kang bata eh, oo mag kikita kami mamayang tanghali, bakit kayo rin ba?"

"Hindi, panonoorin ko lang kayo spy ako eh" natatawa niya pang biro. Cute rin naman talaga tong si Troy kaso hindi siya yung type ko, parang si Joseph ang personality niya bagay nga silang mag kapatid eh haha.

Tumagal kami sa loob ng 7/11 and we decided to go na, nag hiwalay na kami ng destination ni Troy, panay ang kaway ni Troy sa akin kala mo talaga ay bata eh! Malapit na ako sa apartment ko at kinuha ang phone na nasa bulsa ko, huh? May nag text saking unknown number kaninang umaga? Hindi ko napansin to ah.

"Hello Shine! Si Jospeh to and birthday ko ngayon, wala lang pina-alam ko lang para alam mo hehe, bye!"

Napatawa nalang ako, at binati pabalik si joseph through text. Siguro kasama niya ngayon si Rowan, sana okay lang siya para siyang pinag sakluban ng langit at lupa kahapon e.

Nasa harap na ako ng apartment ng nakaramdam ako ng kakaiba, parang may nag mamasid sa akin, parang may tao s-sa likod ko. Dali-dali akong tumakbo sa apartment ko at agad na isinara ang pinto, naalala ko kasi yung panaginip ko kagabi.

Pag talikod ko sa pinto ay nakita ko uli ang lumang calendar, nag spy ako para sa kapatid ko, para sa hustisya at mahanap kung sino man ang pumatay sa kaniya at sana mahanap ko, ako mismo ang papatay sa kaniya.

Habang nag iisip ako ng malalim ay biglang tumunog ang phone ko na ikinagitla ko rin.

KLING!

"Nag hihintay ako dito sa kuta"

Nanlaki ang aking mata ng mabasa ang text ni boss sa akin, hoo! Eto na!

My Love's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon