Rowan's P.O.V
6:00 AM naka gayak na'ko para pumunta kay na Shine at Joseph, ayoko na kumain wala akong gana dahil siguro sa malalim na pag iisip ko sa mga bagay-bagay kagabi.
Bumaba na ako at nakasalubong ko sa daan si mom na hanggang ngayo'y alam kong may sama ng loob parin sa akin, mataas ang pride ni mommy at lalo pang tumaas simula noong nawala si daddy. Hindi ako pinansin ni mommy ng makasalubong ko ito.
"Sir rowan, kain po muna kayo bago umalis" alok ni Yaya Kath sa akin.
"Hindi na yaya, wala akong gana thankyou nalang" magalang kong tugon.
Lumingon ako sa likuran at nakita ko si mommy na nakatingin sakin mula sa second floor hallway nag paalam ako dito pero hindi parin ako pinansin.
Sobrang daming bagay na nagaganap ngayon, kasabay pa ng tampuhan namin ni mommy na hindi ko naman masuyo dahil palagi akong busy.
Sumakay nako ng sasakyan at umalis mula sa bahay. Kamusta na kaya si Shine? Okay na kaya siya?
***
Nakarating na'ko sa ospital kung na saan ang dalawa, akmang papasok na ako nang mahagip ko ang isang lalaking nakakapang hinala, naka black hood na naka sombrelo pa naka mask rin, kaya di mo maaaninag ang kaniyang mukha.
Kinuha ko ang telepono na nasa bulsa ko at tinawagan si joseph.
RING! RING! RING!
Tunog ng telepono, hanggang sa sagutin na nga ito ni Joseph.
"Hello Rowan? Nasan kana?" bungad na tanong ni joseph sa kabilang linya.
"Andito na ako sa labas ng ospital, si Shine gising na ba? Maya ako papasok may lalaking nakakapang-hinala na nandito sa labas" aniko na may pag ka seryoso ang boses.
"Hindi pa gising si Shine eh, mahimbing pa ang tulog natulo pa nga laway" natatawang sagot nito "tsaka sige intayin nalang kita dito sa room 09" pahabol pa nito.
Pinutol ko na ang linya sabay lingon sa lugar kung nasan ang lalaki. Nasan na yung lalaki? Baka naman naguni-guni lang ako.
Pumasok ako sa ospital bungad ang mga bati ng mga nurse at doctor na nakakasalubong ko.
Binuksan ko na ang pinto ng room 09 at bungad agad dito si Shine na naka nganga sa pag tulog at si Joseph naman na natatawa habang pinag mamasdan ito.
"Tinatawa tawa mo diyan?" Taas kilay kong tanong.
"Wala" ngising tugon ni joseph.
"Pumunta ka munang office, marami pakong hindi na aasikaso don si Mr. Agustin pupunta daw don ikaw muna mag asikaso" seryoso kong pagkaka sabi sa kaniya.
"Sige sige, una na ako maiwan muna kita diyan este kayo" nakangising saad nito. "Saka nga pala may sasabihin ako" pahabol pa ni joseph.
"Oh?" Tipid kong tugon.
"Tumawag kaba kay Shine last night? May tumawag eh boss daw ni Shine eh ikaw lang naman ang alam kong boss niya?"
"Ha? Di ako tumatawag masyado akong pagod last night" aniko.
"Ah okay, sige una na talaga ako bahala na kayo diyan" ngising saad nito.
May tumawag kay shine? Sino ba talaga itong si Shine Velasquez? Hayaan ko nalang muna siguro iyon saka bakit ganito matulog tong si Shine? papasukan na ng langaw tong bibig niya eh maka-nganga ba naman oh.
"Shine gising na, tanghali na ah bawal mag sarap buhay" saad ko habang tinatapik tapik ko ang braso nito para magising narin tong si shine.
"Mamaya na" ani nito habang may pag inat pa ng kaniyang katawan.
Aba, sarap buhay kapa talaga diyan eh anrami nating aasikasuhin sa office! "Wala ka sa bahay!" Sigaw ko na ikagulat naman niya.
"R-rowan" sabi nito sabay upo sa kama niya.
***
Pinag hilamos ko na sa cr si Shine habang na ka upo ako dito sa sulok ng kuwarto, antagal naman nito.
Maya-maya naman ay lumabas narin ito at saka ko naman inaya na lumabas may mga angal pa ito kaya sinabi ko na ma ta-tanggal siya sa trabaho kapag umangal pa to na agad naman siyang di na ka tugon.
Sakay na kami sa kotse, pinag buksan ko na siya ng bintana dahil alam ko namang babanggitin niya rin ito sakin. Hindi kami nag iimikan ni Shine sa kotse nakakapanibago para bang may iniisip ito na ewan, bahala nalang siya problema niya yan.
Dito na kami sa mall nahihiya pa bumaba si Shine dahil daw sa suot niya, bagay naman sa kaniya ah mukang takas mental, hindi ko pwedeng pahalata na natatawa ako dahil lalong maiilang si Shine kaya't nag seryoso nalang ako kahit ang plastic-plastic ko sa lagay na to.
Hindi na ko nakatiis, naiinip na rin ako dito sa labas kaya binuhat ko nalang si Shine, shit! Tiniis ko ang bigat hanggang sa makarating na kami sa favorite store ko sa ground floor maraming memories dito na natapon nalang sa isang iglap masiyadong ma-drama kaya ayoko na balikan, ayoko nang mada-drama.
Inaasar asar pako ni Shine dahil sa store na to, babaero? wtf ang bait bait kong tao eh tsaka sino bang mga dadalhin kong babae dito? halos antagal na nga nung huli kong naging nobyo eh.
Move on nako sa babaeng yon, she's a gold digger pera ko lang naman ang habol niya kaya ansama sama na nang trato ko sa kaniya, tsaka sino ba siya?
Hanggang sa napa-kwento na nga ako ng past ko kay Shine, nakita ko sa mukha niya ang pagsisisi sa pang aasar sakin i think she feel bad for that or not? Kailangan ko ring imbistigahan tong si Shine gusto ko malaman ang buong pagkatao niya.
"Tama na ang drama" saad ko, tumayo ako at pumunta sa mga dress habang iniisip parin ang mga nangyari noon, Corazon a gold digger na gusto pang i-offer sa akin ni mom, no!
May umakit saking paningin isang dress na red, i think bagay to kay Shine tumigil ako at nagulat nang bumunggo at nauntog si Shine sa likudan ko. Hindi ba ito tumitingin sa daan niya maganda nga ang clumsy naman, isa pa ang ingay-ingay.
Binigay ko kay Shine ang dalwang dress na umakit sa aking paningin, hindi maka angal sa akin si Shine at ayoko rin naman nang may umaangal sa akin at nangangatwiran. Naiinis ako sa mga ganon eh.
Umuna na ako sa sofa malapit sa sukatan habang pinag mamasdan si Shine kasama ang isang sales lady. Ansama ng tingin sakin ni Shine halata naman na napilitan lang siya eh alangan naman pumunta siyang office naka pang mental hospital, natatawa nalang ako kapag naiisip yon.
Lumabas na si Shine suot ang pangalwa kong pinili kanina, maganda kaso masiyadong mahaba sa kaniya hindi bagay.
"Ayoko nan" saad ko.
Napa buntong hininga nalang si Shine, napapansin ko rin ang pag ka inis niya sakin, but i don't care.
Lumabas naman siya suot ang una kong piniling dress, w-wait shit! she's so beautiful! Namumula ang aking mga mukha parang inaakit ako nito. Kaya tumalikod muna ako saglit sabay sabi ng "Ayan okay yan, b-bagay sayo"
Rowan what happened to you? Don't tell me you're falling in love for that girl? No! Ang bilis naman. Ayoko ng ganito ayoko.
BINABASA MO ANG
My Love's Secret
Romance"The love you've never expected" The last sentence Rowan Valiente spoke. Umiikot ang kwento tungkol sa isang spy na babae Aella Dizon gumamit siya ng ibang pangalan at ayon ay "Shine Sandoval" she have a mission to get information from Rowan Valient...