Rowan's P.OV
Iniwan ako dito ni cora sa sofa at umakyat siya sa taas, may sasabihin daw kasi siya kay mommy.
Nakita ko rin si yaya melda na nag lilinis sa kusina at si yaya kath na nag ma-mop sa taas, ilang minuto ng pag akyat ni yaya kath ay kasunod niya si Cora.
Nag babasa ako dito ng newspaper habang nakaupo.
"Ilang babae ang natagpuang patay at nakita ang laslas sa mga leeg nito"
Nangilabot at napa-iling na lang ako sa aking nabasa. Bakit na anraming masasamang tao sa mundo? Hindi ba nila kayang maging mabuti na lang lahat at huwag gumawa ng krimen.
Ilang minuto na akong nag susulat dito pero hindi pa rin bumababa si Cora, kaya naisipan ko na ring umakyat at mag tungo sa kuwarto ni mommy.
"Mom? Cora?" Tawag ko sa kanila habang kinakatok ang pinto.
Naiwan sa labas ng pinto ni mommy ang isang mop na nakakalat at basang sahig dahil sa natapong tubig galing sa dala ni yaya kath na timba.
Bakit ba timba ang ginagamit ni yaya kath? Binilhan ko na siya ng magandang mop pero ito parin ang ginagamit niya, ewan ko ba.
Pagbukas ko ng pinto ay wala don si mommy at cora kaya nag taka na ako dahil wala rin si yaya kath dito sa taas, eh saan naman sila pumunta? Tiningnan ko rin ang kuwarto ko nagtataka rin ako kung bakit mapula pula ang tubig na natapon sa sahig.
"Yaya melda nakita mo sila mommy and cora na bumaba?" Sigaw ko mula sa taas.
"Hindi po ser!" Tugon ni yaya melda.
"Eh si yaya kath?" Tanong ko pa.
"Hindi pa nga po bumababa mula diyan sa taas eh, wala po ba diyan?" Kinig sa tono niya ang pagtataka.
"Ah wala eh"
Nakinig ko rin ang mabilis na yapak ni yaya melda papunta sa'kin at nagulat ng makita ang basa at nakakalat na mop.
"Ay naku pasensiya na po sir! Nasan ba si kath at iniwan ditong nakakalat"
"Okay lang, palinis na lang yaya melda labas muna ako, hahanapin ko sila mommy" ngiting saad ko sa kaniya.
Bumaba na ako at nagtungo sa labas ng bahay, tumingin ako sa paligid ay nakitang wala ang sasakyan ni mommy at cora. Umalis ba sila ng hindi sinasabi sa akin? Andaya naman nila.
Naglakad lakad ako sa tabi ng kalsada hanggang makarating dito sa isang playground, nakakasalubong ko naman ang mga batang naglalaro at mga magulang na nag-uusap.
Nakakamiss baging bata ulit walang problema at laro lang ang iniisip. Nakangiti akong nakatingin sa mga nag hahabulang bata.
"Ano ba yan!" Sigaw ng batang lalaki sabay tingin sa bolang papunta sa'kin.
"Kuya pwede po bang paabot ng bola?" Nakangiti sa'kin ang bata.Nangunot ang aking noo para bang nakita ko na yung bata hindi ko lang maalala kung saan at paano. Kumirot ang ulo ko at napapikit sa sobrang sakit, parang sirang radyo rin ang naririnig ko sa aking tenga.
"Kuya!" Pasigaw na tawag sa'kin ng bata.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang bolang nasa aking paahan sabay bato aa batang naghihintay.
Hindi ko alam ang nangyari pero familliar talaga ang batang yon para bang nakita ko na rin siya dati.
"Kuya ako naman po diyan kanina pa po kayo nag-duduyan" biglang boses na narinig ko.
Namilipit ako sa sobrang sakit ng ulo parang hinahampas sobrang sakit! Hindi ko kinaya kaya napaupo ako habang nakahawak saking ulohan. Anong nangyayari? Bakit bigla akong nagkakaganito? Argh!
Nakapikit ako sa sobrang sakit ng biglang may lumitaw sa aking isipan na isang bata...
"Kuya ako naman po diyan kanina pa po kayo nag-duduyan"
Patuloy pa rin ang pagsakit ng aking ulo, kasabay ng batang nakita ko ay ang playground mga laruan at padulasan sa paligid. Ano ba itong nakikita ko?
"Toy ayos ka lang ba?" Sabay hawak ng isang matandang babae sa aking balikat.
Napatayo ako, i feel so embarrassed kanina pa pala akong nakaupo at namimilipit sa sakit, nakatingin na rin sakin ang mga tao at magulang ng mga bata sa paligid.
"O-okay lang po" sabay ngiti ko at umalis na.
Nasaan ba sa sila mommy? Saan ba sila pwedeng pumunta? Hindi ko na alam kung saan ako pupunta, umuwi na lang kaya ulit ako? Sige uwi na lang ako kesa naman mag lakad ako dito ng mag lakad masakit sa paa.
Naglakad na ako pabalik habang kumakanta ng music na unang pumasok sa isip ko.
"Shine bright like a diamond..."
Eto kasi ang unang narinig kong music simula nung nagising ako sa ospital kaya ito lang rin ang matandaan ko, favorite rin kasi to ng girlfriend kong si Cora.
Malapit na ako bahay ng makasalubong ang kotse ni mommy. Binabaan niya ako ng bintana at tinanong.
"Saan ka galing Rowan?" Tanong ni mommy. Halata sa mukha niya ang pagod para bang may ginawa siyang mabigat.
"Hinanap ko kayo mom, bigla kayong nawala eh hindi kayo nag sabing aalis kayo... Si cora mom?" Taas kilay kong tanong sa kaniya.
Hindi makasagot si mom kahit buka ng bibig niya ay hindi magawa, nakita ko rin ang mga pawis na tumutulo sa pisngi ni mommy bakit parang kinakabahan at natatakot siya? May nangyari ba?
"Mom?"
"H-hindi ko alam siguro umuwi na" kita sa mukha niya ang kaba at kinig ko naman sa tono niya ang takot.
"Ah hindi man lang siya nag sabi"
"Sumakay ka na dito sa sasakyan kesa naman lakadin mo pa" aya sakin ni mommy.
Medyo malayo pa nga ang lakadin kaya sumakay na ako, tumitingin ako kay mommy sa salaming na sa harap niya at kita ko sa mga mata niya na para bang natatakot at nagaalala siya.
Nandito na kami sa harap ng bahay, nandito rin si Joseph kanina pa pala akong hinihintay gusto niya daw kasi akong dalawin at ilang araw siya babad sa trabaho.
"Rowan! San kaba galing kanina pa ako dito ha" ngiting tanong niya sakin. "Ay hello po Mrs. Valiente" bati niya kay mommy.
Hindi siya pinansin ni mommy at para bang nagmamadali siyang pumasok sa loob, ano bang meron at sobrang kakaiba na mga kinikilos ni mom?
Papasok na sana kami ng lumabas si yaya melda "Sir Rowan hindi niyo po ba talaga nakikita si Kath? Kanina pa po siyang wala eh" kita sa mata ni yaya melda ang pagaalala.
"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Joseph.
"Hindi ko po alam e, naglilinis lang siya sa taas tapos ayun nawala na po"
"Hindi ko nakita yaya eh, tinawagan mo na ba?" Tanong ko.
"Opo kaso naiwan niya yung phone dito, eto po oh" sabay taas ng phone na hawak niya.
Saan naman pupunta si yaya kath? Ang huling kita ko rin sa kaniya ay noong umakyat siya sa taas na may dalang mop at kasunod niya si cora. Tapos si Cora bigla na lang din nawala? Hindi kaya may alam si corazon?
"Pasok na tayo sa loob" aya sakin ni Joseph.
Nakaupo kaming dalawa sa sofa, binigyan na rin kami ng juice ni yaya melda habang si mommy ay nasa kuwarto niya siguro ay nagpapahinga.
"Uhm ano kasi rowan..." Pabitin ni Joseph.
Tinaas ko lang ang kilay ko sa kaniya.
"Pahiram akong damit" sabay ngiti niya sa'kin.
Natawa na lang ako. "Ayun lang pala, ikaw na kumuha sa taas" may tiwala naman ako kay Joseph kasi magaan ang pakiramdam ko sa kaniya, ikinuwento na rin sakin ni yaya kath na dati pa kaming mag kaibigan.
Nagbabasa ako ng newspaper ng maya maya'y sumigaw si rowan na ikinagitla ko.
"Rowan!"
BINABASA MO ANG
My Love's Secret
Romance"The love you've never expected" The last sentence Rowan Valiente spoke. Umiikot ang kwento tungkol sa isang spy na babae Aella Dizon gumamit siya ng ibang pangalan at ayon ay "Shine Sandoval" she have a mission to get information from Rowan Valient...