Chapter 06

7 2 0
                                    

Shine/Aella's P.O.V

"Boss? Rowan ikaw ba yan?" Tanong ni Joseph sa linya.

Namilog ang aking mga mata, shitt! b-boss? Apaka wrong timing naman nang tawag mo wala pa pati akong nahahanap na tip kay rowan, lagot ako nito!

"Joseph patayin mo!" sigaw ko sa kaniya.

"H-huh? bakit?" nagugulugan niyang sagot.

Halata ang kaba sa aking mukha, at alam kong naguguluhan rin itong si joseph kung sino ang boss na tumawag, dahil ang alam niya ay si Rowan lang naman ang boss ko.

"Basta!" Tugon ko.

Pinatay ni joseph ang linya sabay dakma ko sa kaniya ng phone ko.

"Sino ba yon Shine? Malaki ang boses halatang hindi si Rowan" naguguluhan niyang tanong.

"W-wala baka scammer" palusot ko.

Paano to, baka mag hinala si joseph sa akin at sabihin kay rowan na may tumawag sa akin.

"Ah okay" halata sa boses ang pagtataka niya.

Lumabas muna saglit si joseph at nakahinga naman ako ng maluwag, ang wrong timing kasi ni boss ngayon pa talaga tumawag buti wala dito si Rowan.

Maya maya, lumangitngit ang pinto sabay luwa dito si joseph na may dalang mga pagkain, oo nga masiyado nang malalim ang gabi.

"Kain kana shine, nag kain nako sa labas kaya nag pakabusog ka" nakangiting saad niya saakin.

"Sige, salamat" ngumisi ako sa kaniya kahit may konting pag ka ilang.

Kinuha niya ang maliit na table sa tabihan ng aking hinihigaang kama, sabay patong ng mga pagkain na kaniyang binili sa labas.

"Bango ha" saad ko sa kaniya habang inilalagay ang nga pagkain sa maliit lamesa.

"Ako ba o yung pag kain?" Natatawa nyang biro habang na ka talikod sa akin.

"Che, malamang yung pag kain"

"Sus, baka ako talaga" natatawa pa nitong biro.

Kapal naman ng mukha nitong lalaking to kung pwede ko lang to upakan e.

Siguro'y tapos na siya sa pag lalagay ng mga pagkain sa maliit na lamesang iyon, binigay narin sakin ito, napaka bango! parang mapapa-sarap ang kain ko nito! Nag simula nakong kumain dahil sa raming biniling pag kain ni joseph may ramen, chicken, pineapple juice, kanin, abodo at mga prutas.

"Mukang mabubusog ako nito ah, sarap pati ng ramen" sabi ko sa kaniya sabay higop ng sabaw.

"Masarap talaga ang tindang ramen sa binibilhan ko, kumain na rin don si Rowan kaibigan na rin namin ang tindera don" nakangisi niyang pagmamalaki.

Raming sinabi, kumain nalang ako nang kumain hanggang maubos ang ibang pagkaing naka lapag sa maliit na mesa. Tumingin narin ako sa wall clock its 8:05pm na pala, pero di parin mawala sa isip ko ang tawag sakin ni boss baka kasi may sasabihin siyang importante o kaya ikakansila na niya ang misyon ko! Sana icancel nalang ni boss parang hindi ko kaya tumagal rito eh.

My Love's Secret Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon