Double Trouble, Triple...???Athena's POV
Marahan kong dinadampi sa mukha ko ang isang bag ng yelong binili ko sa loob ng convenience store na tinatambayan ko ngayon.
Inangat ko na rin ang beer in can ko, dinampi sa aking medyo basag na labi saka ay uminom.
The night was still young, siguro mga 10pm palang ng gabi at mula kaninang 1pm hanggang ngayon ay kasama ko pa rin si Jezreel.
"Why do you look so troubled? Sino bang kausap mo?" I asked as I watched her type so fast on her phone na para bang isa siyang keyboard warrior.
"My wife's wondering where we have been. Tangina ka kasi, sampung oras na tayong hindi bumabalik ng hospital." Mura nito sa akin, inangat ang phone saka tila ba kumuha ng litrato naming dalawa.
Sa bilis pa ng ginawa niya ay hindi na ako nakapag takip ng mukha.
"What are you doing?" Tanong ko na medyo naiirita. She looked irritated as well pero sa akin at hindi sa kung sinong kausap niya sa phone.
"Stop asking, will you? I'm giving my wife an update na okay lang tayo. Malalagot ako dun pag uwi for sure." Kunot-noo niyang binaling muli ang atensyon niya sa kanyang phone saka uminom ng banana milk.
Napatitig naman ako sa kanya, my eyes seemed to scan every inch of her.
Her body was impeccably balanced—neither overly muscular to be mistaken for masculine, nor too slender and delicate to appear overtly feminine.
Hindi na rin nakakapagtakha since she's an androgynous.
"How will you hide that?" Tanong ko saka tinuro iyong tagiliran ng damit niya na may punit.
Tumingin siya rito saka ngumiti ng nakakaloko.
"Why would I hide it? I could just make an on the spot lie, you know." Tumaas naman ang kilay ko.
"Talaga? Magsisinungaling ka sa asawa mo?" Syempre I didn't believe her, she's head-over-heels for Ate Samantha and I'm not even wondering why.
"Ah shit... She knows when I'm lying. She's a human lie detector... Fudge, what should I do?" Bigla na siyang nag panic, napairap naman ako saka binaba ang can ng beer ko.
"What should I do with this?" I pointed my bottom lips na mayroong small cut. Inirapan niya rin ako.
"Wala ka namang girlfriend na magagalit sa'yo, ako meron, asawa pa." Pakikipagtalo naman niya.
Ngumiwi lang ako sa sinabi niya.
"Tsk. Under." Bulong ko.
Natahimik naman kaming dalawa. Sa hindi kalayuan ay may napansin akong batang namamalimos.
Habang umiinom ng beer at pinanood ko lang ang batang ito. Naaawa ako but my body is too weak to get my ass up on this small chair outside this goddamn bright convenience store.
"I'm not being an under, Athena. That's what you called respecting your wife."
"So sunod-sunoran ka?"
YOU ARE READING
Old Days Break Free [ON HOLD]
Action☯ YBAÑEZ SERIES • Slow Burn • 2 Couple • Heavy Angst • On HOLD • Second Couple Lorraine Ynarez, StarSky Airline's CEO, seeks love after even after heartbreak, falling for surgeon Athena Ybañez. While Lorraine is desperate to escape her painful past...