20

798 21 5
                                    

Worth the effort

Athena's POV

Minsan sa buhay na'tin, napupunta tayo sa isang situwasyon na sa sobrang gulo ay gusto mo nalang mawala sa mundo.

It was so complicated that even if ikaw ang gumawa nito, hindi mo rin naman ma-solve.

In my case...

I'm fucked up.

Way fucked up than anyone else in this world.

"Don't move, will you?" Pagtataray ko sa lalaking pasyente na ang likot-likot.

Hinawakan ko ang palapulsuhan niya saka ini-stretch ang braso.

Hinanda ko na rin ang aking syringe dahil ang loko na ito ay ayaw magpaturok sa nurse at baka hindi raw iyon marunong.

I don't get it.

Why do people look down on nurses? Hindi ba nila alam na mas trained ang mga nurse sa ganitong gawi?

"We need to find him! We have to find that tyrant or mauubos tayong lahat sa organization na ito. Lady Pheonix did this before, the history is just repeating!" Sambit ng pasyente ko pero hindi ko na sila pinakinggan.

Walang sabi-sabing tinurukan ko siya nang mahanap ko ang ugat niya.

Matapos nito ay naglagay na ako ng cotton balls sa spot na tinurukan ko.

"Don't move your arms for a while and huwag mo rin masyadong galawin ang kabila mong braso dahil maaaring ma dislocate muli ang buto mo." Sabi ko na kinatigil niya sa pagsesermon sa mga kasama niya.

Aalis na sana ako nang bigla na lang akong hilahin ng pasyente and before I knew it, may naramdaman na akong kutsilyo sa tagiliran ko.

"Hindi ka naman magsasalita sa mga narinig mo ngayon 'no, Doc?" I yanked my arm off him saka tinitigan siya ng walang dahilan.

"All I care about you is your money. I'm not a tattletale." Matapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako ng kwarto.

Sa pag sarado ko ng pinto ay napa irap pa ako. Ilang beses na ako naka encounter ng mga gano'ng tao kaya hindi na iyon bago sa akin.

Nang tahakin ko na ang hallway papunta sa kabilang building, I sent a message muna kay Jezreel.

Habang nag type pa ng message ay nakatanggap ako ng notif mula kay Rhianna, asking me out on another date.

Napaisip naman ako kung papayag ba ako or hindi.

Marami akong ginagawa, my schedule for the whole week is full.

Hindi ko na binigyan ng pansin ang message ng dalaga. Nag message nalang ako kay Jezreel saka ay tinago na muli ang phone sa aking bulsa.

Habang patuloy na naglalakad, nabaling pa ang atensyon ko sa isang dalagang umiiyak sa may gilid, nakaupo pa sa malamig na sahig.

Napahinto naman ako sa paglalakad saka lumapit sa kanya.

Hagulhol na kasi siya sa pag-iyak at tila ba hindi na siya makahinga.

Old Days Break Free [ON HOLD]Where stories live. Discover now