Chapter 2.19

191 19 3
                                    


Halatang nayayamot si Earth Dawn sa presensya ng binatang nagngangalang Light Prime.

Kung pwede niya lang paslangin ito kanina pa ay ginawa na niya.

Ngunit hindi niya rin magagawa iyon dahil na rin sa negosasyon nito kay Little Devil. Kung siya ang pagpipiliin ay kinitilan niya na ito ng buhay.

Paano ba naman ay kanina pa ito nagsasalita ng nagsasalita na akala mo naman ay close na close nito si Little Devil.

Kung siya ang nasa parte ni Little Devil ay hindi niya gustong isama ito dahil masasabi niyang isa itong banta at di malayong traydurin sila ng Light Prime na ito.

Alam na niya ang outer motives ng pesting Light Prime na ito na alam niyang napansin din ni Little Devil.

Kung mautak siya ay mas mautak din ang binatang kapwa niya miyembro ng Vermilion Sect.

Sigurado din siya na may mapapala sila ng malaki rito lalo pa't mataas ang cultivation level nito at pambihira ang Light Skill nito.

Hindi niya maintindihan kung paanong merong Shadow Skills si Little Devil ngunit agad niyang naunawaan na ito ay dahil sa shadow totem mark nito.

Nadaig pa siya ng binatang ito pagdating sa kaalaman. Sa kaniya ay limitado lamang sa tubig at lupa ang kakayahan niya.

Isa pa ay nagtataka siya kung bakit nakakayang pantayan ng binata na ito ang bilis ng pag-unlad ng lebel ng cultivation niya.

Hindi siya nagdududa sa kakayahan nito pwera na lamang sa ungas na kasa-kasama nila.

Kahit na gwapo ang Light Prime na ito ay hindi siya papaloko sa katarantaduhan nito.

Ipahamak ba naman si Little Devil kanina ay talaga namang nakuha nito ang inis na nararamdaman niya.

Kapag may gagawin itong kamalian ay siguradong papaslangin niya talaga ito kung sakaling traydurin talaga sila ng isang ito.

Nagpapadyak siyang lumakad ng mabilis palayo sa dalawang binata. Ang isang kinaiinisan niya habang ang isa ay hinahangaan niya ng lubusan.

Para makasiguro siya ay kailangan niyang umuwi sa kanilang lugar o pamayanan. Aalamin niya ang totoong kulay ng mapagpanggap na Light Prime na ito.

Siya mismo ang magbubuking sa huwad nitong katauhan at paslangin na rin kung kinakailangan.

...

Napagkasunduan nilang tatlo na magwatak-watak muna upang mas marami silang lugar na magalugad. Isa pa ay ang lahat ng makukuha nila ay hindi naman nila paghahati-hatian.

Nagtaka naman si Light Prime sa kasunduang ito ng dalawa, halatang nagkanya-kanya pa rin ang labas nito. Tsk!

Pero mas mabuti na rin iyon. Naisip niyang mas mapapanatag naman siya kung gayon. Nasanay lang siya sa mga bagay na nakukuha ng iba ay sa kaniya pa rin napupunta kapag gugustuhin niya.

Aangal pa sana ito nang pinaningkitan siya ng dalagang nagngangalang Earth Dawn kaya tumahimik na lamang siya.

Mula ng makatagpo niya ang nasabing dalagang ito ay mainit na ang dugo nito sa kaniya kahit na hindi naman niya alam ang dahilan upang mainis ito sa kaniya ng malala.

Sa huli ay sinarili niya lamang ang kaniyang sariling opinyon. Kailangan pa rin niyang siguraduhing buhay siyang lalabas sa islang ito at maglakbay sa lugar kasama ang mga ito.

Kahit gustuhin niya mang bumalik sa teritoryo ng pamilya ay mahihirapan siya. Wala ring nakakaalam ng totoong katauhan niya kundi ang mismong limang misteryosong evil Shadow Practitioners na iyon.

IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon