Chapter 1.19

192 21 2
                                    

Maswerte kung maituturing si Wong Ming lalo na at mayroon pa siyang sampong tali na nakuha bago pa man matapos ang nasabing oras na palugit para sa pagsubok na ito.

Masasabi niyang sa unang pagsubok ay marami ang nakuhang mga tali ng mga nasa rank list ng nasabing pagsubok.

Isa itong overall rankings at marami pang pagbabago at mayroon pa siyang pagkakataon upang bumawi sa mga susunod na mga pagsubok kung tutuusin.

Ibinalewala na lamang ito ni Wong Ming at kitang-kita kung paanong unti-unting nawawala ang katawan niya sa lugar na ito indikasyon na itina-transport siya pabalik sa mismong pinagmulan niya bilang isa sa nakapasang manlalahok upang makapasok sa Vermilion Sect para sa pangalawang pagsubok.

...

Kinabukasan rin ay maagang naghanda si Wong Ming para sa pangalawang pagsubok. Hindi lamang siya kundi ang iba pang mga nakapasok para sa nasabing pagsubok na inihanda ng Vermilion Sect.

Marami ang mga sinabi ng MC habang nasa gitna ang mga kalahok sa pangalawang pagsubok.

Isang Tower Defending Competition ang nasabing tema ng palarong ito.

Isa ito sa pinaka-brutal na palaro lalo pa't dito masusubok ang teamwork ng bawat kalahok.

Mahahati sa dalawang panig ang nasabing mga kalahok.

Kung iisiping mabuti ay matatanggal ang kalahating porsyento ng mga kalahok kung sakali.

Law of Jungle!

Ito ang salitang sinasabi ng nasabing Sect na siyang pinapairal nila magpahanggang ngayon sa masusing pagpili sa mga karapat-dapat na mga bagong disipulo ng Vermilion Sect.

Kung wala ang teamwork ng bawat isa ay siguradong matatalo lamang sila.

Palakasan ng tower ito at paglagay ng mga depensa maging ng mga atake. Lahat ay pwedeng-pwede gawin. Anumang sugat o kamatayan na hatid ng pangalawang pagsubok ay hindi na ito responsibilidad ng Vermilion Sect.

Isa pa ay nakadepende rin kung gaano kataas ang kontribusyon mo sa nasabing tower.

Iba iba din ang role na maaari mong kabilangan. Nahahati sa tatlo. Defense, Offense at Support. Ito ang pinakaimportanteng bahagi ng tower defense system.

May bawat bahagi ang bawat kalahok. Una ay pagbuo ng napakatibay na Tower.  Kasama na rito ang paglalagay ng mga depensa.

Ang pangalawa naman ay ang offense o nasabing kalakasan ng tower.  Masusubok ang lakas ng pagbigay ng atake sa makakalaban nila.

Ang pangatlo naman ay ang Support. Isang free player na maaaring tumulong dumepensa o umopensa. Sila din ang may pinakamalaking bahagi sa pagbuo ng tower.

But their points is reduce to one-tenth points kumpara sa makukuha ng depense at offense na mga manlalahok kung sakaling manalo sila. Nangangahulugan ito na sampong porsyento lamang ang makukuha nila kung sakaling manalo sila.

Dito pa lamang ay napaisip na ang bawat manlalahok at karamihan ay gusto maging offense o di kaya ay defense.

Ang napakaganda pa sa laro na ito ay pwedeng makipagpalit ng role ang bawat kalahok bago pa mag-umpisa ang nasabing aktuwal na paglalaban ng mga tower.

Nag-umpisa nang magbunutan at talaga namang ang mga kalahok ng bawat panig ay nahati at tila nagpapalitan na ng mga role.

Ang nabunot ni Wong Ming ay defense, dito pa lamang ay alam niyang lugi siya. Alinman sa offense at defense ay siguradong kukulangin siya.

Isa itong team fight at para sa kaniya ay ang Support na role ang babagay sa kaniya.

Nag-umpisa na siyang magtanong at makipagpalitan ng nasabing role nila para sa Tower Defending Competition na ito.

Isang maling galaw niya o ng mga kasama niya na mga kalahok ay siguradong  madadamay silang lahat.

Dito masusubukan ang teamwork at layunin nilang manalo bilang isa.

Mabuti naman at mabilis siyang nakipagpalit ng role sa isang kalahok na nakakuha ng support na role.

Napakalaking tao ng isang ito. Agad na nagpasalamat si Wong Ming at bumalik sa pwesto nito kanina.

Nasabihan sila na isang Two-day ang pangalawang pagsubok. Ang isang araw ay masasabing preparasyon at ang pangalawang araw ay ang actual tower battle.  Ngunit sa pangalawang araw na iyon ay isang oras lamang ang palugit para sa laban. Isa itong all-out war kung titingnang maigi.

Tama naman ito. Di rin basta-basta makakabuo ng napakatibay na tower sa ilang oras lamang. Kailangan din nilang magpahinga noh.

Di rin pwede na isang linggo ito gagawin dahil unang-una ay gahol sa oras ang Vermilion Sect  at ang tower battle ay hindi isang giyera. Mae-extend ng mai-extend ito dahil sa tibay ng dalawang naglalabang mga towers.

Mayroong tali ang bawat kalahok at kapag tinanggal mo ito ay awtomatikong mawawala ang bawat kalahok sa lugar na ito.

Hindi ito basehan para masabing out na ang nasabing manlalahok. Matira matibay ito. Ang tower na mayroong konti ang natamong damages ay siyang mananalo.

Nakuha kaagad ni Wong Ming ang nasabing layunin ng nasabing pagsubok na ito. Pagtutulungan ng bawat isa maging ng pagalingan sa paghahanap ng mga materyales para bumuo ng matitibay na parte ng bawat tower.

Ang maaari niyang magawa ay manggalugad at maghanap ng mga materyales na ikakatibay ng pundasyon ng kanilang tower.

Hindi rin maiiwasan na maglaban ang bawat isa sa pamamagitan ng kanilang mga sandata lalo pa't paunahan ng pagpapatumba ng kanilang pinoprotektahang tower.

Kung akala ng iba ay materyales lamang ang hahanapin ngunit dapat ding ihanda ang kanilang sarili para sa malawakang sagupaan ng dalawang grupo. Kung hindi siya nagkakamali ay maraming mga kalahok ang malalagas sa dalawang panig kapag nangyari ang hindi inaasahang sagupaan sa huling bahagi ng pagprotekta sa kani-kanilang tower.

Alam ni Wong Ming sa sarili niyang hindi lamang siya ang pinakamalakas rito at hindi ito palakasan. Kayang-kaya siyang matalo ng sampong kalahok rito kung tutuusin. Ang lakas niya ay dapat niyang i-reserba sa huling laban dahil kung hindi ay maaari niya itong ikapahamak o ikatanggal sa laban.

Sa tingin niya ay ang mga nangungunang mga kalahok sa nasabing ranking ay siguradong uunahin ng mga kapwa nila kalahok. Ito'y given na lalo pa't marami ding nag-aasam na magkaroon ng rankings.

Ngunit huli na ito sa dapat niyang isipin dahil ang pinakaunang layunin niya ay survival lalo pa't hindi niya pa lubos na alam ang lakas ng bawat kalahok rito.

Sa limited cultivation level niya ay siguradong Isang maling galaw niya ay baka siya ang maging target ng lahat. Mas mabuti ng low-key kaysa magyabang sa pamamagitan ng pagpapakitang-gilas.

Maya-maya pa ay  nag-umpisa ng pumasok sa nasabing portal ang mga mga manlalahok.

Kitang-kita ang determinasyon sa mga mata ng mga kalahok. Kasabay rin nito ay ang pagpasok ni Wong Ming na may halo-halong emosyon sa mukha nito.

...

IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon