BANGGGG!!!!!!Isang malakas na pagsabog ang nalikha ng pagtama ng likidong metallic ores nang tumama ito sa mismong bukana ng kuweba kung saan silang lahat ng magkakagrupo ay nakapasok sa loob ng nasabing kuweba.
Hindi makapaniwala si Wong Ming sa lakas ng atakeng kayang gawin ng babaeng mayroong maliit na medalyon sa noo nito.
Isang Golden Vein Realm Expert ang nasabing babaeng kasamahan niyang ito sa ekspedisyon nila para sa paghahanap ng pambihirang materyales ngunit nakaya ng skills nito na pigilan ang limang nilalang na mayroong matataas na cultivation levels.
Patunay na isa itong pambihirang cultivator ngunit naiisip na ni Wong Ming kung anong klaseng nilalang ito.
Lakad-takbo ang ginawa nila ni Wong Ming kasama ang nasabing babaeng kasamahan niya ngunit ang limang kasamahan nila ay tila ba iniwan sila at nauna ng pumasok sa mismong loob ng kwebang ito.
Magkagayon pa man ay hindi nila hinayaang mawala lamang ang sa kanilang sariling mga isipan ang ipinunta nila rito.
Nangunguha pa rin sila ng mga metallic ores na nakikita nila sa dinaraanan nila at isinisilid ito sa kanilang mga interspatial rings.
Dalawang oras ang nakalilipas at napagdesisyunan nilang magpahinga muna sa kinaroroonan nila.
Masyadong delikado man ang sitwasyon nila ay mas delikado kung ipagpapatuloy nila ang pagsuong sa pinakaloob ng kweba kung wala silang lakas o enerhiyang natitira sa kanilang sariling katawan.
Nakita ni Wong Ming na sa paglalakbay nila ay talagang nagpahuli ang nasabing dalaga na siyang ikinapagtataka niya.
Dalawa lamang sila ngunit tumaas ang respeto niya sa dalagang ito na hindi nag-atubiling iligtas siya kahit na sabihing isa lamang itong malaking pagsubok.
Kahit nga sa mga oras na ito ay hindi man lang ito naaasiwa o nahihiya na humarap sa kanya.
Mahahalata ni Wong Ming na sanay na ang dalaga sa matitinding mga sitwasyon kagaya niya.
Sigurado siyang maingat ang nasabing binibining ito sa bawat galaw nito at talagang walang inaksayang oras ito upang surpresahin at pigilan ang mga kalaban nila upang sila'y bawasan.
Maya-maya pa ay tumunog ang kanang kamay ng dalaga at kitang-kita kung paano'ng ang sobrang dilim na kapaligiran sa mismong dinaraanan nila kanina ay umilaw.
Nanlaki naman ang mga mata ni Wong Ming at talagang namangha siya nang malaman kung ano iyon.
Trap Array!
Hindi siya nagkakamali na sobrang ingat ng nasabing dalaga.
"Tsk!" Tanging naisambit ng dalaga habang nakatingin sa nakangangang binata. Makikitang tila hindi nito alintana ang nasabing reaksyon ng binata na animo'y hindi alam ang kaniyang ginagawa.
"Isa kang Demon Race hindi ba?!" Biglaang naiusal ni Wong Ming na animo'y nagtataka pa rin sa katauhan ng nasabing dalaga.
"Kung isa akong demon race, tingin mo ay makakaya ko bang gawin ang mga bagay na ito?!" Pakiwari naman ng nasabing dalaga gamit ang makuhulugang pangungusap na ito na ikinakunot-noo naman ng binata.
Alam ni Wong Ming na tinutukoy nito ang Trap Array. Ngunit iba ang sinasabi ng instinct ni Wong Ming.
"Hindi ako nagkakamali sa ginamit mong skill binibini. Patunay na isa iyong Earth Demon Skill!" Malakas na saad ni Wong Ming na animo'y siguradong-sigurado ito.
Nakangisi naman ang nasabing dalaga at kitang-kita kung paanong sa isang iglap ay kitang-kita ni Wong Ming ang napakaraming nagtataliman mga patulis na bato ang nakatutok sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/305094064-288-k417452.jpg)
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)
FantasíaSa pagharap ni Wong Ming sa panibagong yugto ng buhay niya, magagawa niya kaya ng tama ang mabigat na misyong iniatang sa kaniya ni Faction Master Zhiqiang? Ano'ng klaseng misyon ito at bakit si Wong Ming ang piniling gumawa nito? Sa muling paglala...