Naglakbay si Wong Ming sa malawak na lugar na ito.Masasabi niyang napakatahimik ng lugar na siyang kinaroroonan niya sa kasalukuyan.
Agad na tinalasan niya ang kaniyang pandama maging ang pagbalot ng protective essence sa
buong katawan niya.Kakaiba ang lugar na tinatapakan ni Wong Ming lalo pa't maraming mga tuyong dahon dahilan upang ang bawat pagtapak niya ay tumutunog talaga.
Hindi aakalain ni Wong Ming na sa lugar na ito ay walang presensya ng sinuman.
Sinubukan niyang lumutang ng kaunti para hindi siya makalikha ng tunog.
Gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata nito nang bigla niyang nakitang may malakas na pwersa sa paa nito dahilan upang mahila siya pababa sa mismong lupa.
Isang pwersa na may kinalaman sa gravity.
Dito niya napansin na mayroong pabilog na mga linya ang kinaroroonan niya.
Isang Trap type na Formation Array ito.
Hindi aakalain ni Wong Ming na mabibitag siya ng nasabing Array.
Ilang metro mula sa kaniya ay natanaw niya ang isang malaking puno. Dito ay naramdaman niya na ang maraming presensya na sa tingin niya ay ito ang may kagagawan ng formation array.
Isang binatang nakasuot ng itim na roba ang biglang umalpas sa tinitingnan niyang puno. Kasabay nito ay lumitaw rin ang apat na nilalang na nakasuot ng maluwag na balabal habang nakakubli ang mga pagkakakilanlan ng mga ito dahil sa mahabang saklop ng mga ito sa ulo.
"Hindi ko aakalaing isa lamang na hamak na mahinang binata ang nakatagpo natin dito. Magkagayon pa man ay gusto kong ibigay mo sakin ang taling meron ka... Hmmm... May naaamoy akong kakaibang amoy sa katawan mo. Lahat ng tali na meron ka ay ibigay mo sa akin!" Seryosong turan ng nasabing binata habang nakatingin ito kay Wong Ming.
Napakapatpatin nito ngunit ramdam ni Wong Ming na may itinatagong lakas ang nasabing binata na kaharap niya.
Kung hindi siya nagkakamali ay nasa Early Golden Vein Realm ang makakalaban niya habang nasa Peak Golden Blood Realm ang apat na nilalang na kasama nito.
Tiningnan ng mga ito isa-isa ni Wong Ming bago dumako ang tingin nito sa binatang naiiba sa limang nakatagpo niyang kalahok.
Walang pagpipilian si Wong Ming kundi ang lumaban.
"Pasensya na ngunit kailangan kong manalo laban sa inyo kahit na gustuhin ko mang ibigay ang mga taling meron ako!" Saad ni Wong Ming ba animo'y tutol sa gusto ng nasabing kalaban niya.
Indikasyon na hindi papayag si Wong Ming na maging talunan lamang. Ang sumuko ang hindi niya maaaring gawin lalo pa't mayroon siyang mahalagang layunin sa pagpunta niya sa Vermilion City at maging disipulo ng Vermilion Sect.
Thump!
Sa pagpadyak ni Wong Ming ay bilang kumalas ang pwersang nagdudulot ng hirap sa paa nito.
"Kung iyan ang gusto mo binata ay pagbibigyan kita. Masyado mong di sineryoso ang aking suhestiyon kung kaya't kamatayan na lamang ang naghihintay sa'yo!" Pagalit na wika ng binatang kalaban ni Wong Ming.
Tila nagkaroon ng pormasyon ang apat na kasamahan ng kalaban niya.
Ramdam ni Wong Ming na aware ang mga kalaban niya sa cultivation level nito. Kakaiba talaga ang mga ito dahil hindi man lang sila nagpakampante.
Nagmaterialize ang isang metallic long saber sa mismong kanang kamay ng makakalaban ni Wong Ming.
Dito ay alam ni Wong Ming na gusto lamang siyang i-destract ng binata para makabuo ng malakas na array ang apat na kasamahan noto upang paslangin siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/305094064-288-k417452.jpg)
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)
FantasíaSa pagharap ni Wong Ming sa panibagong yugto ng buhay niya, magagawa niya kaya ng tama ang mabigat na misyong iniatang sa kaniya ni Faction Master Zhiqiang? Ano'ng klaseng misyon ito at bakit si Wong Ming ang piniling gumawa nito? Sa muling paglala...