Chapter 1.16

155 19 2
                                    


BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na pag-atake ng kalaban ni Wong Ming gamit ang palakol nito napakatalim at mayroong destructive force bawat wasiwas nito.

Ang tanging nagawa ni Wong Ming ay iwasan ito ng iwasan. Napakaliksi niya at talagang nahihirapang atakehin siya ng kalaban niya sa kasalukuyan.

BANG!

Isang hindi inaasahang atake ang tatama sana kay Wong Ming ngunit sinangga niya ito gamit ang nakuha nitong espada mula sa interspatial ring niya.

Kitang-kita kung paanong nasira ang nasabing espada dahilan upang tumilapon siya paatras.

Masasabi ni Wong Ming na hindi basta-basta ang
battle experience ng kalaban nito. Ang lakas nito sa pakikipaglaban ay masasabing maikukumpara ito sa Peak Golden Blood Realm Expert.

Sa isang iglap ay nakita niyang nasa harap niya mismo ang may matalas na senses.

Nagulat pa siya nang may hawak pa ito na mahabang patalim at itatarak pa nito mismo sa leeg niya. Mabuti na lamang at hindi sobrang bilis ng kamay nito sa pagsaksak sa kaniya kaya nakaiwas siya.

Agad na sinipa ito ni Wong Ming sa mukha dahilan upang mapatilapon ito ng ilang metro.

Agad na nagback-flip si Wong Ming ng tatlong beses at sa pagkakataong ito ay ginamit na nito ang mismong pangunahing sandata nito, ang sword needles na nag-materialized pa ito sa hangin.

Bago pa man maka-bangon ang nasabing kalahok ay kinitilan na ito ng buhay ni Wong Ming.

Kamuntikan na siya kanina at kung hindi niya gagawing paslangin ang kalahok na ito ay siya ang mapapaslang.

Ipinapangamba rin ni Wong Ming ang abilidad ng kalaban niyang ito na ma-detect ang sinuman malapit rito.

Isang patunay na magaling rin itong assassin dahil sa liksi at bilis nitong mapuntahan sa kinaroroonan niya.

Martial art steps ang maaaring masabi niyang ginamit ng kalaban nito sa kaniya.

Kitang-kita ng natirang kalaban ni Wong Ming ang kakayahan ng binata dahil nakatunghay ito sa buong kaganapan bago nito napaslang ang kasama niya mismo.

Sa ilang minuto lamang ay nawalan ng buhay ang kasama niya.

"Hindi ka isang Middle Golden Blood Realm Expert!" Sambit ng kalaban ni Wong Ming at tila gusto pa nitong lumayo sa lugar na ito.

Lumipad ito sa ere ng hindi nag-iisip.

CREAAKKKK!

Kitang-kita kung paano'ng nagpupumiglas ang nasabing kalaban ni Wong Ming sa ere na animo'y nahihirapan at bumagsak ang katawan ng lasog-lasog na.

Gamit ang demon eyes ni Wong Ming ay nasaksihan nito ang buong kaganapan.

Hindi nakatakas sa mata ni Wong Ming ang tila invisible na fog na pinagkukublihan ng isang 6th level flying beasts.

Napag-alaman ni Wong Ming na nasaid ang lahat ng enerhiya sa katawan ng kalaban niya.

Kakaibang halimaw naman ang nadiskubre niya. Kahit ang Golden Blood Realm Expert ay hindi man lang nakapanlaban sa nasabing halimaw na nakakubli sa ere.

Kinuha ni Wong Ming ang mga taling pagmamay-ari ng dalawang kalahok na kalaban niya at tinago ito sa isang interspatial ring niya.

Bago pa siya pagka-interesan ng malakas na halimaw na kumikitil ng buhay ng mga kalahok ay agad na niyang nilisan ang lugar na ito.

...

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Hindi aakalain ni Wong Ming na sa pangalawang pagkakataon ay minamalas naman siya lalo pa't kasalukuyan siyang hinahabol ng tatlong martial arts expert.

Tanging pagtakbo na lamang ang nagawa ni Wong Ming habang unti-unti na siyang nahahabol ng mga ito. Hindi talaga siya tinatantanan.

Kitang-kita na puro malalakas ang mga ito sa pisikalan.

BANG!

Agad na napatalsik si Wong Ming nang gumawa ng martial arts skill ang kalaban nito.

Skill: Ground Burst!

Huli na upang maiwasan ni Wong Ming ito.

Habang nakasalampak ang nasabing binata sa lupa ay kitang-kita naman kung paano magtawanan ang mga ito.

"Ibigay mo samin ang tali na meron ka binata kung ayaw mong Kitlan ka namin ang iyong buhay!" Malakas na wika ng lalaking maskulado na tila ang kilay nito ay magdugtong na.

Nakangising aso naman ang dalawa sabay apir.

Ngumiti naman si Wong Ming na siyang ikinagulat ng tatlong martial art experts. Kapwa mga Late Golden Realm ang lebel ng cultivation ng mga ito.

Kitang-kita kung paanong nagkaroon ng pamumuo ng yelo sa kinaroroonan ni Wong Ming hanggang sa gumapang ito sa kinaroroonan ng tatlong martial art experts.

Nagimbal naman ang tatlo lalo pa't hindi sila tanga upang hindi katakutan ang nakasalampak na nilalang ilang metro lamang ang layo mula sa kanila.

Aalis pa sana sila ngunit kitang-kita na nabalot ng sobrang kapal na yelo ang mga paa nila kung kaya't hindi nila magawang makapalag o gumalaw man lang.

Unti-unting tumayo si Wong Ming kasabay nito ay hinubad ng tatlong martial art experts ang mga taling kahel na meron sila maging ang nakuha nilang tali na may iba't-ibang kulay mula sa ibang cultivators.

Agad na nawala ang mga kalaban nito na animo'y takot na takot.

Sinong hindi matatakot sa cultivator na mayroong sariling domain. Kayang-kaya niyang pulbusin ang tatlong kalahok na ito at kitlan ng buhay.

Dadamputin pa sana ni Wong Ming ang mga taling nakakalat sa tipak ng yelo nang maramdaman niya ang panganib na paparating sa kinaroroonan niya.

WHOOSH!

kitang-kita kung paanong mabilis na napaiwas si Wong Ming sa bumubulusok na palaso.

Tick!

Tumama ang mismong palaso sa isang puno at agad itong umapoy.

"Mukha atang nakalimutan mo akong imbitahin binata hahahaha... Akin ang mga taling iyan kung ayaw mong matulad ka sa punong iyan." Mapagbantang sambit ng kararating lamang na binata. Makikitang handa itong paslangin si Wong Ming kung sakaling hindi ito susunod sa gusto nito.

Kitang-kita ni Wong Ming na mayroon itong kulay dilaw na tali sa braso ng nasabing bagong dating na kalahok.

BANG!

Kitang-kita kung paanong ang nag-aapoy na puno ay bigla na lamang itong sumabog nang mabalutan ito ng sobrang kapal na yelo.

Nagulat naman ang nasabing kadarating lamang na binata at gusto sana nitong umalis ngunit kitang-kita kung paanong sa ilang segundo lamang ay napalibutan ito ng tila buhay na nagtutulisang mga ice spike na nakaambang sasaksak sa katawan nito mismo.

Fire Skill: Fire Circle!

Tila natunaw ang mga Ice Spikes ngunit nang akmang lilipad ito papalayo ay walang pag-aalinlangang umatake si Wong Ming dahil sa kapalaluan ng bagong dating na nilalang.

AHHHHHHHHHH!

Malakas na sigaw ng nasabing nilalang nang bumaon mismo sa kanang paa nito ang napatulis na Ice Spikes mula sa tinatapakan nito.

Kitang-kita kung paanong tumalsik ang sariwang dugo na nagmula mismo sa paa nito.

Kitang-kita ang labis na pag-inda sa sakit na nararamdaman ng binatang kalaban ni Wong Ming.

Agad na hinubad ng binata ang nasabing kulay dilaw na tali sa bandang braso nito.

Agad na naglaho ang mismong katawan ng binata sa lugar na kinaroroonan nito tandang nabigo ito sa nasabing pagsubok.

Sa tingin ni Wong Ming ay nasa Late Golden Blood Realm Expert ito ngunit hindi nito inaasahan na nalinlang niya ito.

Tama nga ang taktikang naiisip niya, ang akala ng mga ito ay mahina siya at magiging easy target ngunit iyon ang kanilang malaking pagkakamali.


IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon