Chapter 2.8

159 16 2
                                    


Kalmado lamang si Wong Ming at ramdam na ramdam niya ang lakas ng elementong taglay ng halimaw na ito.

Agad na nakaramdam ng panganib si Wong Ming nang mapansing tila nawala sa pwesto nito ang nasabing halimaw at tila nararamdaman niya na gumagalaw ito ng mabilis patungo sa direksyon niya.

Asura Demon Eyes!

Naramdaman ni Wong Ming ang tila pagtalas ng paningin niya at tila umuunlad na rin ang kakayahan ng kaniyang pandama epekto rin ito ng kaniyang masusing pag-eensayo nitong nakaraang araw upang paunlarin ang pagiging Demon Practitioner niya.

Kahit hindi magalaw ni Wong Ming ang alinmang parte ng katawan niya ay agad siyang nagpakawala ng isang secret core skill na natutunan niya pa mula sa Golden Crane City.

Skill: Golden Crane Goddess!

BANG! BANG! BANG!

Sa isang iglap lamang ay kusang nagbitak at sumabog ang nasabing yelong nakapalibot kay Wong Ming.

Lumitaw ang pambihirang mala-aninong pigura ng isang babae.

Kahit ang mabagsik na halimaw ay tila naging maamong tupa ito sa harap ni Wong Ming.

Kahit na artipisyal lamang itong magical beast na ito ay makakaramdam ito ng presensyang hindi nito kayang banggain.

Nagpakawala ng isang malakas na awra ang nasabing anino kasabay nito ay nahati ang katawan ng Colossal Ice Tiger.

SLASHHHHHHH!

SPLLLAAAAAAKKKKK!

Nakita na lamang ni Wong Ming na tila nagmaterialized ang isang ginintuang bato mula sa nawasak na katawan ng Colossal Ice Tiger.

Namangha naman si Wong Ming dahil sa kaganapang ito.

Pagkakuha ni Wong Ming ng Golden Rock ay pinili nitong maging isang mahabang Trident ito.

Dali-dali namang nilisan ni Wong Ming ang lugar na ito dahil plano niyang pumunta sa Silangang  direksyon kung saan naroroon ang karamihan sa mga manlalahok upang lumaban o maghanap ng mga kakalabin para lumakas pa lalo.

Sa hilaga, timog at Kanluran mahahanap ang iba't-ibang magical beasts habang sa Silangang bahagi naman ang mistulang magiging lugar  upang paslangin ang manlalahok upang kunin ang kanilang Golden Rock.

Talagang hindi magiging madali ang pagkuha ng mga Golden Rock dahil maaaring mapaslang ka kung mag-iisa ka lamang at pagtutulungan ka ng mga kapwa niya manlalahok.

Pagkalipas ng dalawang oras ay narating na ni Wong Ming ang mismong bahagi ng Silangan kung saan maglalaban sila at ng iba pang mga kalahok.

Agad na tiningnan ng maigi ni  Wong Ming ang kapaligiran ngunit masasabi niyang wala man lang siyang makitang kung anong nilalang.

Ang Silangang direksyon ay siguradong magiging magulo ang labang ito.

Magkagayon pa man ay sigurado siyang makakaharap niya ang mababagsik na mga manlalahok.

Hindi nga siya nagkakamali dahil naririnig ni Wong Ming ang tila paparating na mga yabag ng kung sinong mga nilalang na patungo sa direksyon niya.

Napakahirap din sagapin ang sinuman lalo pa't ang mga tila ginituang mga buhangin ay sobrang kapal at kayang-kaya nitong i-block ang vision ability ng sinuman.

Umaasa naman si Wong Ming sa matalas niyang pandama sa kapaligiran maging sa kakaibang ingay na naririnig niya.

Walang ano-ano pa ay agad na napadapa si Wong Ming nang mapansing may kung ano'ng atakeng patungo sa kaniya sa bandang likuran niya.

SHHHHCKKK!!!!

Kitang-kita kung paano'ng  napansin ni Wong Ming ang duluhang parte ng tila patulis na bagay na tutusok sana sa kaliwang dibdib niya.

Nakaramdam ng inis si Wong Ming sa pambihirang atake na iyon na muntik na niyang ikatamatay at ikatalo.

Maya-maya pa ay lumitaw ang isang babae at isang lalaking kapwa niya kalahok.

Ito ay sina Vine Whip at si Silver Hammer!

Kakaiba at pinalakas ang mga sandata nila na kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay gawa ito sa Golden Rock na siyang nagpapatunay na kayang-kaya nitong i-achieve ang totoong potensyal ng isang sandata.

"Magaling binata, naiwasan mo ang atake kong iyon. Karamihan sa nakalaban ko kanina ay naging pataba lamang sa sandatang hawak-hawak ko."

"Tama na ang paglalaro mo Vine Whip at ako mismo ang papaslang sa nilalang na iyan!" Tila naiinip na wika ni Silver Hammer habang hinihila pa nito ang napakabigat na sandata nitong may mga kakaibang patterns.

Hindi na nagsasalita pa si Wong Ming at nginisihan na lamang ng nakakaloko  ang dalawang nilalang na gusto atang i-ambush siya.

Skill: Silver Hammer Smash!

Sa isang iglap ay nakita ni Wong Ming na ang napakaliit na hammer ng kalaban ay bigla na lamang lumaki at tila mababaon ang sinuman kapag natamaan nito.

Nanlaki ang mga mata ni Wong Ming lalo pa't hindi niya inaasahan na ganito na kalakas ang nilalang na gusto siyang paslangin.

Agad na  inihanda ni Wong Ming ang sarili niya  lalo pa at hindi niya maiiwasan ang labanang ito.

Ito rin ang pangunahing silbi ng kompetisyong ito dahil layunin nilang mangolekta ng Golden Rock.

Gamit ang Trident na meron siya ay agad na nagsagawa siya ng secret core skill na alam niya.

Skill: Golden Crane Goddess!

Ang nasabing atake ng kalaban ni Wong Ming ay masasabing tatama ito sa mismong direksyon niya at sa pagkakataon na ito ay mismong ang mala-aninong pigura ang gumalaw at saluhin ang nasabing atake.

Napangisi na lamang si Silver Hammer nang mapansin na gusto ng kalaban nito na saluhin ang pambihirang skill na ito na sobrang bigat na

Tatlong pinagsamang Golden Rocks gawa ang Silver Hammer na meron siya kung kaya't apat na beses na rin bigat at lakas ng pambihirang martilyo na nasa pangangalaga ni Silver Hammer.

Nakaramdam naman si Wong Ming ng sobrang bigat na pwersang nagtutulak sa kaniya pailalim.

BOOO! BOOO! BOOO!

Tila napapaatras naman si Wong Ming sa bawat pwersang pinapakawalan bg Silver Hammer.

Ngunit hindi nagpatibag si Wong Ming at tuluyan siyang napangisi nang makita kung paano'ng bigla na lamang natigilan ang nasabing kalaban niyang si Silver Hammer.

CRACK! CRACK! CRACK!

Kitang-kita kung paanong unti-unting nagkabitak-bitak ang napakalaking martilyong nakatutok kay Wong Ming habang sa sumabog na lamang ito.

BANG!

Sa huli ay nagkapira-piraso na lamang ito hanggang sa nakita na lamang kung paano'ng nawala ang nasabing katawan ni Silver Hammer sa lugar na ito.

Napangiti na lamang si Wong Ming na isiping hindi siya mahihirapan sa paligsahang ito dahil ang ganitong klaseng taktika ay tunay na epektibo.

Agad na pumasok sa loob ng hawak na trident ni Wong Ming ang pira-pirasong parte ng dambuhalang martilyo.

Agad na napatingin si Wong Ming sa gawi ni Vine Whip at kitang-kita kung paanong nagpupuyos ito sa labis na galit sa kaniyang ginawa.

Nagliwanag ang mga mata nito tanda na nagsagawa ito ng pambihirang martial arts skill.

Skill: Dragon Vine Domain!

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong tumubo sa lugar na ito ang kakaibang uri ng halaman na mga baging.

Tila labis na nagulat si Wong Ming na mayroong isang  malaking bagay na nasa ere na patungo sa kaniya.

Dito niya nakita ang napakapangit at nakakatakot na itsura ng isang hugis-bulaklak na halimaw na tila gusto siyang kainin ng buo.

IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon