Chapter 2.7

193 17 2
                                    


Kasalukuyang nasa isang malawak na field si Wong Ming kasama ang ilan pang mga manlalahok kasama na rito si Earth Dawn.

Naririto silang mga manlalahok dahil sasabak na naman sila sa isang pagsubok na mismong inihanda pa mismo ng Vermilion Sect.

"Magandang araw sa inyong lahat. Naririto kayong lahat upang sumabak muli sa ikatlong pagsubok. Alam naman ng lahat na ang naunang pagsubok ay mahirap ngunit makakayanan kaya ninyong lahat ang susunod na pagsubok? Kung papalarin kayo ay ito na ang huling pagsubok kung sakaling ang huling isang libo na lamang ang matitira sa inyo. Ngunit makakaligtas kaya kayo?"

Tila naging seryoso naman ang lahat ng mga manlalahok habang nagsasalita ang nasabing host ng kasalukuyang gagawing pagsubok na ito.

Marami pang isinalaysay ang nasabing host lalo na at patungkol sa mechanics ng nasabing ikatlong pagsubok.

Golden Rock Collection!

Ito ang nasabing paligsahan na magiging tema ng nasabing kompetisyon.

Lahat ng mga kalahok ay masu-supress ang kanilang cultivation sa Xiantian Realm kapag nakapasok na sila sa lugar kung saan ay pababain ang kanilang cultivation ng kusa gamit ang Supression Bracelet.

Nakinig ng maigi si Wong Ming maging ang iba pang mga manlalahok kasama na rito si Earth Dawn na katabi niya lamang.

...

Isa-isang pumasok ang mga kalahok sa isang portal at nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang kakaibang lugar.

Para kay Wong Ming ay isang artipisyal na lugar lamang ito lalo pa't ang kakaibang lugar na ito ay pawang hindi makatotohanan dahil na rin sa wala man lang natural na enerhiya (qi) sa kapaligiran.

Hindi mapigilan ni Wong Ming na mamangha dahil kung hindi siya nagkakamali ay nag-eexist ang lugar na ito ayon na rin sa kaniyang nabasa sa sinaunang libro na nasa kaniyang pangangalaga.

God's Golden Sanctuary!

Lahat ng bagay ay gawa sa ginto rito at kahit ang hangin ay nahahaluan ng alikabok na gawa sa ginto.

Nabasa niya  na konti lamang ang maaaring makatapak at gumalugad sa lugar na ito dahil nakakamatay ang golden dust lalo na kapag nalanghap ito ng sinuman.

Tanging ang magigiting na mga nilalang na kayang ihinto ang paghinga nila ng mahigit isang araw o higit pa ang maaaring pumunta rito. Isang forbidden land kung  tutuusin dahil ang God's Golden Sanctuary ay isa lamang sa lugar na sakop ng God's Plane sa mundong ito.

Halos mangilabot si Wong Ming sa kaniyang natuklasan. Hindi lahat ng mga nilalang lalo na ang mga kapwa-manlalahok niya ay alam ang patungkol sa lugar na ito.

Masasabi ni Wong Ming na ang mga bagay na ito ay talagang nakakamangha at patunay lamang ito na malakas na nilalang ang nasa likod ng Vermilion Sect.

Gaano na kaya ito kalakas para magawa nitong i-project at gawin ang kopya ng nasabing God's Golden Sanctuary?

Agad na iwinaksi na lamang niya ang ganitong klaseng ideya. Masyado pang maaga upang isipin ang mga bagay na ito na siyang bumabagabag sa isipan niya.

Ang mas lalong dapat niyang pagtuunan niya ng pansin ay ang kasalukuyang kompetisyong ito.

Na-supressed nga ang cultivation level niya at kasalukuyang nasa Xiantian Realm lamang ito.

Mabilis na naglakbay si Wong Ming sa hilagang direksyon. Ang Golden Rock na makokolekta niya ay manggaling mismo iyon sa Magical Beast na mapapatay niya o nila.

Kayang-kaya ng Golden Rock na iyon na maging isang sandata na kahit anuman na gustuhin ng isang manlalahok.

Buti na lamang at hindi ka mapapaslang ng tuluyan kapag nasawi ka sa lugar na ito.

Kapag nakakuha ka na ng sarili mong Golden Rock ay hindi na ito mapapalitan. Kaibahan lamang dahil nakadepende ito sa elemento ng napaslang mong Magical Beast.

Gusto niyang makuha ang elemento ng yelo dahil iyon ang nababagay sa kaniya.

Hindi magdadalawang-isip si Wong Ming na gamitin ang pangunahing elemento na meron siya upang manalo sa nasabing kompetisyon na ito.

Inaasahan na ni Wong Ming na maaaring hindi lamang isang kalahok ang makakalaban niya kundi maging ang grupo-grupong mga kalahok upang tugisin ang mga nasa ranking katulad niya at ni Earth Dawn.

Nasa eighty's ata sila na ranking at ang pagiging maswerte nila ang gagamitin ng ibang mga players upang i-secure ang kanilang rankings.

Ang lahat ng mga manlalahok na nasa top 100 rankings ay siguradong pupunteryahin ng lahat dahil sigurado na ang kanilang pagkapanalo at pagpasok sa Vermilion Sect.

Mabilis ang pagtakbo ni Wong Ming sa kakaibang lugar na kinaroroonan niya. Buti na lamang at hindi tunay ang lugar na ito at pakiramdam niya ay nakakasulasok kung pumasok ang golden dust sa loob ng katawan niya.

Agad na natanaw ni Wong Ming ang isang Colossal Ice Tiger habang mayroon pa itong pakpak.

Isang Hybrid type na magical beast ito at maswerte si Wong Ming dahil nasa Level 4 lamang ito.

Hindi makapaniwala si Wong Ming sa kaniyang nasaksihan.

Kahit ang mga magical beasts dito ay na-supress din na kung tutuusin ay nasa level 8-10 dapat ang mga ito.

Tila nasiyahan naman si Wong Ming sa pambihirang pagkakataon na ito.

GROOWWWLLLL!!!!

Isang malakas na atungal ang pinakawalan ng nasabing halimaw kasabay nito ay umatake ito sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Na-supress man ang lebel nito ngunit hindi ang malakas na pandama at paningin ng halimaw na Colossal Ice Tiger.

Kasabay nito ay ang paglitaw ng mababagsik na mga Ice Shards patungo sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Muntik pang matamaan si Wong Ming kung hindi lamang niya nagawang lumipad sa ere sa mabilis na paraan.

Agad na dinurog ni Wong Ming ang tila yelong kumapit sa balikat niya na siyang kamuntikan ng puminsala sa kaniya.

Nasa Level 10 kung maituturing ang Colossal Ice Tiger na ito kung tutuusin at ito ang pinakamalakas na lebel maituturing sa nasabing kompetisyon na ito sa nasabing lugar.

Maraming iba pang malalakas na level 10 na magical beasts ang nakakalat sa lugar na ito.

Hindi makapaniwala si Wong Ming ngunit posible lamang ito dahil sa artipisyal na pamamaraan. Ilusyon lamang kumbaga at pawang hindi makatotohanan ngunit binigyan ng buhay para lamang sa kompetisyong ito.

Agad na sinugod ni Wong Ming ang halimaw gamit ang kaniyang sariling kamao.

Skill: Asura Punch!

Ang mga Asura Skills lamang ni Wong Ming ang tanging magiging epektibo lalo pa't hindi nasu-supress ng nasabing bracelet ang pisikal na lakas ng mga manlalahok.

Kasalukuyang nasa middle stage  ng Golden Bone Realm siya at ang lakas nito ay talagang napakalakas.

Ngunit ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Wong Ming nang biglang nagliwanag ang buong katawan ng Colossal Ice Tiger lalo na ang mismong pakpak nito.

Skill: Ice Tiger Domain!

Sa isang segundo lamang ay kitang-kita kung paanong nabalutan ng yelo ang buong lugar na ito kasama na rito si Wong Ming.

Tila naging padalos-dalos si Wong Ming sa ginawa nitong aksyon laban sa Colossal Ice Tiger dahil nalaman nitong papaslangin niya ng tuluyan ang halimaw sa isang suntok lamang.

Na-supress man ang lebel ng Colossal Ice Tiger ngunit hindi ang abilidad nitong maka-detect ng mapaminsalang atake.

IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon