Hindi namamalayan nila ni Wong Ming maging ng iba ang oras at isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong kapaligiran hudyat upang magsimula ang inaasahan nila. Isang Tower Battle ang magaganap.
BANG! BANG! BANG!
Nag-umpisang magbatuhan ang dalawang magkabilaang mga tower ng malalakas na mga atake sa pamamagitan ng natural at manual na pamamaraan katulad ng paghagis ng mga mabibigat at malalaking mga bagay.
Habang nangyayari iyon ay nag-umpisa na ring bumuo ng malawakang array formation ang magkabilang panig lalo na ang pandepensa.
Ang halos lahat ng mga kasapi ng magkabilaang grupo ay unti-unti na ring sumusugod patungo sa gitna.
Pinili ni Wong Ming na sumunod sa direksyon kung saan naroroon si Earth Dawn. Hindi maaaring siya lamang mag-isa lalo pa't sa mga oras na ito ay talagang hindi tower ang totoong magkalaban dahil lahat ay maaari mo ring maging kalaban.
WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!
Apat na pamilyar na mga nilalang ang biglang nakapalibot sa kanila.
Nagtaka sila ni Wong Ming at Earth Dawn na kapwa rin nagulat sa pangyayaring ito.
Ang isa sa mga ito ay halatang sumisinghot-singhot pa sa hangin na animo'y mayroon itong naaamoy sa direksyon nila.
"Itong dalawang nilalang na ito ang pumaslang sa isang kasamahan natin!" walang kagatol-gatol na sambit ng nilalang na iyon.
Tumungo naman ang tila sinasabing pinuno ng grupong ito. Mataman namang tumingin ito kay Wong Ming sa mata.
Agad na napansin ni Wong Ming na tila may kung anong enerhiya ang humihigop sa kaniyang kamalayan.
Bago pa man siya madala sa kung anong pambihirang lugar gamit ang isipan niya ay agad na nagbago ang mga mata nito at ginamit niya ito upang atakehin din ang kalaban niya.
Agad na isinuot ng nasabing nilalang ang isang Jade Mask dahilan upang maputol ang sinasabing atake ni Wong Ming gamit lamang ang sariling isipan nito.
Agad na nagsagawa ng skill ang nasabing nilalang at kitang-kita kung paano'ng lumitaw ang isang napakalaking espada sa kawalan na siyang mabilis na hinawakan.
Skill: Sword Light Slash!
Kitang-kita kung paanong tatlong magkakasunod na pagtama ng napakalakas na atake patungo sa kanilang direksyon.
Buti na lamang at naging alerto si Earth Dawn lalo pa at nagawa nitong kontrolin ang lupa upang paangatin ito upang magsilbing harang ito mula sa nasabing atake.
Ngunit hindi dito natatapos ang lahat. Mula sa direksyon na tatakbuhan nila ay kitang nina Earth Dawn at Wong Ming ang isang miyembro ng nasabing grupong itong hindi sila tinatantanan.
Talagang pinlano ng mga ito na burahin sila habang abala ang lahat sa nasabing laban.
Naalala naman ni Wong Ming ang mga pambihirang skills na nakuha niya noon sa nasabing soul remnant. Gamit ang memoryang nakuha niya ay siguradong may magagawa sila upang paslangin na ng tuluyan ang mga kalaban nila.
Gamit ang kakaibang metal na may tali ay agad niya itong isinuot at mabilis na nag-cast ng skill.
Water Skill: Ocean Domain!
Halos mapatigil ang lahat ng nakaramdam sila ng malakas na pag-uga ng lupa at kakaibang ingay mula sa malayo.
Maya-maya pa ay kitang-kita ang tila anino ng isang napakataas na alon na patungo sa kanilang direksyon.
Tsunami!
Tila nahintatakutan ang lahat lalo na at hindi ito pangkaraniwan. Kakaiba ang bagsik ng tubig na tila mula pa mismo sa malapit na karagatan.
"Sumunod ka sakin!" Sambit ng dalaga habang makikitang agad na tumango si Wong Ming at sumunod sa direksyon kung saan patungo ang nasabing dalaga.
Nakatayo lamang si Wong Ming sa gilid ng dalaga malapit sa nasabing tower nila.
Dito ay nakaramdam si Wong Ming ng tila pagkabawas ng lakas niya sa katawan.
"Napakapasaway mo naman! Hindi mo ba alam na isang napakalakas na water skill ang isinagawa mo at maaari din tayong madamay sa ginawa mo!" Seryoso ngunit may inis na saad ng dalagang si Earth Dawn.
Natahimik na lamang si Wong Ming at nakita naman ng nasabing binibini kung paano manghina sa gilid niya si Wong Ming.
Hindi lingid sa kaalaman niya ang pambihirang skill na tinatawag na Ocean Domain. Isa iyon sa napakalakas na skill kung maituturing. Isang Water God Skill iyon na maituturing na Ancient Skill. Hindi lahat ay kayang gawin iyon, tanging ang mayroong malakas na Water Demon Bloodline lamang o Ice Demon Bloodline ang maaaring gumawa nito.
Batid niyang hindi rin iyon magagawa ng isang binatang kasama niya. Sadyang sinwerte lamang ito dahil kung di siya nagkakamali ay tila mayroong malakas na bagyo sa gitnang bahagi ng karagatan malapit sa kanila. Kitang-kita niya mula sa malayo ang pagguhit ng naghahabaang linya dulot ng mga kidlat.
Mabilis na umilaw ang metal na suot ni Earth Dawn habang ang ibang mga martial art experts ay kaniya-kaniya na ng pagprotekta sa sarili niya habang ang iba ay nanlalaki ang mga mata habang duguan o sugatan sa lupang kinaroroonan nila.
Ilang metro mula sa kinaroroonan ni Wong Ming ay nakita niya ang dalagang si Earth Dawn na nagbago ang kulay ng buhok nito na animo'y unti-unting naging kulay asul habang umiilaw din ng napakalakas ang metal na nakasuot sa dibdib nito.
Isang malaking parang bula ang bigla na lamang bumalot sa kanilang kinaroroonan maging sa tower na pilit na pinoprotektahan nila.
SWOOSSHHHH! SWOOSSHHHH! SWOOSSHHHH!
Rinig na rinig ni Wong Ming ang napakarahas na pagbagsak ng napakalaking alon patungo sa kanila na kitang-kita ang lahat ng mga nilalang na nadamay at napinsala mismo ng tubig-dagat.
Imposibleng mabuhay pa ang mga iyon at mula sa transparent na water protective barrier ay marami ang nasawi maging ang tubig-dagat ay hindi pa rin kumakalma at tila naging parte ng karagatan ang lugar na ito.
Pagkalipas ng limang minuto ay tuluyan ng humupa ang malaking alon at tila bumalik na lamang ito sa dati ngunit bakas pa rin ang naging resulta ng tsunami.
Kitang-kita kung paanong ang tower ng kalaban ay nawasak ng tuluyan at nagkalat-kalat pa ang mga parte ng nasabing tower.
Habang ang tower na nasa pangangalaga at ginawa mismo ng grupo nila Wong Ming at Earth Dawn ay buo pa rin ngunit mayroon ding natamong kaunting sira.
Isa-isang nawala ang mga nilalang na naririto sa lugar na ito at dinala palabas ng mismong lokasyon na ito.
Hindi aakalain ni Wong Ming na mananalo sila sa pagsubok na ito sa napakadaling paraan.
Madali nga ba? Pero alam niyang pinagdududahan na siya ni Earth Dawn.
Magkagayon man ay alam niya na ngayon na may maganda ding naidulot ang ginawa niya. Alam niyang si Earth Dawn ang may napakalaking bagay na nagawa sa kanila.
Isang napakatibay na Water Protective Barrier ang nagawa ni Earth Dawn at masasabi niyang matutuklasan din ito ng lahat. Sigurado si Wong Ming na malaki ang puntos na makukuha ng dalaga sa pagsubok na ito kumpara sa iba.
![](https://img.wattpad.com/cover/305094064-288-k417452.jpg)
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)
FantasySa pagharap ni Wong Ming sa panibagong yugto ng buhay niya, magagawa niya kaya ng tama ang mabigat na misyong iniatang sa kaniya ni Faction Master Zhiqiang? Ano'ng klaseng misyon ito at bakit si Wong Ming ang piniling gumawa nito? Sa muling paglala...