Chapter 2.5

132 13 2
                                    

Hindi nga nagkamali si Wong Ming sa inaakala niya lalo pa't malaki ang puntos na nakuha ng dalaga ngunit kalahati lamang ito sa nakuha niyang puntos.

Gulat na gulat si Wong Ming sa naging resulta ng pagsubok na ito.

Iniisip ng lahat ng mga kalahok ay dahil siguro sa dami ng mga nakuha nitong Red Tears Ore kumpara sa dalagang si Earth Dawn.

Kung tutuusin ay iyon siguro ang naging basehan.

Pinatunayan din ng mga namamahala sa Vermilion Sect na iyon lamang ang naging basehan nila lalo pa't wala ding masyadong natira sa kalaban at halos lahat ay napagod sa pakikipaglaban sa kalikasan.

Ipinaliwanag din na itinigil at pinalabas sila sa lugar na iyon ng sapilitan para sa kaligtasan ng lahat.

Hindi nila aakalaing aapaw ang tubig sa isla dahil sa sobrang sama ng panahon sa kalagitnaan mismo ng karagatan.

Maraming narinig si Wong Ming maging si Earth Dawn ng mga reklamo galing sa kapwa nila manlalahok maging sa naging kagrupo nila.

Hindi sila makapaniwala sa naging resulta ng laban lalo na sa pagbibigay ng puntos.

Halos lahat ay gusto na lamang ibalik ang oras at sila ang nanguha ng mga Red Tears Ore dahil panigurado ay sila ang may pinakamaraming puntos na nakuha sana.

Ang iba ay kitang-kita na hinahamak sila Wong Ming at Earth Dawn dahil sa pagiging maswerte nila.

Habang ang majority ng mga manlalahok ay pawang walang pakialam. Masyado lang sigurong maswerte ang mga ito at nagkataon lamang ito. Luck is a part of the game.

Edi sana nag-volunteer din sila diba?! Mas inuna nila ang sarili nilang ego at ang layunin ng pagsubok na maglaban kung kaya't nakalimutan nila ang depensahan ang nasabing tower nila sa mismong malaking alon na tatama sa kanilang direksyon.

Hindi maipagkakailang halos three-fourth ng mga manlalahok ang na-disqualified na sa nasabing pagsubok.

Karamihan sa mga nakaligtas ay mayroong pambihirang mga panangga habang ang iba ay nalunod at nasawi rin sa nasabing labanan maging sa pag-apaw ng karagatan.

Si Earth Dawn ay nag-usap na rin sila ni Wong Ming at batid nitong may parte din ang nasabing binata upang magpadala ng malaking alon sa kanila. Hindi man direkta ngunit naghatid ito ng malaking pinsala para sa kanila.

Halos masaid din ang lakas ni Earth Dawn sa pagamit nito ng kaniyang demon power. Limitado rin lamang ang sariling kakayahan niya at umaasa din siya sa pambihirang metal na nasa leeg niya banda.

Pinayuhan nito ang binata na gamitin lamang ang pambihirang skill kapag nasa dagat talaga at yung hindi sila madadamay.

...

Tatlong araw ang binigay na pahinga para sa kanilang mga nakapasa na mga manlalahok lalo pa't hindi maaaring gumawa ng hakbang na ikakapahamak muli ang nasabing pamunuan ng Vermilion Sect lalo pa't malawak na aksidente ang nagdulot nito sa mga nilalang na lumahok.

Inaayos pa ng Vermilion Sect ang nasabing paligsahan lalo na at kakaunti na lamang ang nasabing bilang ng natirang manlalahok.

Malaya namang namasyal ang nasabing binata na si Wong Ming habang kasa-kasama nito si Earth Dawn.

Paalala ni Earth Dawn ay mas maiging mamasyal kaysa naman tumambay sila at mag-cultivate.

Mainit pa rin sa mata ng mga kapwa-manlalahok ang katulad nilang dalawa na nakapasok sa rankings sa isinagawang recruitment ng Vermilion Sect.

Batid ng dalaga ang panganib sa oras na sila-sila na lamang ang nasa paligid.

Mahigpit mang ipinaalaala ng pamunuan ng Vermilion Sect ang pagkakaibigan o sportmanship ngunit malabo pa rin iyon.

Nitong umaga lamang ay may napaslang na tatlong mga nakapasok na mga manlalahok at walang awa ang pagkakapaslang sa mga ito.

Hindi na tumuloy si Wong Ming sa tinutuluyan nitong inn at pinili na sumama sa Inn na tinutuluyan ng nasabing dalaga. Kahit papaano ay panatag sila at malaki ang tsansang makapanlaban sila kung sakaling atakehin sila.

Namili sila ng mga bagay-bagay na kakailanganin nila. Tuturuan kasi ng dalaga ang binatang si Wong Ming ng mga basic routine upang mapagana ang metal at mapalabas lalo ang natatagong lakas ng binata sa katawan nito.

Hindi maipagkakailang ang nasabing bagay na iyon ay napakaimportante lalo pa't isa siyang tao at alam na rin ito ng dalaga. Una pa lamang ay batid ng dalaga ang espesyal sa katawan ng binata ay may tinatago ito.

Katulad niya ay may lihim din siyang hindi maaaring malaman ng lahat. Maaasahan niya din ang nasabing binata lalo na sa oras na kagipitan kung kaya't tinutulungan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.

Naging matiwasay amg nasabing araw na ito lalo pa't pagsapit ng gabi ay tinulungan niya ang nasabing binata upang buksan ang pambihirang meridian sa katawan nito.

Kakaiba kasi ang pamamaraan ng mga Elemental Demon dahil mayroon pamamaraan upang makamit ng tao ang lakas ng isang Demon Race.

Maaaring mag-cultivate ang nasabing binata ng sarili nitong demon core sa loob ng katawan nito.

Ang pagkakaroon nito ng abilidad na makagamit ng nasabing lakas ng isang demon race ay hindi sapat na puro skill lamang o anumang technique.

Espesyal ang pamamaraan na itinuro ng kanunu-nunuan ni Earth Dawn sa kanilang tribo. Isang pamamaraan upang sila ay maging Dual Cultivator.

Kasalukuyan na nasa loob sila ng training room sa gabing ito.

Mabilis na pinulsuhan ni Earth Dawn si Wong Ming na siyang ikinapagtataka naman ng nasabing binata.

Bago pa man magsalita si Wong Ming at mawala sa pokus si Earth Dawn ay pinatahimik niya ang binata.

"SHHH! Wag kang maingay binata, hinahanap ko ang demon vein mo. " Saad ng dalaga na buo ang atensyon sa ginagawa nitong eksaminasyon.

Nang makita ito ng dalaga ay agad itong nagsalita.

"Dalhin mo ang consciousness ko binata sa loob ng Dantian mo. Mukhang nagpapabaya ka sa iyong cultivation." Seryosong saad ni Eatth Dawn na siyang ikinanlumo naman ng binata.

May alam na si Wong Ming sa tinutukoy na ito ni Earth Dawn.

Sa totoo lang ay nagpabaya talaga siya lalo na sa pagcucultivate ng demon power na meron siya.

Agad itong sinunod ni Wong Ming at ilang segundo lamang ay nakita na lamang ni Wong Ming maging ni Earth Dawn ang mga sarili nila nasa isang malawak na lugar.

Agad na nanlaki ang mga mata ni Earth Dawn sa nakikita nito lalo na at isang pambihirang bagay ito kung tutuusin.

Isang Soul Embryo!

"Hindi ko aakalaing ang isang katulad mo binata ay magtataglay ng isang Soul Embryo na katulad nito. Saan mo ito nakuha? Imposibleng magkaroon ka nito sa panandaliang oras lamang." Ang nagtatakang tanong ng dalaga na animo'y biglang sumeryoso ang pagmumukha nito.

"Sa totoo lang binibini ay hindi talaga galing sa akin yan. May natalo akong isang mahusay na cultivator at aksidente kong nakuha ang bagay na iyan. Dahil sa bagay na iyan ay tila bumagal ang cultivation ko maging ang nasabing orihinal na lakas ko lalo na ang demonic essence na meron ako ay kinakain rin nito." Pahayag naman ng binatang si Wong Ming na tila namomroblema.

IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon