Dito napansin ni Wong Ming na ang dambuhalang palakol na nasa ere ay nandoon pa rin at hindi man lang nawala dahil sa Water World domain niya.Agad na nagliwanag ang kamay ng dalawang kalahok na kumokontrol ng palakol at pinatama ito kay Wong Ming.
WOOHHH!
Nakita kung paanong mabilis na bumulusok ang nasabing malaking talim ng palakol patungo sa kinaroroonan ni Wong Ming.
BAAANNNNGGGG!
Bigla na lamang nagmaterialized ang kabuuang anyo ng anino kanina at sa pagkakataong ito ay sumabog ang mismong talim ng palakol dahilan upang tumalsik ang dalawang kalahok na kumakalaban kay Wong Ming na kumokontrol sa nasabing sandata.
Ngunit hindi ito dahilan upang matinag ang nasabing lima pang kasamahan ng mga ito.
Kita ni Wong Ming na tila nagtipon ang mga ito sa isang direksyon at tila nagpormang tatsulok habang nasa ibabaw sila ng tubig kapantay lamang kay Wong Ming.
Nakakapit ang mga ito sa balikat upang i-channel ang mismong enerhiya ng mga ito sa lalaking nasa unahan ng mga ito.
"Hinding-hindi kami makakapayag na matalo lamang kami ng isang hamak lamang na katulad mo binata! Humanda ka sa aming pinagsamang atake!"
Mula sa kawalan ay lumitaw ang isang dambuhalang kaanyuan ng isang swordman na nakasuot ng full-armor habang nakahawak ito sa malaking espada.
Hindi naman nagpakita ng anumang pangamba si Wong Ming at seryoso lamang itong napatingin sa limang natitirang grupo ng mga kalahok na ito.
Sa Domain skill niyang ito ay nasisiguro niyang malaki ang magiging advantage nito sa kaniya.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Wong Ming at agad na nagsagawa ito ng isang pambihirang water skill.
Skill: Water Tornado!
Isang malaking ipo-ipo na gawa sa tubig ang patungo sa kinaroroonan ng limang natitirang kalaban niya.
Ngunit nabigla si Wong Ming nang mapansing nagsagawa ng isang sword skill ang nasabing kalaban niya gamit ang mismong malaking anyo ng swordman.
TAH! TAH! TAH!
Ilang pagwasiwas lamang ang ginawa ng nasabing malaking sword man dahilan upang mahati at mapinsala ang bawat bahagi ng ipo-ipo.
Sa huli ay naglaho na lamang ng parang bula ang atakeng pinakawalan ni Wong Ming.
"Isang malaking pagkakamali na nilagay mo kami sa loob ng sarili mong domain skill binata. Hindi uubra ang ganitong taktika mo!" Mapang-uyam na wika ng isa sa mga kalaban ni Wong Ming habang nakapaskil ang nakakalokong ngisi nito.
"Sumuko ka na lamang binata dahil ayaw naming inaaksaya ang oras namin!" Iritableng sambit naman ng isa pang kalaban ni Wong Ming na isang babae at nakapameywang itong nakatingin kay Wong Ming.
Huli na nang mapansin ni Wong Ming na mayroong kalaban na nasa likuran niya.
Huli na upang isangga ni Wong Ming ang sariling braso nito dahil agad siyang sinipa ng malakas ng isa sa dalawang kalahok na tumatayong lider ng grupong ito.
*ACCCCCKKKKKK!
*Crack! Crack! Crack!
Tila naramdaman ni Wong Ming kung paanong bigla na lamang nangabali ang ilan sa mga buto niya sa bandang siko at sa kaliwang tuhod nito nang ibalanse ang sarili sa isang nakaalpas na bato na babagsakan niya.
Kamuntikan ng mabagok ang ulo niya kung hindi niya pwersahang ilihis ang tatamang ulo niya sa nasabing batuhan.
"Hindi mo kami kakayanin binata. Hindi ka talaga makukuha sa madaling paraan, pwes magiging pwersahan ang gagawin naming pag-atake sayo upang mapaslang ka namin sa sarili mong domain skill hmmp!" Sambit naman ng isa sa dalawang kalahok na umatake sa kaniya.
Bahagya itong dumistansya lalo pa't nag-iingat din siya sa posibleng atake ng binatang ito.
Nakaramdam siya ng excitement lalo pa't hindi pa sumusuko ang nasabing binata kahit na dehado na ito.
Ngayon ay tila kahinaan nito ang nasabing close combat at mabuti na lamang at malakas ang nasabing totoong lider talaga ng grupong ito pagdating sa pisikalan.
Tiningnan naman ng masama ni Wong Ming ang kalaban niya at tila nainis siya rito.
"Mukhang nakakalimutan mo atang kahit anong banta mo o ninyo ay hindi ako matatalo sa sarili kong domain skill. Isa pa ay mukhang tatlo lamang ang may kakayahang gawin na atakehin ako ng malapitan at hindi ka kasama roon!" Ang tila inis na naramdaman ni Wong Ming ay mas naramdaman sa mga sinasabi nito. Hindi niya mapigilang insultuhin din ang nasabing kalaban niya lalo pa't ang lakas ng loob nitong kalabanin siya.
Tila napaatras pa ito ng bahagya dahil sa nasabing gulat habang nakalutang sa ere.
Sa isang iglap ay bigla na lamang nagkaroon ng afterimages si Wong Ming at hindi namamalayan ng kalaban nitong kakasalita lamang na nasa harapan na nito si Little Devil.
Tila nawawalan ito ng hininga ng kitang-kita kung paano'ng mahigpit na sinakal ito sa leeg ni Wong Ming.
Sa bilis ng pangyayari ay hindi nakapaghanda ang nasabing kalaban nito.
Hindi lamang ito dahil walang pag-alinlangan na binali ni Wong Ming ang leeg nito gamit ang mismong lakas ng mga kamay nito.
Namilog ang mata ng kalaban nito at binitawan ito ni Wong Ming na wala ng buhay.
Agad siyang sinugod ng nasabing tunay na lider ng grupong ito at sinubukan nitong pinsalain ng pisikal si Wong Ming.
PAH! PAH! PAH!
Malalakas na pwersa ng pagsuntok ang pinakawalan ng nasabing lider ng grupo maging ang lima pa nitong kasamahan ay tila tinutulungan na puntiryahin din si Wong Ming ngunit tanging afterimages lamang ang natitira sa mga ito.
Napahinto na lamang sa pag-atake ang nasabing mga kalaban nito sa kaniya lalo na at nakalayo na siya sa mga ito ng ilang daang metro.
"Mukhang sayang ang atake niyo lalo pa't hindi niyo ko mahabol. Ngayon ay ako naman ang aatake!" Seryosong wika ni Wong Ming habang mabilis itong nagsagawa ng kaniyang water demon skill.
Skill: Sky Surge Water!
Mula sa nasabing ere ay tila bumukas ito at kitang-kita kung paanong bigla na lamang ito nagpabagsak ng tila mala-karagatang tubig.
Masasabi na sa ilang segundo lamang na nakalilipas ay tila bumaha ng tubig mula sa kalangitan patungo sa kalupaan.
Naramdaman naman ng bawat isa sa kinakalabang grupo ni Wong Ming ang tila kakaibang bigat ng katubigan. Halos sampong beses ang bigat ng katubigan ito na ito kumpara sa normal na tubig.
Naging pagkakataon naman ito ni Wong Ming upang magsagawa muli ng isang malakas na martial arts skill.
Skill: Golden Crane Bird!
Sa isang iglap ay nasa kamay na muli ni Wong Ming ang nasabing trident at pinakawalan ito patungo sa apat na magkakatabing mga nilalang na masasabing kalaban niy.
Sa pagbulusok nito patungo sa limang kalaban niya ay kitang-kita ang kakaibang enerhiya na bumabalot rito at kitang-kita ang paglitaw ng isang pigura ng ginintuang ibon.
Tila sa uri ng skill na ito ay tila nagawa pa nilang tumigil sa kinaroroonan nila.
WHHHOOOOSSSSHHHHHHH!!!!!!!
Napakabilis ng pangyayari kung saan ay nakita na lamang ni Wong Ming ang malalakas na pagsabog sa kinaroroonan mg apat na kalahok.
BANG! BANG! BANG!
Nakita na lamang ni Wong Ming na naging light particles na lamang ang sandatang pagmamay-ari ng kalaban niya habang wala na ang presensya ng limang mga nilalang.
Nakangising demonyo na lamang si Wong Ming nang tumingin siya sa nasabing lider na natitirang kalaban na lamang nito mula sa orihinal na pitong nilalang na bumubuo sa grupong ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/305094064-288-k417452.jpg)
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)
FantasiSa pagharap ni Wong Ming sa panibagong yugto ng buhay niya, magagawa niya kaya ng tama ang mabigat na misyong iniatang sa kaniya ni Faction Master Zhiqiang? Ano'ng klaseng misyon ito at bakit si Wong Ming ang piniling gumawa nito? Sa muling paglala...