Kalahating oras mula ng naglakbay si Wong Ming sa malawak na disyerto nang mapansin nito ang kakaibang lugar na siyang napadpadan niya.Isang malawak na oasis at tila sa paghakbang niya patungo roon ay nakita niya ang isang palasong pabulusok sa kaniyang direksyon.
Agad na sinalag ito ni Wong Ming sa pamamagitan ng kaniyang trident.
Mula sa hindi kalayuan ay nakita nito ang dalawang nilalang na nakatayo habang pinapagitnaan nito ang isang babaeng mayroong takip ang buong pagmumukha nito ng kakaibang tela na mayroong mga disenyo.
Isa ito sa nasabing nilalang na tila nasa ranking kstulad niya.
Napakalakas ng tatlong ito at bawat ang dalawang alalay na ito ay nasa Golden Bone Realm habang ang babaeng tila pinoprotektahan ng dalawang kalahok ay nasa Golden Warrior Realm.
Imbes na matakot si Wong Ming ay tila nagalak siya lalo pa't magiging patas ang laban lalo pa't na-supress ang cultivation level nila sa Xiantian Realm boundaries.
"Wag mo ng pahirapan ang sarili mo binata at isuko mo na lamang ang iyong Golden Rocks na nasa trident mo!" Seryosong saad ng isa sa kasamahan ng babae. Mukhang pautos pa ito at kitang-kita sa mukha nito na wala itong pakialam sa existence niya.
Napaismid naman si Wong Ming at tila umasim ang ekspresyon ng pagmumukha niya. Sa kalagitnaan ng disyertong ito ay maliwanag pa sa sikat ng mga araw ang ginagawang pangingikil ng tatlong nilalang na ito.
Sa tingin ni Wong Ming ay gusto lamang ng mga ito na magiging madali ang ginagawa nilang pang-aabuso sa bilang ng mga ito.
Sa tingin ba ng mga ito ay magpapauto siya? Mahalagang manalo siya kung ayaw niyang mabigo ng tuluyan.
"Akala niyo ba ay mauuto niyo ako? Sa tingin ko ay mas nararapat kung isuko niyo ang mga Golden Rock niyo sa akin upang hindi na tayo magkagulo pa rito!", seryosong saad ni Wong Ming habang inilahad pa nito ang kaniyang sariling kamay.
HAHAHAHA!
Malakas na pagtawa ang itinugon ng dalawang kalahok na tila walang balak na paraanin si Wong Ming.
"Pwe! Sa tingin ko ay lumalaki ang ulo mo binata. Sa tingin mo ba ay matatalo mo kaming tatlo na mayroong pinagsamang tatlumpong golden rock?!" Pag-alma ng isa pang alalay na kapwa rin kalahok kagaya ni Wong Ming.
Bago pa man makapagsalita si Wong Ming ay kitang-kita niya ang sabay na pagsugod ng dalawang kalahok sa kaniya.
Skill: Twin Tiger Claws!
Kitang-kita kung paanong lumitaw ang mga metal claws sa nasabing mga kamay nito at agad na inatake si Wong Ming.
SLASH! SLASH! SLASH!
Agad na lumitaw sa likuran ni Wong Ming ang dambuhalang anino ng Golden Crane Goddess.
TAH!! TAH! TAH!
Tila napawalang-bisa lamang ang mga ginawang atake ng mga kalaban ni Wong Ming sa kaniya.
Nagpapatunay lamang na marami ang Golden Rock na nasa pangangalaga nito.
"Mukhang tiba-tiba tayo nito boss! HAHAHAHA!" Masayang tawa ng isa sa dalawang kalahok na sumugod kay Wong Ming habang tumingin ito sa gawi ng babaeng tumatayong lider ng mga ito.
Mula sa ere ay kitang-kita ni Wong Ming na bigla na lamang lumutang ang babaeng kalaban nito.
Mayroon itong hawak na isang mahabang espada.
Nagulat si Wong Ming nang mapansin ang kakaibang aninong nasa likuran ng kalaban niya.
Skill: Dragon Roar!
BINABASA MO ANG
IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)
FantasíaSa pagharap ni Wong Ming sa panibagong yugto ng buhay niya, magagawa niya kaya ng tama ang mabigat na misyong iniatang sa kaniya ni Faction Master Zhiqiang? Ano'ng klaseng misyon ito at bakit si Wong Ming ang piniling gumawa nito? Sa muling paglala...