Chapter 2.2

184 17 1
                                    


Habang papasok sila ni Wong Ming sa looban pa mismo ng kuweba ay patuloy pa rin ang pangunguha nila ng mga metallic ores na kung tawagin ni Xiaodan o Earth Dawn ay Red Tears Ore.

Gamit ang Red Tears Ore ay siguradong mahihirapan ang sinuman na gibain ang depensa o estraktura na gawa sa metallic ores na ito.

Hindi man ito sobrang tibay para sa mga Golden Realm Boundaries ngunit makakaya gamitin ito ng dalaga upang pigilan ang mga kalaban nito kapag nalusaw ito at ipadikit ito sa katawan ng mga ito.

Habang papasok pa sila ng papasok sa loob ng kweba ay naghahalo ng naghahalo ang dalaga ng mga metallic ores sa dala nitong couldron.

Pambihira, hindi aakalain ni Wong Ming na nalinlang siya ng sarili niyang mata. May dalang pambihirang cauldron ang nasabing dalaga upang haluin at palambutin ang mismong metallic ores.

Kayang tumunaw ng pambihirang cauldron na nasa pangangalaga ng dalaga ang kahit na anumang ores.

Napaka-convenient kung tutuusin ito ngunit hindi ito magamit kanina ng dalaga kung kaya't malaki ang nabawas sa kaniyang enerhiya sa katawan.

Inihahanda lamang ng dalaga ang  mga ito kung sakaling maipit sila sa sitwasyong kailangan nilang gamitin ang kanilang alas para makaligtas sa kaganapang iyon sa hinaharap.

Mas puro ito kung kaya't sigurado siyang kahit ilang araw ay siguradong mahihirapan ang sinuman na maihiwalay ang katawan nito sa tindi ng tinunaw na properties ng Red Tears Ore.

Hindi aakalain ni Wong Ming na ang tindi ng konsentrasyon at lakas ng dalaga upang gawin ito. Kahit siya man ay siguradong gagawin din nito ang gagawin ng dalaga.

Ngunit masasabi niyang sanay na sanay na rin ang nasabing dalaga upang gawin ito. Ang kasamahan nila na tatlo ay siguradong nakalabas na sa lugar na ito.

Ang kailangan nila ay makahanap sila ng pagtataguan.

Nang makalampas sila sa isang bahagi ng kweba ay tila napahinto sila nang mapansin na mayroong limang naglalakihang mga butas ang nasabing kweba at tila ang bawat isa sa mga ito ay may iba't-ibang labasan.

Talagang matinding pagsubok ito sa kanilang dalawa ng dalaga. Napahinto rin kasi ito at animo'y nag-iisip kung saan papasok.

Ilang minuto lamang ang nakakalipas ay malalakas na mga hiyaw ang narinig nila ng dalaga.

Hindi siya nagkakamali, sigaw iyon ng mga kasamahan nilang pumasok sa magkakaibang mga butas.

Kasunod nito ay tila rinig na rinig nila ang mga tunog ng nagbabaliang mga buto at tila humiwalay pa ito sa katawan ng mga kasamahan nila.

GRRRR! GRRRR! ROOOOAAARRRR!!!

Maya-maya pa ay mga atungal ng kung anumang nilalang ang naririnig nila. Hindi lamang iyon dahil tila takam na takam at nginunguya-nguya pa ng mga ito ang laman ng nasabing nasawing kasamahan nila.

Ito ang sinasabing panganib ng nasabing kasamahan nila noon. Talagang mapamuksa ang mga nilalang na ito at walang kalaban-laban ang mga kasamahan nila.

Matalas ang pandinig ni Wong Ming ngunit dalawa pa rin ang natitirang lagusan para pagpilian nilang daraanan.

Tiningnan lamang siya ng dalaga at mabilis na itong pumasok sa isa sa mga lagusan ng kuweba.

TAP! TAP! TAP!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang mga yabag ng nag-uunahang mga nilalang na animo'y patungo sa kanila.

Hindi lubos aakalain ni Wong Ming na makakaya pa rin silang sundan ng mga ito.

Sapilitang tinunaw ng dalaga ang Red Tears Ore na ipinang-atake niya sa kalaban nila kung kaya't hindi iyon masyadong matibay at kakapit ng matagal.

Naniniwala naman si Wong Ming sa sinasabi ng dalaga lalo pa't iniligtas nito ang sarili niya kasama na siya mula sa mga kalaban nila.

Sa tingin niya ay naghahanap ito ng magandang pagkakataon upang tumakas at hindi harapin ang mga kalaban. Sa tingin niya ay iyon rin ang makabubuti lalo na at hindi nila kakayaning dalawa ang labanan ang mga iyon.

Sa lakas at talino ng dalaga ay siguradong mahihirapan siyang ipamalas ang lakas niya at mabubunyag ang sikretong maingat na tinatago niya sa kasalukuyan pagsubok upang makapasok sa Vermilion Sect.

Sa tingin niya ay kailan niyang mag-ingat at hindi simpleng nilalang ang dalagang ito. Sa lakas nitong gumamit ng elemental demon power nito ay siguradong hindi ito mangingiming paslangin din siya sa hinaharap kung magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.

Ice Demon? Siguradong isang malaking eskadalo na naman ang magagawa niya. Hindi lang buhay niya ang mawawala kundi madadamay rin ang Flaming Sun Faction maging ang Green Valley na siyang pinagmulan nito.

Ang bloodline inheritance niya ay hindi niya pa napapaunlad. Wala pa sa katiting ng kabuuang lakas nito ang naipapamalas niya.

Pasikot-sikot ang mga lagusang nadadaanan nila at paminsan-minsan ay napapahinto sila.

Tila alam ng dalaga ang ginagawa nito at ni hindi man lang sila nakakasagupa ng nasabing halimaw na pumapaslang sa mga tumatapak sa teritoryo nito.

Nasambit pa ng dalaga na isa iyon sa kakayahan ng Earth Demon maging ng Water Demon ngunit mukhang kahit ang pinakasimpleng pamamaraan upang ipamalas ang natural na abilidad ng isang Elemental Demon ay hindi man lang niya magamit-gamit.

Minsan ay gumagana ngunit kadalasan ay hindi. Iyon ang gustong ipunto ni Wong Ming. Natahimik lamang siya dahil ang totoo ay isa siyang  produkto ng Ice Demon Bloodline Inheritance.

Mahina ang kakayahan niyang makasagap at matuto dahil wala ring nagtuturo sa kaniya.

Habang magulo ang isip ni Wong Ming ay patuloy pa rin siyang nangunguha at nagdadampot ng mga nakakalat na mga Red Tears Ore sa dinaraanan nila ganon din ang nasabing dalaga.

Maya-maya pa ay sampong mga lagusan ang nasa harapan nila at kitang-kita kung paanong mayroong mga matang nakatingin sa kanila mula sa limang naglalakihang mga lagusan.

Ang mga matang iyon ay nakakatakot at namumula mula sa kadiliman. Gutom, galit at tila natatakam ang mga ito.

WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH!

Tila tumatakbo ang mga ito mula sa dulong bahagi ng lagusan patungo sa kanila.

Agad namang pumasok ang dalaga sa isang lagusan at kasunod nito ay sumunod din si Wong Ming.

Mabilis na lumitaw ang nasabing cauldron ng dalaga at mabilisan nitong idinikit ang mga natunaw na Red Tears Ore upang isarado ang lagusan.

Kitang-kita ni Wong Ming kung paanong maraming mga nagpupulahang mga mata ang patungo sa kanilang direksyon.

Mabuti na lamang at nagawang punan ng Red Tears Ore ang lagusan nila upang isarado hanggang sa tuluyan na itong tumigas.

BANG! BANG! BANG!

Rinig na rinig ni Wong Ming ang malalakas na pagbangga ng mga halimaw sa dilim sa mismong tumigas na Red Tears Ore.

Nagpatuloy ang paglalakbay nila sa loob ng lagusan ng kuweba hanggang sa tuluyan na silang nakalabas sa loob ng  pasikot-sikot na lugar na ito.

IMMORTAL DESTROYER: Into The Darkness (Volume 14)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon