***
(Ashlene)
Walang hiyang lalake yun! Matapos ang ginawa nya, it's too easy for him to party like that?! Curse him!
He knows my sister, at kung makapaghalikan sila akala mo magkakapalit na sila ng pagmumukha. And then may apog pa syang magpakita sa akin at sabihan akong desperada?! Eh kung hindi dahil sa kanya, sana napuntahan ko na si Paul at nagmakaawa sa kanya. But because of that bastard, jerk, asshole Rio, hindi ko magawa, at kahit kailan hindi ko na magagawa pa.
I have this feeling na kasabwat sya ni ate. Alam ko yun, at sigurado ako roon. Ang sama sama nila. How could they do this to me? I'm too f*cked up. Nandidiri ako sa sarili ko.
Seeing him dirty dancing with a girl, gusto ko syang lapitan at pagsasampalin. Bakit ba dumadami ang lahi ng mga gago? Naaawa ako dun sa babae, paano kung gawin nya rin yung ginawa nya sa akin? No. I won't let that happen. Sisirain ko sya, kailangan kong makaganti. Para man lang sa sarili ko. I want to get even, dahil hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya sa akin. He ruined everything, kaya sisirain ko rin sya.
I wipwd away my tears at nilisan ang lugar na iyon. This is the second time na sinubukan kong sabihin sa kanya. Pero lagi namang ganun ang ginagawa nya, nag aalinlangan na lang akong magsalita, 'cause obviously, wala naman akong mapapala.
"Ashlene." Rinig kong tawag sa akin. I looked up only to see Ceo extending his arms at nilapitan ako para mayakap.
"H-Hindi ko kaya. Hindi pa ako handa." Muli na namang bumuhos ang mga luha ko na parang isang malakas na bagyo. At this point, this time, si Ceo lang ang meron ako. Yet, I can't tell him, baka layuan nya lang ako. He doesn't need to know.
"Sssh. Tahan na. Alam ko. I'm here Lene, sssh." Paulit ulit nyang hinagod ang likod ko, trying to calm me down. But I just can't. Tuwing mag iisip ako, tuwing pipikit, yun pa rin ang nakikita ko. Why do I need to experience this kind of sht?! Ano bang mali ko, ano bang mabigat na kasalanan ang nagawa ko? Wala akong matandaan.
Buong buhay ko, naging mabait at masunurin ako. Ni minsan hindi ko magawang biguin ang mga magulang ko. Even though anak ako sa labas, hindi ako nagtanim ng kahit na katiting na sama ng loob kay Dad, dahil sinuportahan nya kami. Naging sunod sunuran ako sa kanila, lahat ng gusto nila sinusunod ko. Gusto nilang mag abogado ako? Kumuha ako ng law. I've always been a 9 to them. Hindi pa rin ako sapat. Sabihin mang pinanagutan kami, at pinakasalan ni Dad si Mama, stil, si ate pa rin.
Kase sya ang tunay na anak, legal at may pinanghahawakan. Kaya kahit anong gawin ko, I will never beat her. Kahit magsabi ako ng totoo, sya pa rin ang pinaniniwalaan. Kahit pa sya ang black sheep ng pamilya, she's still the white one for Dad. I'm sick tired living on her shadow. Nakakasawa na.
Kaya when Paul confessed his love for me at niligawan nya ako, hindi ako nagdalawang isip na sagutin sya. That time inisip ko na lang na mapag aaralan ko syang mahalin. And when I already did, iniwan nya naman ako. I thought panghabambuhay na. Akala ko sya na. Pero tama pala sila. Tama ang mga kabataang naririnig ko sa jeep. Wala nga namang forever. Lahat nagbabago. Lahat nawawala.
"What are you planning? Sasabihin mo ba kina tito at tita?" Ceo suddenly exclaimed. Taka ko syang tiningnan.
"A-bout what?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayokong isipin na alam nya ang tungkol doon. Wala akong makitang dahilan para malaman nya.
"Your condition. Kelan mo balak sabihin sa akin?" Malamig nyang saad. Walang kahit anong reaksyon ang nakapaskil sa mukha nya. Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinipigilan ang mga hikbi ko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong nya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang magpaliwanag.

BINABASA MO ANG
The Playful Assassin
General FictionHe is a naughty man. He loves to play. Play with fire, play with hearts. Are you willing to be his playmate? How long can you play with him? Are you that skilled to win over? Or just dumb to wait until the game is over?