***
(Ashley)
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko. Iminulat ko ang mga mata ko and searched for someone beside me, but I found nothing but an empty space. Nauna pala syang magising sakin.
Mabilis akong bumangon at naligo bago lumabas ng kwarto. Naamoy ko agad ang masarap na pagkain kaya sa kusina ako dumiretso. Kumakalam na ang sikmura ko. Argh!
"Oh, I was about to wake you up. Gising ka na pala. Kain na tayo?" Bago ako tuluyang makarating sa kusina ay nasalubong ko sya. Half naked at nangangamoy ulam. My cheeks turned red. Ganito kaaga? Seriously? Malaki ang ngiting nakapaskil sa labi nya. As if wala syang pinoproblema, na balewala lang sa kanya ang ginawa naming pagtakas.
"I love you." Those words came out of nowhere. Kusa na lamang iyong lumabas sa bibig ko, sa takot. Sa takot na baka hindi ko na yun masabi pa sa kanya. Dahil ang lahat ng ito, may katapusan. Ayokong masanay, dahil kapag natapos na ang lahat ng ito, magiging masakit lang ang lahat. Pero sa puntong ito, gusto kong maging makasarili at kalimutan ang lahat. Gusto ko si Rio lang. Si Rio lang.
Halata ang pagkagulat nya sa sinabi ko, pero hindi rin naman nagtagal at napalitan iyon ng matamis na ngiti.
"Kung alam ko lang na ganito pala kasarap na gumising sa umaga kasama ka, matagal na sana kitang itinakas. I love you Ashley." He said. Napatango na lang ako. He's right. Kung siguro ang pagmamahal namin ay nasa tamang oras at pagkakataon, we can be the happiest couple. Pero huli na ang lahat, ang meron na lang kami ngayon ay mga nakaw na sandali.
Sabay kaming kumain, paminsan minsan ay sinusubuan nya ako at hindi ko mapigilan ang mailang. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na magiging ganito kami. That Rio, will love me back. And look at us now, fate is really unpredictable. Hindi mo alam kung saan ka dadalhin.
"Pasyal tayo?" Tinusok tusok nya ang pisngi ko at tawa sya ng tawa. Nakasandal ako sa dibdib nya habang nakaupo kami sa couch kaya malaya nya iyong nagagawa. Kanina ko pa inililipat ang channel sa tv pero wala namang magandang palabas.
"Saan tayo?" I asked at tinapik ang daliri nya na kanina pa umiirita sa pisngi ko. Umayos ako ng upo at hinarap sya. Nakanguso nya akong tiningnan, I know kapag ganyan ang galawan nyan, nag iisip yan. Yup, paminsan minsan nag iisip yan.
Rio, si Rio na punong puno ng kalokohan ang utak. Yung babaero, partyholic, at mahilig pumasok sa gulo. I love him kahit pa mahaba haba ang listahan ng mga kalokohan nya. He's full of flaws, but that flaws made him only hotter than anyone. No one can resist this man's charm. Minsang matingnan mo sya, hindi mo na mapipigilan pa. He's like a drug, and I am just an addict.
"Beach? May resort sa malapit." He said then raised his brows upside down. I frowned. If I know, sisipat lang sya dun ng mga babaeng naka bikini. Not a good idea, but I kiss beach anyway, kelan pa ba ang huling punta ko roon? Hindi ko na maalala.
"Beach it is." I grinned. Patakbo akong pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng short shorts, bikini top at tinakluban iyon ng scarf na nahagip ko sa may cabinet. Kung nasa bahay sana ako ay hindi ako mamomroblema sa bikini. Pero hindi naman ako patatalo sa mga babae sa beach. Sisiguraduhin kong nasa akin lang ang tingin nya mamaya, or else gagawa ako ng paraan para pilitin sya.

BINABASA MO ANG
The Playful Assassin
General FictionHe is a naughty man. He loves to play. Play with fire, play with hearts. Are you willing to be his playmate? How long can you play with him? Are you that skilled to win over? Or just dumb to wait until the game is over?