***
(Ashley)
Argh! Damn headache. Bumangon ako at bahagyang hinilot ang sintido ko. What happened last night, alam ko lahat yun.
"You're awake." I took a glance and smiled at Stan na nakaupo sa tabi ng kama at halatang wala pang tulog. Sya nga pala ang nag alaga sakin kagabi.
"Hey. Natulog ka ba?" I asked. Hindi pa rin ako bumabangon dahil sa sakit ng ulo ko. This is the consequence ng sobrang pag inom.
"I was about to sleep last night, but you didn't let me." He explained, nangunot ang noo ko. Ano bang ginawa ko? Yun ang hindi ko matandaan. Instead of answering him, I just gave him a 'what' look.
"Iyak ka ng iyak. You keep saying 'no please, stop' I think nananaginip ka ng masama. I tried to wake you up pero hindi ka naman nagigising, kaya binantayan na lang kita." Pupungas pungas na paliwanag nya. I clenched my fist, that same nightmare bugged me again last night. Hindi ko alam kung paano, pero unti unti na namang bumabalik lahat ng nakaraan ko. I swallowed hard at tuluyang tumayo.
"Thank you." I went near Stan and hugged him. Buti na lang nandito sya, buti na lang dumating sya kagabi. I'm grateful that I have him as my friend.
"You're welcome. Here, drink this. Sunod ka na lang sa baba para makakain ka." Inabutan nya ako ng paracetamol at nagtungo na pababa. I unconciously smiled. Hindi ko na pala kailangan pang maghanap ng ibang lalake. I think, Jacob's right, Stan is the perfect man to marry.
Ininom ko ang gamot at inayos ang sarili ko bago bumaba. Nadaanan ko pa sina Theasia at Chans sa sala na naglalaro.
"Good Morning Tita." Chans greeted me.
"Hi Tita." Makulit na usal naman ni Theasia hawak ang manika nya. Lumuhod ako sa harapan nila and greeted them a good morning bago ko sila parehong niyakap.
When I asked them, ang sabi nila kumain na raw sila, kaya mag isa na lang akong nagpunta ng kusina. They're all in at mukhang ako na lang ang hinihintay. Honestly, ito ang unang pagkakataon na makakasabay ko silang mag almusal.
"Hi Ash." Michael waved his hand. I waved back. Tinanguan lang ako ni Andrew and Thea just smiled. Si Jacob naman abalang makipagtitigan sa kawalan. Nakaupo na rin si Stan next to a vacant seat which I think belongs to me.
Hindi sinasadyang madako ang paningin ko sa upuang katapat ng upuan ko. There he is, the greatest jerk in town. Napaismir na lang ako bago umupo. Hindi ko kelangang maapektuhan with just his mere presence.
"Let's eat." I said ng makaupo ako. Kanya kanyang sandok sila ng pagkain, while Stan as a gentleman, inuna nya akong lagyan ng pagkain sa pinggan.
"How are you Ashley? Have you found what you're looking for?" Jacob suddenly asked in the middle of meal. I looked up and stared at him. He's grinning from ear to ear. Gustong gusto nya talagang asarin ako. It's been a week and a half, at tatlong araw na lang ang meron ako. Masyado kase syang excited. Tsk.
"No." I simply said. Uminom muna ako ng tubig at ibinaba ang mga kubyertos ko before turning to him again.
"I've decided. I'll marry Stan." Saad ko at hinawakan ang kamay ni Stan. Ramdam ko ang hawak nya pabalik, and I somewhat feel safe. Hindi ko mapigilang mapasulyap sa kinauupuan ni Rio. He doesn't seem to care. Patuloy lang syang kumakain. I think, I made the right decision. Kailangan ko na nga sigurong mag settle at bumuo ng sarili kong pamilya.
"Good." Yun lang ang nakuha kong sagot mula sa kanya, while the others except Rio congratulate me. I just smiled at them. I'll try to be happy, because I deserve to be happy.

BINABASA MO ANG
The Playful Assassin
General FictionHe is a naughty man. He loves to play. Play with fire, play with hearts. Are you willing to be his playmate? How long can you play with him? Are you that skilled to win over? Or just dumb to wait until the game is over?