***
(Ashley)
Nagpatuloy ang buhay ko sa ganoong sistema. Nabubuhay na lang ako para sa bata sa sinapupunan ko. I know, I'm worthless. Ni hindi ko sya kayang bigyan ng magandang buhay, pero pinipilit ko naman eh.
Inaamin ko, sa loob ng anim na buwan, ilang ulit akong natuksong bumalik sa mansyon, pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga nangyari noon, naduduwag ako.
"Here, drink this." Inabot kong ang baso at gamot na hawak ni Austin. Bumabalik balik na naman ang matinding sakit ng ulo ko, hindi ko na lang talaga nakayanan kanina kaya napilitan akong tawagan si Austin. Mabuti na lang at kaagad syang dumating. And, and he's the only friend I've got.
"Thanks. Just lock the door when you leave." Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot at sinubukan kong matulog. Sabi nila ganito raw talaga 'pag buntis, takaw tulog.
Hindi ko pa man naipipikit ang mga mata ko, I heard Austin sighed. Muli ko syang nilingon at pinangunutan ng noo. Nakaupo lang sya sa maliit na silya sa gilid ng kama, nakapatong ang mga siko sa tuhod at tinitigigan ako.
"Ash, let's talk about this." Agad akong napaupo kahit ramdam ko pa rin ang kirot sa sintido ko. Pamilyar sa akin ang emosyong bumabalot ngayon sa mga mata nya. At hindi ko iyon nagugustuhan.
"Please, don't feel pity for me." Hindi ko deserve. Pakiramdam ko mas lalo lang akong nanghihina kapag kinaaawaan ako. Ayoko ng ganun, mas nagiging walang kwenta lang ako sa sarili kong mga mata. Ang isang katulad ko, hindi dapat pinakikitaan ng awa, dahil kasalanan ko kung bakit ako nagkaganito.
Sumira ako ng dapat isang perpektong pamilya. Rio loves Ashlene, nanggaling iyon mismo sa bibig nya. At iyon ang batong pilit dumudurog sa puso ko hanggang ngayon. I was never enough for him, kahit subukan man lang, hindi nya ginawa para sa akin. Sinira ko ang buhay ni Ashlene, ng anak nya at ni Stan. Gulo lamang ang idinulot ko. Kaya wala akong karapatang maging masaya, o kahit kaawaan man lang.
"Ash, you need to go back. We both know that you can't raise him on your own. Look, Gray's offering a hand, might as well accept it." Sinusubukan nyang ipaliwanag sa akin ang noon pa man ay malinawanag na sa isip ko. I can't raise my child properly. Tama sya. Hindi ko kaya. Pero mas hindi ko kayang bumalik. Tawagin na akong duwag, pero natatakot ako.
"Y-ou told Gray?" I asked. Sa tono ng pananalita nya, sa mga salitang binitiwan nya, mukhang I already lost his loyalty.
"No.. No.. Of course not. We have a word. I promised. B-ut I'm planning to." Iniyuko nya ang ulo at pinaglaruan ang sariling sumbrelo. Bagsak ang balikat ko syang tiningnan. No, please not Austin. Pati ba naman sya? Napahawak ako sa maumbok kong tyan, hindi. Hindi nila pwedeng malaman na nabubuhay ka sa loob ko. Baka kunin ka ni Rio, ayoko. Hindi ko yun kaya. Ikaw na lang ang meron ako baby.
"Don't you dare Austin. Just leave, thanks for your help. I don't need you anymore, leave." Mariin kong ipinikit ang mata ko at sinubukang kontrolin ang rumaragasang galit sa sistema ko. I can lose a friend, but I can't lose my baby.
Hinding hindi malalaman ni Rio na nabuntis nya ako. Hindi nya malalaman na nagkaanak kami. Hindi nya makukuha ang anak ko sa akin. Isinusumpa ko. Akin lang ang anak ko.
"Ash..." He tried to held my hand but I pushed him away. Ipinagtulakan ko sya palabas ng kwarto ko, palabas ng apartment, paalis sa buhay ko. Hindi ko sya kaibigan. Ni hindi nya kayang panghawakan ang pangako nya. I thought I could trust him, but it turns out, hindi pala. Hindi pwede. Sarili ko lang talaga ang pwede kong pagkatiwalaan.
Tinapos ko lang ang paglilinis sa huling cr ng ospital at gumayak na rin ako paalis. Pupunta ako ng mall, kailangan ko nang mamili ng gamit ni baby. Mag pipitong buwan na sya kaya alam ko na ang gender nya. Baby boy.

BINABASA MO ANG
The Playful Assassin
General FictionHe is a naughty man. He loves to play. Play with fire, play with hearts. Are you willing to be his playmate? How long can you play with him? Are you that skilled to win over? Or just dumb to wait until the game is over?